Chapter 37

463 28 6
                                    

Chapter 37: Like

"Hello, Ryu? Nasaan ka na?" bungad niya nang sinagot ko ang tawag. 

"Papunta na. Sure ka ba rito sa binigay mong address?" tanong ko ulit habang tintignan ang pirasong papel. 

"Siyempre naman! Nakarating na ako riyan eh. Balitaan mo nalang ako ah!" aniya. 

"Okay sige." binaba ko na ang tawag at tinignan na ang bawat bahay na dinadaanan ko. 

Ngayon ko na kasi susunduin si Mary para sa date nila ni Eli. Kahit labag sa loob ko ito ay ginawa ko pa rin dahil nangako ako kay Eli. Maya't maya ang buntong hininga dahil sa bigat na nararamdaman. Ang hilig ko talagang pahirapan ang sarili ko. 

Sa isang subdivision nakatira si Mary at ang sabi ni Eli ay hinihintay na raw ako nito. Kaya nang may natanaw akong babae na kalalabas lang ng bahay ay hininto ko na agad ang sasakyan ko sa tapat ng bahay at hindi nga ako nagkamali na si Mary iyon. Bumaba agad ako. Nagulat siya nang makita ako. I smiled so she smiled back. 

"Ryu?"

"Yup. Pinapasundo ka kasi ni Eli..." I said and swallowed.

She's so beautiful in her white dress and medium hair cut. 

"Oh? Really? Inabala ka pa talaga niya! And wow! Ang ganda ng sasakyan mo ah!" puri pa nito. 

"A-Ah yeah. But he made so much effort so your valentine's date would be special..." giit ko at ayan! Pinapabango ko pa ang pangalan ni Eli. 

Hindi ko naisip na darating ako sa puntong magpapakatanga ako. At sa kaniya pa talaga! Ni wala man lang seminar para kahit papaano ay alam ko ang proseso?

"Aw. Eli is such a sweet person and you're so supportive!" she simpered. Napakamot naman ako sa batok at napangisi. 

"Uy, Maria! Siya ba ang boyfriend mo? Ang guwapo guwapo naman!" isang matanda ang lumabas. 

Nagulat si Mary. "Naku, Lola! Hindi po. Kaibigan lang po ng manliligaw ko!" she opposed. Bumalik siya sa may pinto para alalayan ang Lola papasok. 

"Let's go?" I asked when she's done. She nodded and I opened the door for her. 

"Thank you. Pasensya ka na kay Lola ah!"

I shook my head. "No, it's okay..." I smiled. 

Naging driver pa ang lagay ko pero wala na akong magagawa pa. Huli na para tanggihan pa ito. At sigurado akong malulungkot iyon kung hindi ako pumayag. At tangina talaga, bakit ba emosyon niya ang inuuna ko? Dapat ako muna! 

Nakarating na kami sa isang restaurant. Sa second floor ay nandoon si Eli. Nasa veranda ang mga lamesa habang tanaw ang buong Santa Rosa. 

Hinatid ko na si Mary sa taas at tumayo ang guwapong si Eli nang makita kami. He smiled at me and he mouthed his thank you. He looks so handsome in his dress shirt and black slacks with loafer. 

I smiled sadly. Nangilid agad ang luha sa mata ko nang makita ko kung paano nagliwanag ang mga mata niya nang makita ang kagandahan ni Mary. 

"A-Ah, s-sige... Maiwan ko na kayo. Enjoy your date!" paalam ko sa dalawa.

Tumango si Eli at Mary. Nagpasalamat sila sa akin at pinilit ko lang ang ngumiti. I turned around as my tears started to fall. Nakalabas na ako ng restaurant at mas lalong lumakas ang buhos ng luha ko. 

Nang nakapasok sa sasakyan ay hinampas ko ang manibela at doon tuluyang humagulgol. 

I've never thought this day would come. But this is all my fault, my selflessness bring me into this kind of painful situations. At kung bakit ba kasi sa dami ng tao, sa kaniya pa talaga. 

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon