Chapter 7

20.3K 402 5
                                    

Dahil sinusundan ko si Miss Cameron ng palihim ay syempre magtatago ako mahirap na makita pa ako ng mga tao sabihin pa na stalker ako.

At agad akong nagkubli sa gilid ng pader.

Masuwerte ako dahil tapat lang ng pintuan ng opisina ng Unggoy na yun itong pinagtataguan ko.

Dun malaya kong nakita ang pagkatok ni Miss Cameron sa office ng kapatid ni Kingkong.

Mas may itsura pa yata si Kingkong  kaysa  dyan sa unggoy na yan.

Lumipas pa ang ilang minuto pero wala pa rin nagbubukas nang pinto ng opisina ng lalaki na yun.

Wala bang sekretarya yan unggoy na yan?

Para magbukas ng pinto.

Kawawa naman si Miss Cameron.

Ako ang naiinip eh.

Pero wala mang lang akong mabakas na pagkainip o pagkayamot dito nakatayo pa rin ito sa harap ng pinto.

Mayamaya pa ay nakita ko ng pinihit ni Miss Cameron ang seradura ng pinto at bumukas yun.

Di pala nakalock yun katok naman sya nang katok pwede naman pala nyang buksan na lang.

Hay Miss Cameron nagpagod ka pa katatayo dyan eh bukas naman pala.

Sa isip ko lang sya pinapagalitan ah, hehehe may pakiramdam ako na makakanood ako ng drama dito.

Dapat pala nagdala ako ng popcorn at upuan.

At tama nga ang kutob ko dahil kitang kitang ko na naglalampungan ang dalawa.

Nagulat yata sila kasi tumigil itong bigla sa paglalampungan eh.

Maya maya pa marahil nakabawi na siguro ng hinahon si Miss Cameron at sinugod nya si Bianca.

Shit na malupet! ngayon lang ako makakakita ng cat fight dapat talaga nagdala ako kahit upuan eh.

Pero nagtaka ako nang di man lang lumaban si Bianca at nagulat pa lalo ako sa sumunod na nangyari dahil sinampal ni Unggoy si Miss Cameron at di pa nakuntento ito at kinaladkad pa papalabas ng office nya saka pinagbagsakan si Miss Cameron ng pinto.

Pupunta na sana ako sa kanya para damayan ito nang may marinig akong mga boses.

Pagtingin ko sa orasan nakita ko na pasado na ala una na pala ng hapon.

Naku tapos na pala ang breaktime ko kailangan ko nang bumalik sa paglilinis ko.

Nandyan naman yan mga empleyado na yan marahil kahit isa man lang dyan eh may tumulong kay Miss Cameron.

Aalis na sana ako nang matigilan ako sa nakita ko na wala man lang tumulong dito bagkus pinagtawanan pa si Miss Cameron ng palihim at may umusal pa ng buti nga sayo mang aagaw ka kasi.

Tumayo na si Miss Cameron na parang walang nangyari at naglakad na papalayo.

Nang malayo na ito saka nagtawanan ang mga ito ng malakas.

Seryoso? Pati pala dito uso ang bullying.

"Hoy, tapos na ang live show halika na" nagulat pa ako ng tapikin ako ng kasamahan ko.

"A-ah oo susunod na ako" wika ko at sumabay na dito.

"Swerte ng boss natin noh" wika ko dito habang naglalakad kami.

"Bakit mo naman nasabi yun ha" kumunot ang noo nito.

"Kasi Teban pinag aagawan sya ng dalawang babae eh" nakangising wika ko.
"Yuck kaya pangit ng unggoy na yun tapos sinampal pa nya si Miss Cameron humanda talaga sya sa akin lintek lang ang walang ganti" saloob loob ko lang.

"Naku yun Mestisang bangus lang na yun ang habol nang habol dun kay Sir Andrei eh may nobya na kaya si sir"

Sagot nito sa akin.

"Sinong Mestisang bangus?"

"Sino pa kundi yun nakita mong lumabas ng opisina ni Sir, naku sigurado ako na sinaktan na naman nya si Mam Bianca naku kawawa naman si Mam" napakunot noo ako.

Si Bianca kawawa?

Naku malabong mangyari yun.

"Bakit naman?"

"Eh kasi lagi na lang pag pupunta dito yun bangus na yun nakikita namin na umiiyak si Mam Bianca, minsan pa nga sinampal ito nun babae yung sa may lobby eh, buti na lang nandun si Sir kaya napagtanggol nya ito" madaldal rin pala itong si Teban.

"Ah ganun pala" nagpatango tangong wika ko dito.
Tsk! Artista kaya yun syempre aacting yan para makuha ang simpatya ng lahat ng tao noh ginawa na nga nya sa akin kaya tried and tested na yan si Bianca.

《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》

Makalipas ang isang linggo nakita ko ulit si Miss Cameron na pumunta dun sa office.

Di rin ito nagtagal at nakita ko na nakayukong lumabas ito.

Syempre pa susundan ko si Miss Cameron baka mamaya madulas ito eh kawawa naman walang tutulong dito.

Pro Bianca lahat ng tao dito sa office eh.

Nakita ko na pumasok ito sa restroom.

At dahil tahimik ang lugar na yun narinig ko na may pag uusap na nangyayari.

Teka tila yata boses ni Bianca yun isa?

At boses naman ni Miss Cameron yun isa pa.

Dali dali akong nagkubli ng maramdaman ko na may nagbukas ng pinto.

Nakita ko si Bianca ang lumabas pala.

Sumilip ako sa pinto ng restroom at nakita ko si Miss Cameron na umiiyak.

Gusto ko sanang lapitan ito para aluin kaso nag aalangan ako eh.

Kasi Restroom ito ng mga babae.

Baka masabihan pa ako ng bastos at manyak eh di naman ako pinalaking ganun ng Nanay ko.

Kaya pinagmasdan ko na lang ito ng palihim at ewan ko ba tila binibiyak ang puso ko sa bawat hikbi na lumalabas dito.

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon