Chapter 35

473 26 13
                                    

Chapter 35: Story

Mabuti nalang at walang nangyaring sagutan o away hanggang sa sumapit na ang gabi. Kahit papaano ay nalibang naman ako sa mga pamangkin ko kaya nawala ang mga iniisip ko.

"Tara, Ryu!" aya ni Froilan na may dala ng tequila.

"Go ahead..." sambit ko dahil nilalaro ko pa ang mga pamangkin ko. Somehow, my mind occupied by something that's not related to him.

Nasa sala kami at pinakikinggan ko ang mga kadaldalan nila. Napatingin nga lang ako kay Dion na tulalang nakatingin sa cellphone niya. Kanina pa siya mukhang malungkot. In fact, sinaway nga kami ni Tita Catalina dahil paskong pasko ay parang binagyo ang mga mukha namin.

"Kids, it's time to bed!" dumating na si Ate Roselle.

That's why I kissed their cheeks and utter my goodnight. Nagkatinginan naman kami ni Ate Roselle at ngumiti siya.

"I'm glad my children brought smile and laughter in your face! Kanina ka pa mukhang binagsakan ng langit! Pareho kayo nitong si Dionisio!" pansin niya.

"Yeah. Buti nga inuwi mo na sila rito. For sure Tita Elena would never leave the mansion again cause it's not empty anymore! Halos si Froilan nga lang ang tao roon dahil si Teodus ay sa mansion pa namin sumisingit..." bahagi ko.

"Yup. Isa yan sa dahilan kaya umuwi na kami. My younger brother need my words of wisdom! Nasa second year college na ayaw pa rin magseryoso!" aniya, tinutukoy niya si Froilan.

"You should. Idamay mo na rin si Parrish sa sermon mo," giit ko sabay turo kay Parrish na hawak na ang baso ng alak at tumatawa tawa na. "Look at him. He knows nothing but happiness!" sumbong ko.

"Hmm. I'll tried okay? I'll also lecture their parents!" halakhak niya kaya nagtawanan kami. Tinulungan ko siya na ihatid ang mga bata sa kuwarto at pinatulog ko pa si Astra bago bumaba at makihalubilo sa mga pinsan.

Pababa na sana ako kaso nakita ko si Tito Gary sa may balkonahe at mag isang umiinom habang nakatingin sa kawalan. Sa second floor kasi ay may malaki ring sala at may malaking balkonahe pero walang tao roon dahil halos lahat ay nasa baba.

"Tito Gary, why are you here?" I asked when I get near.

Umupo ako sa katabing upuan at sa gitna namin ay ang coffee table sa kung saan nakapatong ang isang bote ng wine. Tanaw namin ang madilim na kalangitan habang dama ang malamig na hangin. Tanaw rin namin sa baba ang mga pinsan naming nag iinuman at nagtatawanan.

"Nothing. I just want to be alone for now..." he said and looked at me.

Dahil dalawa ang baso ay nilagyan niya ang isa ng wine. He poured wine then he gave it to me.

"Samahan mo ako, Ryu. I know you want to be alone too..." he smirked that's why my eyes widened as I sipped on my wine.

Pero bakit pa nga ba ako magugulat. Lahat naman sila ay nahalata ang ekspresyon ko. Pansin ko rin ang paninitig niya kanina kaya alam kong alam niya na.

"I wonder why?" he then asked.

Ngumiti lang ako at suminghap sabay tumingala. "Wala lang. Pagod lang siguro..."

"Sa pag-aaral o...sa ibang bagay?" he probed.

Napatingin ako sa kaniya dahil sa huling mga salitang sinabi. He smiled seriously and sighed. Para bang may nais siyang iparating o may kahulugan iyon.

"Hay nako, Ryu. You know what? I love all my nephews and nieces but you're my favorite. Wanna know why?" aniya.

Kumunot ang noo ko at ngumiti. "Then, why?"

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon