Marahan na nagmulat ako ng mga mata ko at muli napapikit ulit ako dahil tila nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng puting kwarto na kinaroroonan ko.
"Camiko!" Agad na naramdaman ko ang pagpisil sa palad ko nang may pamilyar na tinig at bumaling ako dito at tama nga ako.
"A--anton?" Nakangiting tumango ito at saka ako hinalikan sa noo ko.
"Thank God, you finally wake up, I'm scared to death when I saw you lying in the floor and there is a lot of blood...I can't take it if I will lost you the second time around" namamasa ang mga mata na wika nito.
"Shhh..... stop worrying di ako mawawala and I'm sorry kasi pinag alala kita" sagot ko dito at saka ngumiti dito.
"No wala kang kasalanan, ang dapat na sisihin sa nangyari sa iyo ay ang pekeng babae na yun, I promise pagbabayarin ko s'ya" matigas ang tinig na sabi nito.
Tinangka ko na bumangon pero napangiwi pa ako kasi parang ang sakit ng puson ko pati na katawan ko,
Pakiramdam ko parang nag marathon ako ng ilang kilometro."Hey mahiga ka muna" awat ni Anton sa tangkang pagbangon ko.
"Ang sabi ng doktor ay dapat magpahinga ka daw muna kaya wag ka munang masyadong magkikikilos okay?" Wala akong nagawa kundi tumango na lang dito.Pagkatapos na maiayos nya ako ay kinuha naman nito ang mansanas na nasa tabi ko lang at nagsimula nang magbalat.
"Anton?" Tawag ko dito.
"Hmmm?...."
"Bakit nga pala ako nandito...saka anung nangyari bakit biglang dinugo ako at saka si Anne nasan okay lang ba s'ya di ba s'ya nasaktan din?" Takang sunod sunod na tanong ko dito.
Nakita ko na natigilan ito sa pagbabalat nang mansanas kaya agad na kinabahan ako.
"Anne...is okay na kayna Nanay siya don't worry" sagot nito at nakahinga ako nang maluwag.
"Oh my god salamat naman at di sya napano"
"But I'm sorry Camiko kasi di na nakaligtas pa ang baby sa sinapupunan mo" malungkot na wika nito sa akin.
"What do you mean?" Kunot noong tanong ko uli dito.
"I'm sorry Camiko but you h--have a miscarriage" anito.
Napasinghap ako sa sinabi ni Anton at di ko na napigilan na di mapaiyak.
"Hush darling stop crying makakasama sa iyo yan eh" nagagahol na nayakap ako nito at hinimas himas ang likod ko.
"Nalulungkot lang ako Anton kasi di ko man lang nalaman o naramdaman kaya na may baby na sana ulit tayo tapos nawala pa siya na di ko din nalaman.... ang sakit lang" naiiyak na sagot ko dito.
"Hush Camiko don't worry paglabas na paglabas mo dito bibisitahin natin sya sa Cementery kasama si Baby Anne para makausap natin sya na bantayan nya tayo kase sya ang Guardian Angel at saka wag ka nang malungkot pa kase alam ko na lagi niya tayong babantayan at I'm sure na malulungkot yun pag nakita na malungkot ang Mommy nya gusto mo bang mangyari yun?" Anito.
Umiling ako dito bilang sagot ko.
"Then wipe these tears of yours kase di bagay sa yo na umiiyak, dapat always happy and positive ka lang okay?" Wika nito at saka kinintalan ako ng halik sa labi ko.
"Thank you Anton tama ka nga dapat maging masaya na lang tayo kase nasa heaven na sya at alam ko na magiging masaya sya dun at I don't need to be lonely because nandito pa kayo ni Anne at kasama ko" nakangiting sagot ko dito at saka niyakap ito nang mahigpit.