Chapter 19

511 20 2
                                    

Chapter 19



"Ayos ka na ba?" he asked worriedly.

Tumigil na siya sa pag-iyak kaya sumingkit ang mata niya at basa ang pisngi niya dahil sa mga luha. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinaplos at tinignan iyon.

"Ayos na. Binigyan nalang ako ng reseta para sa anti-tetanus..." I said casually and calmly.

This is a big deal coz it might put me to danger but because of his expression and reaction, I want to take it calm. Ayaw ko ng sabayan ang bugso ng damdamin niya dahil masyado siyang mabibigatan.

"Ako na ang bibili..." tumango tango siya at kinuha na ang reseta sa kamay ko, gusto kong umangal pero hindi na siya mapipigil pa.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa may mga upuan at pinaupo roon.

"Dito ka muna. Bibilhin ko lang to," giit niya at umalis na.

Napakurap ako dahil para siyang natataranta nang makita rin ang kalagayan ko pero inintindi ko nalang siya. He's scared after all, he's worried.

Nakita kong lumabas ang doctor na tumitingin kay Lola kaya tumayo ako at sinalubong ito.

"Doc, kumusta po si Lola?" I asked and tried to take a look but the nurse close the curtain.

"He's okay now, hijo. Nahilo lang dahil mainit nga naman ang panahon. Are you also her grandson?" the doctor asked.

"No. Kaibigan lang ng apo niya," sagot ko.

"Oh, I see. You were both alert. Nadala niyo agad si Lola rito. You did a good a job!" anito sabay tapik sa balikat ko.

"Thank you po," sambit ko bago ito umalis.

Doon palang ako nakahinga nang maluwag kaya bumalik na ako sa upuan ko para hintayin si Eli. Sa totoo lang, nakakaramdam din ako ng labis na pag aalala. Hindi lang dahil sa nangyari kay Lola Deliah kundi dahil din kay Eli.

I've never saw him with that kind of expressions. He's always hyper, bubbly, and a smile never leave on his lips. He's like a sun that never get tired to release shine but now, he's the sunset.

And a sunset is a wonderful view but today, it wasn't.

Lumabas na ako ng ospital dahil dumarami na rin ang tao at wala pa rin si Eli. Paglabas ko ay natanaw ko agad siya sa malapit na pharmacy. May mahabang pila kaya pala siya matagal pero siya na ngayon ang nasa unahan. Sumandal nalang ako sa sasakyan namin at doon na siya hinintay.

Nang lumingon ulit ako sa banda niya ay nakita kong naglalakad na siya palapit sa akin, may pag aalala sa mga mata. At kahit sa ganitong sitwasyon, hindi ko maiwasan ang purihin siya. He's still handsome even after he cried and he's more handsome and attractive now that he has a chinky eyes.

"Bakit ka lumabas? Sabi ko sa loob ka lang eh," bungad niya.

"I got bored. Marami na rin ang tao..." sagot ko.

Tinitigan niya ako at sa huli ay tumango siya. Inabot niya sa akin ang gamot at kinuha ko naman iyon pero nagulat ako nang kinuha niya ang biniling bandage.

"Ako ang maglilinis ng sugat mo tuwing umaga, kaya ako na ang magtatabi nito..." aniya.

Tumango ako at tinabi na ang gamot sa bulsa at nagkatitigan kami. He couldn't look at me coz I'm staring at him.

"Uhm..." yumuko siya sabay kagat sa labi. "Gusto mo na bang umuwi?" malungkot niyang tanong.

Ngumiti ako dahil parang ayaw niya pa akong umuwi kaya para siyang bata ngayon na malungkot na nagtatanong.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon