Chapter 21

503 19 2
                                    

Chapter 21: Roadtrip

After I pee and wash my hands, I came out and I almost have a heart attack when I saw Eli standing in front of me.

"Nakakagulat ka naman!" sabay hawak sa dibdib.

"Masama ba pakiramdam mo?" he asked seriously and he step closer to survey my face.

I chortled. "Ayos lang ako! Bakit mo naman natanong? Gumamit lang ako ng restroom masama na agad pakiramdam?"

Huminga siya nang malalim.

"Hindi...ka siguro kumportable?" untag niya at hindi ko alam kung saan galing ang mga sinasabi niya ngayon.

"Paanong hindi kumportable?" payak akong tumawa.

"Ayaw mo sa maraming tao, hindi ba? Pero dinala pa kita rito nang hindi iniisip iyon..." he said with regrets on his voice.

Kumunot ang noo ko. "Tama ka pero ayos naman ako ngayon..." sabay tapik sa balikat niya.

"Sigurado ka?" sinuri niya ulit ang mukha ko kaya marahan ko siyang tinulak.

"Oo nga! I expected this to happen coz I know you're friendly that's why I practiced my socializing skills," I said with assurance.

Sa huli ay tumango siya. Hindi ko inasahan na iniisip niya na pala ang ganoong bagay. At bakit? Halata ba sa itsura ko na hindi ako kumportable? Well, half of me is'nt comfortable but after all, I enjoyed it.

Lumabas na ulit kami kaya nagpatuloy sila sa kuwentuhan at tawanan pati na rin ang panunukso nila sa kay Francine at Eli. Napansin ko rin ang maya't mayang tingin ni Eli sa akin na para bang hinihintay niya na magpakita ako ng pagkadisgusto sa nangyayari.

"Dito ka muna, hahatid ko lang sila pagkatapos ikaw naman hahatid ko..." habilin ni Eli nang sumapit na ang gabi at mag uuwian na ang mga kaklase't kaibigan niya.

Tumango nalang ako at ganoon nga ang ginawa ko. Nandito ako sa tapat ng bahay nila, nakatayo at naghihintay nang biglang may umilaw na motorsiklong papalapit sa akin.

"Ryu!" the deep voice was familiar.

"Teodus?!" sambit ko nang makita ang pinsan. Namumula ang mukha't labi nito at pormado pa na mukhang galing sa inuman!

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Huminto siya sa tapat ko at tinignan ang bahay na nasa likod ko.

"Anong ginagawa mo sa bahay ng gagong yan?" untag niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Gago? Si Eli?

"Huh? Pinagsasabi mo? Nag drive ka pa ng lasing ah? Susumbong kita kay Tita Leticia!" I warned.

"Magsumbong kayo! Wala akong pake! Sumabay ka na sa akin, Ryu. Tara na!" aniya at nakakabulahaw ang boses niya.

He's so scandalous. Gabi na at tahimik na sa buong Nuestra Street pero umiingay dahil sa bunganga nitong pinsan ko kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay na sa likod niya.

"You know what? Makakarating ito kay Tita, you scandalous boy!" I jeered but he just smirked playfully.

He keep on talking nonsense while he's maneuvering the motor while I am just enjoying the coldness of night and the peaceful surrounding that we were passing by.

"Laging iniinis ng gagong yun si Hydro eh, alam ko naman na nagbibiruan lang dahil siyempre magkakaibigan sila pero ewan ko, naiirita ako kapag iniinis niya si Hydro!" he ranted.

"What? Are you sane? It's natural coz they're friends! The heck, you care?" I said.

"I know but I couldn't look longer at them teasing each other. Sarap niyang sapakin!" he continued.

Memories in the Roads (Street Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon