Chapter 28

482 23 4
                                    

Chapter 28: Save


Nakikita ko pa rin kung gaano siya kasaya dahil sa mga sinabi ko. Bakit naman ganito siya kasaya dahil lang doon?

"Totoo ba ang lahat ng iyon?" he asked again.

I nodded nervously then I tapped his chest para umalis na siya sa harap ko dahil para kaming naglalandian dito. Tinignan niya ang kamay kong nakapatong na sa dibdib kaya agad ko itong inalis.

"Totoo yun?" he whispered softly.

"Fuck! Oo nga!" now I pushed him and I immediately open the door of the car and went inside.

Hindi ko alam kung bakit ako hinihingal o sadyang nagwawala lang ang sistema ko. Nakita ko siyang umikot na rin at binuksan na ang pinto. May ngisi pa rin sa labi niya hanggang sa umalis na kami papunta sa hotel na tutuluyan namin.

"Seriously? What's your problem?" I asked.

Nagawa ko pa talagang magtanong! Nilingon niya ako, nagngingiti.

"Wala. Hindi ba puwedeng masaya lang sa sinabi mo? At least ngayon, alam ko na na masaya ka kapag kasama ako. Hindi na ako mag ooverthink..." salaysay niya.

"Whatever. You weirdo..." sabi ko nalang at sa labas nalang ng bintana tumingin habang siya ay tumatawa na habang nagmamaneho.

"Ryu..." he called again kaya iritado ko siyang tinignan.

"What now?!" bungad ko agad kaya tumawa siya.

"Suplado naman!" anito. "Iniisip ko lang kung ganito pa rin kaya tayo pagtanda? Kapag pareho na tayong successful, may sarili ng pamilya, company, tingin mo? Magagawa pa kaya natin ito?"

Tinitignan ko na siya habang nagsasalita at may sagot na rin sa utak ko. Hindi ko alam. Dahil sino ba ang nakakaalam ng bukas?

"I don't know..." I shrugged.

"Tingin ko, Oo. Magagawa pa rin natin to. Basta ako kahit gaano kabusy ay maglalaan ako ng oras para sa roadtrip na siyempre kasama ka..." he uttered.

I blinked once again. Hindi ko na talaga maunawaan ang mga sinasabi niya o sadyang nagbibigay lang ako ng meaning sa mga iyon? Pero para naman akong tanga kung bibigyan ko ng meaning.

We're friends and I am contented with that. May feelings ako para sa kaniya pero hindi naman ako desperado na aminin ito sa kaniya at hindi ako umaasa na magugustuhan niya rin ako!

He's straight guy! Kaya imposible na magustuhan niya rin ako pabalik. Kaya ko lang naman siya nagustuhan kahit na lalaki siya ay dahil nga sa pansexual ako.

At first, I thought I was a straight boy or a bisexual but no. I could love everyone, no specific gender. That's what I thought about me. There's no gender identity when it comes to me.

And these will all past dahil alam kong matatauhan ang puso ko at maalala na kaibigan ko lang talaga si Eli. Hanggang doon lang iyon kaya hintayin natin na dumating ang araw na iyon. Hindi ko ipapahalata na gusto ko siya, magiging normal lang ako. Dahil hindi ko rin naman gusto itong nangyayari sa akin.

"Hmm. We're not sure. Nasasabi mo lang yan dahil hindi ka pa super busy..." pambawi ko.

"Hindi ah! Believe me, Ryu. Gusto mo puntahan pa kita sa kung nasaan ka pa eh!" he blathered.

"At paano mo malalaman kung nasaan ako?" I smirked coz what he thinking is impossible.

"Simple lang. Gagawa ako ng app para sa ganyan. I mean, may GPS naman pero gagawa ako ng mas specific para malaman ang lokasyon ng isang tao. Pero yung mga relatives o friends lang ang makakaalam siyempre, hindi buong mundo!" he clarified before he laughed.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon