Chapter 23

14.3K 316 2
                                    

"Sir handa na po ang lahat" ani ni Greg sa akin.

"Okay let's go!" Sagot ko dito at pumunta na ako sa sasakyan na naghihintay,
Nang makita ako nang driver ay agad na binuksan nito ang pintuan at pagkapasok ko at ni Greg ay agad na pumasok na din ito at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

"Sir eto na po lahat nang mga reports tungkol sa financial and expenses nang kumpanya po sa nakaraan na dalawang taon pati na po yun reports po tungkol po kay Cameron Ledesma" sabi ni Greg sabay abot sa akin ng folders.

"Thank you Greg, maaasahan ka talaga" sagot ko dito at sinimulan nang basahin ang reports.

Di ko mapigilan ang mapangisi habang binabasa ko ang naging pagpapatakbo ni Andrei sa kumpanya nina Cameron,
Ayon dito mas malaki ang inilabas na pera nang kumpanya kaysa naipasok dahil sa mga project na prinisinta ni Andrei sa board at dahil nga sa ito na ang pumalit sa pwesto ko ay konting bola lang sa mga boardmembers ay agad nang pumapayag ang mga ito kahit di pa nababasa ang mga ito,

Ang resulta tuloy ay pagkalugi sa kumpanya dahil di nagkiclick sa mga consumers ang mga pakulo na naisip nito at dahil dito nagpanic ang mga shareholders at binenta ang mga shares nila,
Mabuti at maagap si Greg at nabili agad nito sa mas mababang halaga ang mga shares at sa ngayon hawak ko na ang majority ng shares of stocks ng kumpanya nina Cameron lalo't naibenta na din ng mga kapatner nina Papa ang mga shares nila kay Greg,

And about naman sa father in law ko nang umuwi ito galing sa pagkucruized nito ay nalaman nito ang mga pinaggagawa ni Cameron at nagalit talaga ito nang husto lalo pa't naging sentro ito nang usapan sa business world,

Sa galit nito ibinigay na nito kay Cameron ang mana nito at pumunta na sa kapatid nito sa Amerika last year,

Nang makuha ni Cameron ang mana nya ay isinalin nito sa pangalan ni Andrei ang lahat lahat at nagsasama na ang mga ito bilang mag asawa at ayon pa sa reports ay apat na buwan nang buntis si Cameron at nasa Davao ang mga ito ngayon para sa isang business convention,

Great! At nagbunga pa talaga ang pagtataksil nila sa akin,
Now they done it!
And it gives me all the reason to move because this is the right time to strike habang busy pa ang mga pusa dapat nang umatake ang daga and that's me....

Mataman na tinignan ko ang mga larawan na kasama nang Reports,
Makikita na masaya ang dalawa sa mga larawan at napansin ko din na nagbago na ang ayos at pananamit ni Cameron dito,
Masyado na itong skinny at umikli ang na yun dating hanggang balikat na buhok ay mas lalong umikli pa at umaabot na lamang ito sa tenga at may kulay na ito tapos heavy din ang make up at mahilig na ito sa modern at seksi na pananamit,

Kinuha ko ang larawan ni Cameron kung saan ay solo ito at napangiti ako nang mapait nang wala akong nadama kahit konting damdamin ko dati na inialay ko dito para na lang itong estranghera para sa akin,

Mas maganda at mas mainam para lubos at walang pag aalinlangan ang gagawin ko na pagganti sa kanilang dalawa....

"Sir, nandito na po tayo" informa ni Greg sa akin.

Agad na inayos ko ang kurbata ko at inilagay sa attache case ang mga reports at saka bumaba na nang sasakyan....

It's showtime.....

------------------------------------

"Okay ka lang ba dito ha, Cameron?" Tanong ni Charlie sa akin habang inaalalayan ako na maupo sa isa sa mga upuan sa mall na ito.

"Oo okay lang ako dito, mabuti pa sundan mo na si Lucas oh, tumatakbo na" nakangiting turo ko sa apat na taon gulang na anak nito na malayo na ang nalalakad.
Katatapos lamang nang check up ko sa doktor ko at nagyaya nga itong si Lucas na bumili nang laruan,

"Ay naku! ang likot talaga ni Lucas oo, manang mana talaga sa pinagmanahan, sige Cameron hahabulin ko lang ang anak ko na yun" anito at sinundan na ang anak na nang makita ang ina ay agad na tumatawang tumakbo nang matulin pa lalo.

Natutuwang pinagmasdan ko na lamang ang papalayong mag ina at naisip ang naiwan na anak sa bahay nina Charlie,

Gusto ko nga sanang isama ito pero nakakahiya naman kay Charlie lalo pa at di pa ako masyadong makagalaw tapos nagulat pa kami nang pumasok kami sa Starex na sasakyan nito ay nandun ang anak nito na si Lucas at nakatawang kumaway pa sa amin sa pagkagulat naming dalawa ni Charlie...

"Lucas may bibilhin lang kami ni  Tita Cameron mo, punta ka muna sa yaya mo" utos ni Charlie sa anak pero umingos ito sa ina at humalikipkip pa,

"Ayaw! I want to go also and besides Yaya are all hands to Dawn and Anne she have no time to play with me" nakangusong sagot nito sa ina,
Napakamot na lang si Charlie at napatingin sa akin,

"Sige na Charlie isama na natin sya tutal mukhang miss na miss ka na ni Lucas" sagot ko dito.

"Thank you Tita Cameron" wika ni Lucas at niyakap agad ako sa beywang.

"Naku ha, Lucas wag masyadong paka spoiled kay Tita Cameron mo" natatawang sabi ni Charlie dito.

"Mama....ikaw lang ang nagsasabing spoiled ako sina Lolo at Lola di naman" angal ni Lucas sa ina at pumadyak pa pero tinawanan lang ito ni Charlie at pagkaraan ay nagpatiuna nang pumasok sa Starex...

Napabuntunghininga na lang ako at ikinuyakoy ang mga paa ko habang nililibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa daloy ng mga tao na papasok at papalabas sa mall na ito na kitang kita sa puwesto ko.

Kailan ko kaya makikita si Anton, miss na miss ko na talaga yun Asawa ko na yun eh,
Pag nakikita ko si Anne naaalala ko si Anton sa kanya lalo na pag nagkakalat ito nang mga laruan, manang mana talaga kay Anton, naaalala ko pa nun bago pa lamang sya sa pwesto nya lagi itong bumabalik sa bahay kasi mali yun nadala nya na papeles tapos naitatapon pa nya yun mga importante na files mabuti na lamang naisasave nya yun sa computer nya kaya nagagawan nya nang paraan....
Ngayon kaya nasan na s'ya may gumigising kaya sa kanya pag umaga, may nagpapaalala kaya sa kanya nang mga schedule nya,
Namimiss ko na talaga sya.....
Sana magkita na kaming dalawa.....

"Cameron?" Nanlaki ang mga mata ko at agad na sumikdo ang puso ko nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.
Dahan dahan na nag angat ako nang tingin at di ko mapigilan na mapaluha nang mapagsino ko ito.........

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon