Masuyo kong tinitigan si Cameron habang natutulog ito.
Pagkadating na kami sa bahay ay dumiretso na kami sa kwarto namin dahil kumain na naman kami sa labas bago umuwi.
Di na ako pumayag na umuwi pa sya sa halip ay nagpasama na lang ako dito sa office at habang nagtatrabaho ako ay nandun na lang siya at nanood na lamang ng programa sa TV buti at di ito nainip.
Marahan kong sinuklay ang buhok nito at kinintalan ng halik sa labi.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina.
"Teban!" Masaya kong tinawag ang kasamahan ko dati at lumingon naman ito pagkaraan ay lumapit ako dito.
Katatapos lang ng meeting namin kasama ang mga board members.
"Oy Anto--- ay Sir Anton pala" kakamot kamot ng ulo na wika nito.
"Ano ka ba Teban ako pa rin ito, Anton pa rin ang itawag mo sa akin parang di naman tayo magkaibigan nyan" tinapik ko ang balikat nito.
"Iba naman nun eh, dati katrabaho lang kita ngayon boss na kita"
"Sus nagsenti pa to"
"Oo nga!" Inakbayan ko na ito papasok sa office ko para naman may makasalo akong kumain di pa kasi ako nananghalian eh.
Halos tutok talaga ako sa trabaho ko kasi gusto kong patunayan kay Papa na worth it na ipagkatiwala nya sa akin pansamantala ang kumpanya at syempre pa para naman matuwa ang asawa ko sa akin.
Miss ko nga si Cameron, sa umaga nauuna na akong umalis, tapos sa gabi naman ay tulog na ito pagdating ko galing trabaho,
"Wow grabe ang ganda ng office mo Sir Anton ngayon lang ako napasok sa office ng presidente oppps! Ikaw na pala ngayon yun" natutuwang nagpagala gala ito ng tingin sa kwarto.
Natawa na lang ako dito.
Kasi may sariling tagalinis ang Papa sa office nya kaya naman di na ito kailangan linisin ng cleaning staff dahil masyado daw kasing importante kay Papa na isang tao lang ang naglilinis ng opisina nya.
Ayaw nya na iba iba ang humahawak dahil naiiba daw ang mga pwesto ng mga gamit.
"Lika, Teban samahan mo akong kumain" anyaya ko dito.
Pero Umiling ito.
"Eh Sir kakakain ko lang eh"
"Di kumain ka ulit"
"Naku Sir Next time na lang promise di na ako tatanggi"
"Sinabi mo yan ha"
"Oo Sir Promise" nagpalakad lakad na lang ito ng mahinto sa harap ng desk at napagmasdan maige ang larawan.
"Oy Sir di ba si Mestisang Bangus ito?" Turo nito sa larawan.
"Teban may pangalan ang asawa ko C-A-M-E-R-O-N Cameron ayan ha inispelling ko na" pormal ang mukha ko na tinignan ito.
Nakangangang tinuro nito ang larawan.
"A - asawa mo? Ang anak ng may ari nito na asawa mo at ang Fiance ni Sir Andrei ay iisa?" Di makapaniwalang sambit nito.
"Oo at hindi, Oo anak siya ni Papa na may ari nitong kumpanya at asawa ko at hindi na siya Fiance ni Unggoy dahil umatras na siya"
"U -unggoy?si Sir Andrei?" Tumango ako dito.
"P--pero Bakit?" Maang pa rin na tanong ni Teban.
Napangisi ako nang maluwang.
"Gwapo ako kaya nang makita ako ni Camiko tinapon na nya sa sagingan yan si Unggoy"