"Hello Baby ko" bati ko sa anak namin na karga ko sa braso ko at tila nakakaintindi na humuni at pinisil ang pisngi ko.
"Ang ganda ganda talaga nang baby namin at anu ha baby ko?" Tanong ko dito na humagikhik pa lalo.
Nandito kami sa garden at kasalukuyan na pinapaarawan ko ito."Asawa ko breakfast muna tayo" anyaya ni Cameron sa akin.
"Okay" sagot ko dito at inakbayan ito papasok sa bahay namin.
"Are you tired na ba Anton? Akina muna si Baby" anito at iniumang ang mga kamay para kunin sana ang bata pero umiling ako dito.
"No Camiko infact ang taas nga ng energy ko eh lalo pa't nandito kayo at kasama ko" sagot ko dito at hinalikan ko ang noo nito at pinugpog naman ng halik si Baby Anne.
"Oh sha kain muna tayo" natatawang anyaya nito at pinaghila ako nang upuan.
Umupo ako at inilagay ko si Anne sa upuan nito na laan dito.
"You are late na di ka ba papasok ngayon?" Tanong nito at pinaglagay ako nito ng kape sa tasa ko mula sa cofeemaker.
"Ahm...nah mas gusto ko na makasama kayo ni Anne buong araw ngayon" sagot ko dito.
"Okay" umupo na ito sa tabi namin ni Anne at sinimulan nang pakainin ang huli nang babyfoods.
Natutuwang pinagmasdan ko ang mag ina ko at masaya talaga ako sa nangyayari sa akin at sa pamilya ko.
Maya maya pa tila naramdaman ni Cameron na tinititigan ko ito nang mabuti.
"Why may dumi ba ako sa mukha ko?" Takang tanong nito.
Nakangiting umiling ako dito at saka kinuha ang libreng kamay nito at dinala sa labi ko.
"I'm just happy that you finally back to me and with a bonus our.... baby" puno nang pagmamahal na sagot ko dito at pinagmasdan ko si Anne na nakatawang nakatingin lang sa amin at tila drums na pinapalo ang desk sa harap nito na tila chinecheer kaming mga magulang nya.
"Gutom lang yan" namumulang sagot nito at mahinang natampal ako sa hita ko.
"I love you" bulong ko dito.
Namumulang napangiti ito at hinalikan ang noo ko.
"Mas mahal kita pakatandaan mo yan" bulong din na sagot nito sa akin.
Sasagot pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Kunot noo na tinignan ko ang pangalan nang tumatawag at nang malaman ko na si Nanay pala ang tumatawag ay agad na nag excuse ako kay Cameron sandali at lumayo muna dito saka sinagot ito."Nanay bakit po kayo napatawag?" Agad na tanong ko dito.
"Are you busy Anak?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay eto ang nagtanong sa akin.
"Y--yes Nanay why? may nangyari ba sa inyo dyan?"
"Pwede bang pumunta ka dito sa bahay natin ngayon?" kumunot ang noo ko sa boses ni Nanay,
Kasi para bang masaya sya at excited na di mawari."Alright sama ko si Cameron at si--"
"What kasama mo ang Asawa mo!"
"Yes Nanay"
"No ayaw ko munang makaharap siya gusto ko ikaw lang" galit na tugon nito.
"Pero Nanay"
"Please anak kahit ngayon lang makinig ka sa pakiusap ko" may himig nang pakiusap ang tono nito.
"Okay po" napipilitan na pumayag ako at pinatay na ang cellphone ko.
Kasi naisip ko na kailangan na nga palang ipaliwanag sa mga magulang ko ang mga nangyari at natuklasan ko na kaming tatlo lamang para maipakilala ko na ang unang apo nila,
At natitiyak ko na iispoilin nila si Anne pag nakita at nakilala nila ito.
Nangingiting bumalik ako kay Cameron."Camiko aalis muna ako" paalam ko dito.
"Ha? Akala ko...."
"Sandali lang ako promise" sagot ko dito at niyakap ito.
"Okay" tumatangong sabi nito. "Magkape ka muna para mainitan ang tiyan mo" anito at inabot sa akin ang tasa ng kape ko.
Agad na kinuha ko ito at inisang lagok na lang ang kape ko at nagpaalam na ako dito para umalis.---------------------------
"Nanay" bati ko kay Nanay at nagmano na dito saka bumaling sa tatay ko.
"Tatay" tawag ko dito saka nagmano dito.Pagkaraan ay naupo na ako sa sofa katapat nila.
Nagtaka ako pagkat bihis na bihis ang mga ito at tila may hinihintay na bisita ang mga ito."Ahm...bakit nyo nga pala ako pinatawag Nay? Tay?" Tanong ko sa mga ito.
"Ah anak---"
"She's here" wika ni Tatay.
Agad na tinignan ko kung sino yun dumating at nagtaka lalo ako nang may pumasok na dalaga,
Nakatailored suit ito na kulay krema at nakatali lang nang ponytail ang brown na buhok nito at masyadong mapula ang lipstick sa labi nya."Good Morning po" bati nito sa mga magulang ko at saka ngumiti sa akin.
"Good Morning din Hija" bati nang Tatay ko at ang Nanay ko naman ay nakipagbeso beso dito.
"Upo ka muna Lizette magpapahanda muna ako ng juice sa katulong namin" wika ni Nanay.
"Anak meet Lizette Madrigal, Lizette my one and only son Anthony" pagpapakilala ni Tatay sa amin nun dalaga na bagong dating.
"Please to meet you Anthony" anito at agad na tumayo ako at inilahad ang kamay nito na agad na tinanggap ko.
"Anthony Ledesma, Antonio na lang" nakangiting pakilala ko sa sarili ko.
"Well Antonio it's a pleasure to meet you" sagot nito at pakiwari ko humigpit ang pagkakahawak nito sa palad ko.
"Same to you and take a seat please" naiilang na bumitiw ako sa pagkakahawak namin at saka umupo uli.
"So now na magkakilala na kayo mas mabuti kasi medyo mahaba habang panahon din na magkakasama kayo" ani Tatay na pinagtaka ko.
"Why Tatay another ventured business po ba ang tinutukoy nyo?" Tanong ko sa mga ito at iling ang naging sagot ni Tatay.
"No anak, Lizette is an attorney that the forte is annulment of marriage mostly is the cases she holds or something like that" sagot ni Tatay.
"W--what?! Who is getting annulment? Kayo bang dalawa?" Takang tanong ko sa mga ito.
Umiling ang mga ito.
"Then who?" Tanong ko sa mga ito.
"It's you anak" sagot ni Tatay sa akin.
"What?!" di ko napigilan na mapasigaw sa pagkabigla sa nadinig ko.