Chapter 23

456 23 1
                                    

Chapter 23: Heart

Hindi ko naman malalaman kung tinamaan na ba ako pero kung tatanungin ko ang mga kaibigan ko ay baka magkagulo lang ang utak ko kaya huwag nalang.

"Cheers!" pinagsangga namin ang aming mga baso bago ito nilagok.

"Ah! Sarap!" si Gabriel.

"Di'ba? The best talaga itong soju!" si Roxana.

Nandito kami ngayon sa condo ni Roxana kahit na hindi naman talaga ito ang plano namin. Bumili kasi si Roxana ng maraming bote ng soju at maraming korean foods. No choice kami kundi pumayag sa gusto niya.

"Anong the best? Parang gin lang yan eh!" Harvey opposed as he wiped his mouth.

Hinampas ni Rox ang braso niya kaya natawa ang gago. Si Gabriel naman ay nag iwas ng tingin sa kanila.

Nagluluto si Roxana at kami ay nakaupo sa stool at sa counter ay maraming pagkain at inumin habang nanonood na rin ng movies.

"Masarap kaya! Di'ba, Gab?" Rox asked Gab.

He nodded and smiled. "Oo naman..." sagot nito at halata naman na nagseselos na sa dalawa.

"Talaga? Ubusin mo nga yung isang bote?" hamon ni Harvey.

"Talaga! Ako pa ang sinubukan mo ah! Kapag naubos ko ito, magpapalit tayo ng upuan ah!" pagpayag ni Gab.

Napalunok si Harvey at umiling iling, ayaw ipaubaya ang upuan niya dahil magkatabi sila ni Roxana.

Nagpatuloy ang hamunan nilang dalawa hanggang sa marami na kaming nainom. Hindi naman ako nalasing, nabusog lang nang sobra dahil masarap pala itong mga korean foods. Samantalang si Gabriel at Harvey ay nagpapalitan ng mga hinanaing sa isa't isa.

"Tumigil nga kayo! Wala akong pipiliin sa inyo dahil mga kaibigan ko kayo! Stop it!" saway sa kanila ni Rox na medyo lasing na rin.

Natawa tuloy ako kaya tinapunan ako nang masamang tingin ng dalawa. Mas lalo akong natawa pero natigil nang tumunog ang cellphone ko dahil may nagmessage.

Felizardo Reyes
•active now

Bukas na ang uwi mo di'ba? Hintayin kita! Dami kong kuwento sayo!

I smiled when I read it.

                                         Okay. Save it.

Okay. Ingat ka!

"Naks! Sino yan?!" usisa ni Roxana sabay silip sa cellphone ko pero mabilis ko nang pinatay.

"Kaibigan lang..." ngisi ko at pinagpatuloy ang kumain habang pinapanood ang dalawang kaibigan na kulang nalang ay magsuntukan.

"Okay, let me ask you both. Kailan ba nagsimula yang nararamdaman niyo sa akin at hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala?" Roxana interrogate her admirers.

Umayos nang upo ang dalawa at sabay pang nagtaas ng kamay na akala mo'y sasagot sa recitation.

"Okay. Mauna ka Harvey!"

Harvey drank first before he started. "Unang kita ko palang, may kakaiba na akong naramdaman, Roxana! At akala ko saglit lang pero habang nakikita't nakakausap kita... Mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sayo. The butterflies in my stomach never leave again when you came... Until now, they're still here." aniya sabay tapik sa tiyan.

Marahang sinuntok ni Gab ang braso niya. "Tanga ka! Kabag lang yan!"

Natawa kami. "O baka may diarrhea ka lang?" dagdag ko kaya namula sa iritasyon si Harvey.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon