Chapter 13

19.5K 499 15
                                    

Pag uwi namin sa bahay namin ay napagalitan pa ako ni Nanay kasi gabi na daw kung saan saan pa kami pumupunta.

Tinawanan na lang namin si Nanay at pinaliwanag namin na nakatulog kami at gabi na kami nagising.

Buti naniwala ito at niyaya na kaming maghapunan.

Nakakahanga ang pagiging simple ni Cameron kasi pinilit nya na kumain ng nakakamay kahit may kutsara at tinidor na nilagay si Nanay sa kanya.

Nakita ko na ngumiti ng lihim si Nanay sa ginawi ni Cameron.

Sure na Sure akong natuwa si Nanay sa kanya kasi si Bianca ay di ginawa ang magkamay sa pagkain sosyal yun eh.

Pagkatapos namin kumain ay naghuntahan pa sila ni Nanay.

Ako naman ay nilabas ang kutson ko kasi alangan sa papag ko patulugin si Cameron,

Ayoko nga noh!

Reyna ko yun kaya pagsisilbihan ko sya.

Niyaya ko na ito na matulog para masolo ko na si Cameron.

Nangiti ng maluwang ang Nanay sa narinig nya kaya binuska na naman kami namula ng todo tuloy si Cameron.

Kinaumagahan ay lumuwas na uli kami pabalik sa Maynila pinipilit nga ni Cameron ang Nanay ko na sa amin na pumisan kaya lang umayaw ito at sinabing saka na daw pag may apo na syang aalagaan.

Siyempre sumangayon agad ako kaya lang nasiko ako ng asawa ko kaya natatawang tinawag ako ni Nanay na Under de Saya.

Okay lang sa akin basta para kay Cameron.

"Mr. Ledesma can I talk to you?" Napatigil ako sa pagmamop ko ng sahig at nagtatakang tumango sa supervisor ko at sumunod dito sa opisina nya.

Naku baka bibigyan ako nito ng memo dahil nag absent ako ng isang linggo,

At ngayon lang ako uli nakapasok.

"Sir ano po yon?" tanong ko dito.

Di muna ito kumibo at tinitigan ako ng mabuti.

"You know the rules in this company right?" Tumango ako.
"And you leave without any notice"

"Ah sir kasi po nagpakasal po akong bigla kaya po---" naputol ang sasabihin ko nang pinukpok nya ang mesa.

"That's not the reason para lumiban ka,
You're fired!" sabi nito.

"S-sir?" Wow naman di ba dapat memo lang ba't naman tanggal agad sa trabaho.

"Narinig mo ang sinabi ko di ba? You are fired hakutin mo na ang mga gamit mo at umalis ka na sa kumpanya di namin kailangan ang mga batugan na katulad mo!" Tinuro na nito ang pinto.

Tinitigan ko ito at maya maya ay napapailing na lang na lumabas na ng opisina.

Pagkalabas ko ay nakasalubong ko pa si Bianca na malaki ang ngiti sa mukha.

Di ako nito pinansin at tuloy tuloy na lumakad ito pagkaraan ay huminto ito sa opisina na nilabasan ko.

Teka nakakaamoy ako ng di maganda pakiramdam ko may kinalaman to sa pagkakatanggal ko.

Dali dali ako bumalik at pinakinggan ang usapan nila.

"Mam naayos ko na po ang pinagagawa mo" narinig kong wika ng supervisor.

"Thank you Hector dahil sa ginawa mong pagtanggal sa kanya ay makakahinga na ako nang maluwag dahil wala nang magis stalk sa akin" mahinhin sabi nito.

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon