Chapter 6

583 33 2
                                    

Chapter 6: Perspectives



Eli is not out of place because he look rich but his reactions are. Bakit ba hindi nalang siya gumalaw ng normal dahil wala naman kami sa ibang mundo, nasa restaurant lang namin kami kaso mahal nga lang talaga ang mga pagkain at puno ng mga taong mayayaman.

"Ako na po!" inunahan niya na ang waiter na iusod ang bangko na para sa kaniya.

Tinignan ni Eli ang mga nasa harap niya. "Ang dami naman kubyertos..." saad niya.

"Puwede naman isa lang gamitin mo..." sabi ko at nilahad na sa amin ng waiter ang menu.

Kunot noong binabasa ni Eli ang menu samantalang tinitignan ko lang siya at mukhang nahihirapan siyang mamili.

"Uhm..." aniya.

"Fillet mignon?" he pronounced it wrong.

"Yan ba ang gusto mo? Iyan din ang akin. But you read it minyon not mignon..." I corrected in a good way, not in an offensive.

Tumango siya at ngumiti. "Ah. Yun nalang at... Ikaw na bahala sa iba." sambit niya at binitawan na ang menu.

Sinabi ko na sa waiter ang order namin at suminghap ako dahil mukhang hindi talaga sanay si Eli sa mga ganito. Am I bad? Maybe. Dapat pala hindi ko na siya pinilit dito kung hindi naman pala siya kumportable.

I smiled at him with so much assurance. He smiled nervously while looking around.

"Ryu? My inaanak!" bigla kaming dinaluhan ng may ari nitong restaurant na ninong ko at kaibigan ni Mommy.

Tumayo ako para magmano. He smiled widely at me then he hugged me.

"You're so handsome! Mabuti naman at nadalaw mo itong restaurant ko! Its been a while mula noong nakita kita! How's your mom and dad?" he said energetically.

"Nasa Manila po. Nagbabakasyon lang po ako sa Casa Poblacion then I saw your restaurant online and the food looks so delicious..." I said.

"Naku talaga? Well, treat ko na sa'yo to since hindi kita nakikita tuwing Christmas! Order what you want, hijo..." aniya at niyakap ulit ako sabay hagod sa likod ko.

"Oh? May kasama ka pala! Your friend?" aniya.

Tumayo naman si Eli at naglahad ng kamay sa ninong ko pero pinunasan niya muna ang kamay bago nakipag shake hands. "Eli Reyes po," he said politely.

"Oh. Nice to meet you, hijo! I believe you also came from the wealthy family coz I know some people with the surname Reyes and they're all successful and rich!" my ninong said.

Eli just smile awkwardly.

"Oh maiwan ko na kayo. Enjoy your dinner, boys!" paalam niya at umalis na para daluhan ang ilan pang customer na kilala niya.

Umupo na kami ni Eli at saktong serve na ng mga pagkain namin.

"See? You also look rich that's why act normal, Eli..." I beamed.

He smiled and sighed, it looks like he's more comfortable than before.

"Sana nga totoo yung sinabi niyang galing ako sa mayamang pamilya no?" he laughed handsomely.

I nodded and smile grew. "Malay mo?"

Umiling siya at inayos na ang mga pagkain sa harap ko. "Imposible yan..." he chortled.

And we started our dinner while having a nonstop conversation.

"Sanay na sanay ka talaga sa mga mararangyang bagay no? Yaman mo kasi!" sambit niya habang nililibot ang tingin sa buong restaurant.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon