Chapter 20

529 23 4
                                    

Chapter 20: Crush

"Naku totoo ba ang sinasabi nitong kaibigan mo, hijo?" si Lola sabay tingin sa akin.

Nakangisi akong tumango.

"Totoo naman po..."

"Di'ba? Sabi ko inyo, La eh!" ani Eli.

Nagpatuloy pa si Lola sa mga kuwento niya na ang iba ay tungkol sa buhay ni Eli na interesado naman akong malaman.

"Mabait at responsable itong si Felizardo. Loko loko lang talaga pero maasahan mo ito sa lahat ng bagay kaya nga marami rin itong kaibigan eh!" kuwento ni Lola.

Eli is just smiling, proud of himself.  And I couldn't disagree coz it's true. Kung hindi totoo ang mga sinasabi ni Lola Deliah ay malamang wala ako rito.

"Ikaw ba? Anong reklamo mo rito sa apo ko at nang mapagsabihan ko, Ryu?" Lola said.

I chortled. "Wala naman po," sabay tingin kay Eli na titig na titig na sa akin ngayon.

Hanggang sa natapos kaming kumain at nagliligpit na ay patuloy pa rin si Lola sa mga kuwento niya hanggang sa kailangan niya nang magpahinga at bawas bawasan muna ang kilos dahil masama sa kaniya iyon.

Kaya ito kami ngayon ni Eli, naghuhugas ng pinggan kahit na noong una ay ayaw niya akong tumulong at siya na raw ang bahala pero wala naman akong gagawin kaya pinilit ko.

"Alam kong may reklamo ka sa akin, bakit hindi mo sinabi kay Lola?" saad niyang bigla.

Napatingin ako sa kaniya, he looked at me with seriousness at the same time playfulness on his eyes. I laughed lightly.

"Wala. Ang tagal na noon ah? Halos isang taon na at siyaka napatawad na kita. Naintindihan ko rin kung bakit mo ginawa iyon..." sagot ko nang maalala ang nangyaring iyon na kinalimutan ko na pero siya ay hindi pa pala.

"Alam mo bang noong nalaman ko na nagsasabi ka ng totoo, parang gusto kong pumunta sa Manila at kausapin ka agad. Kasi sa totoo lang, naguilty rin ako sa ginawa ko sayo at sobra sobra akong nagsisi..." mahaba niyang sabi.

Bumagal ang pagbanlaw ko sa pinggan dahil pinoproseso ang sinabi niya. Nang tignan ko siya ay siya namang iwas niya.

"Ang sama sama ko talaga---"

"Naiintindihan ko naman, Eli. Kaya kalimutan nalang natin yun..." I said cooly.

"Pero hindi kasi ako pinatulog ng ilang araw non eh, gusto ko agad mag sorry sayo at ilang buwan pa ang hinintay ko bago magawa---"

"Let's forget it, okay?" binasa ko siya ng tubig kaya natawa kaming pareho.

"Ayaw mo na bang balikan? Okay lang kung magagalit ka at gagantihan mo ako ngayon?" ngisi niya na agad kong inilingan.

"Let's forget it." I said firmly and smile.

He nodded. "Sige. Sabi mo eh,"

Tinignan namin ang isa't isa kaya natawa kaming pareho sa simpleng titigan lang namin.

Kinabukasan, pagkatapos ng agahan ay nagpahatid ako sa driver. I'm going to San Pedro where Daddy's office located coz I'm going to ask something related to our roadtrip plan.

"Ryu? What made you visit here?" Dad said when he finally arrived dahil bagot na bagot na ako sa opisina niya kakahintay.

"I'm just wondering if we can get a car's license, Dad?" I asked.

Natigil si Dad sa pagbabasa niya ng mga papeles na nasa harap niya at ginilid ito para sagutin ang tanong ko.

"Why? Are you interested?"

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon