Gusto kong malaman ang nangyayari sa paligid ko.....
Pero paano ako mag uumpisa?"Hey!" Tapik mula kay Cameron ang pumukaw sa malalim na pag iisip ko.
"Y--yes?"
"I said that I want to go there oh" turo nito mga nag fifire dancing.
"Okay....let's go" sagot ko dito at inalalayan ito papunta sa mga sumasayaw.
Natigilan ako nang makita ko na nakasibi ito.
"Why Cameron may masakit ba sa'yo?" Umiling ito at umabrisiete sa akin.
"Anton pumunta tayo dito di ba para mag honeymoon, mag enjoy pero nakakainis kasi ako lang yata ang nag eenjoy" angal nito.
Napangisi ako sa pag aalburoto nito at saka pinisil ang baba nito.
"Sorry po Asawa ko may iniisip lang ako"
"Mas mahalaga pa sa akin?"
"Nope kasi ikaw po ang iniisip ko at nag iisip ako nang mga paraan at mga gimick para po mapasaya kita" kaila ko at dagling namula ang buong mukha nito at mahinang nahampas ako sa kanang braso ko.
"Siraulo ka talaga, ba't sinabi mo sa akin" angal nito at natatawang nayakap ko ito nang mahigpit.
"Kasi po ayaw ko na magtampo o magalit ka sa akin"
"Oh Anton, kahit kailan di ko magagawang magalit sa iyo, magtatampo ako oo, pero basta trabaho lang ang naiisip mo at kaagaw ko sa iyo" pinaraanan ng hintuturo nito ang dibdib ko na nagpakabog talaga nang malakas sa puso.
"Basta di babae okay lang, kasi talagang magagalit ako sa'yo, remember that""Of course mahal ko, para sa akin ikaw lang ang pinakamaganda at pinakamamahal ko sa lahat di ko na magagawang tumingin sa iba" niyakap nya uli ito at saka bumulong.
"Ikaw lang sapat na at mas nanaisin ko pang mabulag kaysa mawala ka sa piling ko" bulong ko dito."Naku Anton, bilog na bilog na ang ulo ko sa mga sinasabi mo, I change my mind, kumain na lang tayo at baka gutom ka na" namumulang yaya nito sa akin.
---------------------------
Nang matantiya ko na nakatulog na si Cameron ay maingat na bumangon ako at dahan dahan na bumaba sa kama.
Pagkaraan ay pumunta ako sa may loveseat at kinuha ang laptop ko at binuksan.
Pagkaraan ay binuksan ko ang email ko at tinignan kung dumating na ang report na pinagawa ko.
Agad na sumikdo ang dibdib ko pagkakita na may bagong email na dumating,
Agad na binuksan ko ito at binasa.Tumambad sa akin ang mga larawan nina Andrei at Cameron na magkasamang pumasok sa opisina at ayon kay Greg ay nagulat at nagalit daw ang mga ito nang malaman na nagbenta na nang mga shares nila ang mga kasosyo nila,
Lalo pa't next week na ang meeting nang mga board directors at di pa nila kilala kung sino ang nakabili nang almost sixty percent ng kumpanya kaya daw nagpapanic na daw ang mga ito lalo pa't nagbigay na nang hint si Greg na gusto nang nakabili na kunin ang management kay Andrei ayon pa kay Greg.
Pagkatapos kong mabasa ang report ni Greg ay tinignan ko naman na maigi ang mga larawan ni Cameron,
Nagtataka at di ko na alam kung papanong pagaganahin ang utak ko para mag isip ng mga logic na dahilan kung papanung nangyari na magkamukha ito at ang babaeng kasama ko at kasiping ko.Kitang kita ko na malaki na ang tiyan ni Cameron dito malayo sa impis na puson ng kasama ko,
Nasabi ko na bang napakapayat nito malayo sa kasama ko ngayon na napakakurba ng katawan nito at yun dibdib.....May Dibdib ba talaga ito? Agad na napalingon ako sa natutulog na Asawa ko at maingat na pumunta ako sa gawi nito at pinagmasdan ko ang katawan ni Cameron at bakas na bakas mula sa kulay itim na nighties nito ang mayaman at tayung tayo na dibdib nito.
"Why are you staring at me?" Malambing na tanong ni Cameron na nagising na pala.
Agad na nag init ang katawan ko sa ayos nito,
Nakasabog ang mahaba at itim na itim na buhok at lalo itong pumuti dahil sa itim na nighties nito na abot lamang hanggang wala pa yata sa kalahati nang hita nito at bakat na bakat ang malaki nitong hinaharap,"Ahm....kasi anu ang ganda mo talaga" di ko mapigilan na sagot mula sa puso ko.
"Ikaw talaga Anton kanina ka pa bola nang bola sa akin" namumulang sagot nito at saka bumangon at inuumang ang mga kamay para bang inaanyayahan ako na pumunta sa kanya.
Kusang akong napaupo sa gawi nya at agad na niyakap niya ako at napasubsob ang mukha ko sa mayamang dibdib nito.
Di ko mapigilan ang mapapikit at saka samyuhin ang amoy nito na pinakagusto kong gawin noon na di pa ako nito pinagtaksilan at pinalayas at saka pinamukha sa akin kung papano nya ako ginamit,
"Cameron...." mahinang tawag ko sa pangalan nito.
"Hmmm....."
"Mahal kita Cameron at gagawin ko lahat para maging ayos tayong dalawa"
"Why di ba tayo ayos may problema ba?" Takang tanong nito.
Agad na Umiling ako at saka hinalikan ang tungki ng ilong nito.
"No, I move mountain and earth para sa iyo, para makasama ka kasi mahal na mahal kita, remember that" dagling namula uli ito.
Natatawang piningot nito ang ilong nya.
"Tama na nga Anton lutang na lutang na ako sa mga romantic speech mo kaya lika na matulog na tayo" anyaya nito at saka hinila ako para muling mahiga sa kama.