Chapter 2

29.7K 575 14
                                    

"Cameron bakit biyernes santo yan mukha mo?" Napalingon ako kay Marky.

"Hmm..... wala naman may iniisip lang ako" matamlay kong sagot dito.

Umupo ito sa harap ko at nakapalumbaba na pinagmasdan ako.

"B-bakit may dumi ba sa mukha ko?" Naiilang na tanong.

"Alam mo sis ako ang naiistress pag pinagmamasdan kita" wika nito.

Napakunot noo ako sa narinig ko.

"Bakit naman?"

"Kasi naman sis yan ba ang mukha ng ikakasal sa papaballs nya" turo nito sa akin.

"Ano naman mali sa mukha ko" kinuha ko ang salamin at sinipat ko ang mukha ko pero wala naman akong nakitang kakaiba.

"Sis may panahon pa kung nagdadalawang isip ka pa o di ka pa handang magpakasal mabuti pa umatras ka na sa kasal mo" payo nito.

Bigla akong nalungkot sa narinig ko.

Niyakap ako ni Marky.

Di ko na napigilan umiyak sa balikat nito.

Siguro nga halata na ang hirap at sakit na dinadala ko kaya kahit si Marky nagsalita na sa akin.

"Salamat Marky, hayaan mo I think about" sagot ko dito.

Ngumiti na lang ito at ginulo ang buhok nya.

《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》

Papunta na ako ngayon sa bahay ni Andrei.

Gusto ko syang kausapin ng masinsinan.

Kumatok na ako sa pinto pero walang nagbukas man lang o sumagot.

Strange ang alam niya nandito ito.

Aalis na sana sya ng biglang bumukas ang pinto.

"Oh it's just only you" nakataas ang kilay na wika ni Bianca.

Tinignan ko ito naka shorts lang ito na maong na halos makita ko na ang singit nya at sleeveless na blouse na kulay maroon at messy pa ang buhok nito.

"I want to talk to Andrei, andiyan ba sya pakisabi nandito ako" pakiusap ko dito.

"Tatawagan ko si Andrei hindi dahil inutos mo kundi dahil may date kami ngayon" she smiled mischivelously.

Then she turned and walk towards to the left side of the corridor then she open the door to enter.

Naiwan akong nakatayo sa pinto.

Nagdadalawang isip ako kung susunod ba ako kay Bianca o mananatili na lang dito.

Ang sakit lang sa damdamin eh!

Ako ang fiance pero daig pa ako ni Bianca.

Parang sya ang asawa kung makaasta.

Di nagtagal lumabas na rin si Andrei nakaakbay pa ito kay Bianca at nakangiti.

Pero nang makita ako ay sumimangot na ito.

I smiled sweetly hiding the feeling that deep inside i painfully crying.

"Andrei pwede ba tayong mag usap ng tayo lang dalawa" pakiusap ko dito.

"Wait magluluto lang ako Andrei maiwan ko muna kayo" as usual plastic mode na naman si Bianca.

"Now speak" angil nito.

Bigla naumid na naman ang dila ko.

"You're wasting my time bratty boop" naiiritang wika nito.

"Andrei......what's youre plan when we get married?" tanong ko dito.

"Why are you asking?"

"I want to know"

"Then i tell you woman, sa oras na makasal tayo papalabasin natin na nagsasama tayo pero kami ni Bianca ang magsasamang dalawa,
Then when the negotations on the company become alright,
It's time for us to file an annulment"

Sagot nito.

"Why?"

"What? Sinabi ko na ang plano ko tapos magtatanong ka" inis nitong pakli.

"Why are you hurting me? Why are doing this to me?" Naluluhang wika ko.

"Cut that crap! Ginusto mo rin ito di ba alam mo na may girlfriend ako pero dahil spoiled ka, you wish to your dad na makasama ako sa deal nila sa company kaya tayo magpapakasal i will never forgive you mabuti na lang at naiintindihan ni Bianca ang sitwasyon namin kasi unlike you she was matured and understanding" wika nito.

Wala talaga itong nararamdam ni kaunting respeto man lang sa kanya.

Si Bianca.....

Ang kapakanan at makakabuti kay Bianca pa rin ang nasa isip nya.

Sa akin wala syang pakialam.

"Ano pa ang kailangan mo?" Tanong nito.

Di man lang nya ako pinapasok sa loob ng bahay nya.

Parang ayaw nya na tumapak ako sa ika nga eh santuaryo nilang dalawa.

Umiling na ako.

Narinig ko na ang dapat kong marinig kaya siguro kailangan ko nang magdesisyon.

"Then kung wala ka nang kailangan makakaalis ka na dahil as you can see mag bebreakfast pa kami ni Biana" pagtataboy nito.

Di na hinintay nito ang sagot ko at pinagsarhan agad ako ng pinto.

Naluluhang lumisan na lang ako sa lugar na yon.

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon