Chapter 34

431 20 4
                                    

Chapter 34: Know

"Ryu!" he called but I kept going. Mas binilisan ko pa ang lakad ko papalayo sa kanila.

Nang nakasakay na ako sa kotse ko ay hinampas ko ang manibela sabay salampak ng noo roon habang patuloy na hinahampas iyon dahil sa hindi maintindihang nararamdaman.

Noong una, iniisip ko na magandang bagay na mayroon na siyang girlfriend para mas madali para sa akin na kalimutan ang nararamdaman.Pero ang hirap pala. Ang sakit sakit pala. It was an unexpected attack in a battle that I've never made a protection for myself. It was a swift move that still hurting me.

Nanatili ako sa sasakyan at hindi muna ito pinapaandar dahil hindi ako puwedeng umuwi ng ganito dahil magtataka ang mga kaibigan ko. Bakit ba kasi ang aga umuwi ni Carl at Clarence! Wala tuloy akong kasama.

That's why I have no choice but to go home. Mawawala rin naman ang iniisip kong ito kung makikihalubilo ako sa mga kaibigan ko. Gaya ng nangyari kagabi.

Pero, hindi nangyari iyon. Nakahiga na ako sa sun lounger at ang dalawa ay nagtatampisaw sa swimming pool. I'm topless, only a white short because I am planning to take a dive pero nawalan na ako ng gana at nahiga nalang dito habang tinitignan ang maaliwalas na kalangitan.

He might be happy now cause he's with his girl. Matagal na noong nakita ko siyang may kasamang babae at hindi ko inasahan na sa sobrang abala namin ngayong college ay makakahanap pa siya. Samantalang ako, ano ang nahanap ko?

Hindi ko alam or maybe pain?

Hindi rin naman na kami laging magkasama dahil parehong abala kaya wala akong ideya sa mga nangyayari sa buhay niya. And he talked less when it comes to his relationship. So he want to be lowkey huh? Kahit sa akin ayaw sabihin? Fine then!

Kapag ako nakahanap, hindi ko rin sasabihin sa kaniya cause he never tell me about him! Huminga ako nang malalim at pinikit nalang ang mga mata. Naramdaman ko na umahon na ang dalawang kaibigan at umupo na sa katabi kong sun lounger.

"Hey? What's your problem?" Harvey asked.

I shook my head. "None. I'm relaxing..."

They both laughed. "You look not. Bakit nakakunot ang noo mo?" Gab chortled.

I opened my eyes then I glared at them. They are both wet while drinking juice. Umayos ako nang upo at uminom rin sa juice.

"Harvey, di'ba umamin ka kay Roxana? Tapos nawala na bigla nararamdaman mo?" panimula ko. Ito ang pinagiisipan kong itanong sa kaniya kanina pa dahil ito ang nakikitaan ko ng maaaring posibilidad.

Harvey nodded. "Yup. Bakit mo natanong? Iyon ba ang iniisip mo?"

"So may nagugustuhan ka na?! Sino yan?!" tanong agad ni Gabriel.

"W-Wala! Nagtatanong lang..." dahilan ko kahit alam kong naghihinala na sila.

"So what did you do, Harvey?" tanong ko ulit.

"Paulit ulit naman tayo eh? Inamin ko nga, then I hang out with other people and I found a girl and voila! That's it. I totally forgot my feelings for her!" he elucidated.

And I wonder if that works on me? But it's not bad to give it a try though. Kaysa naman lagi akong ganito, di'ba? That's the best solution...for now.

I spent the weekend with them and when monday came I don't why I am so nervous  when I saw him at the sala waiting for me. Nakapagbihis na ako at papunta na sana sa dining room para mag-breakfast. I didn't expect him today.

Tumayo siya at pilit na ngumiti. "Umalis na mga kaibigan mo?" he asked and looked behind me as if I am hiding my friends.

"Yeah. Kagabi pa. B-Bakit ka nandito?" tanong ko at huli na nang mapagtanto ko na walang kuwenta iyon. It's normal that he's always here cause I always inviting him.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon