Chapter 6

21.5K 449 6
                                    

Kinabukasan maaga akong nagpunta sa address na nasa tarheta.

May hiring nga sila pero walang available na posisyon daw sa management kundi sa cleaning department.

JANITOR

Hay, sa probinsya namin eto na ang trabaho ko,

Umalis na nga ako sinundan pa rin nya ako.

Masyado nya akong mahal noh?

Pero mabuti na rin ito kaysa wala, ang sabi naman ng nag interview sa akin pag may hiring daw o may nabakanteng posisyon ay ako agad ang tatawagan nya.

Kaya masaya na rin ako.

"Antonio?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nagulat ako ng mapagsino ko ito.

Walang iba kundi si Bianca.

Mabilis nya akong hinila sa isang sulok.

"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?" Galit na bulong nito sa akin.

"Di ko nga alam na nandito ka tapos susundan pa kita?" Lumayo na ako dito.

Mahirap na baka sumigaw pa to ng rape.

Matanggal pa ako sa trabaho ko.

"Sinong maniniwala sa yo?" Tanong nito

"Ikaw?" Balik tanong ko.

"You! Pag may nakaalam dito na magkakilala tayo humanda ka I will make sure na matatanggal ka, isang sabi ko lang kay Andrei for sure sisante ka na" banta nito.

"Andrei?" Kumunot ang noo ko sa narinig ko.
"Ito ba ang pangalan ng bago mong boyfriend?"

"Tama! kaya umayos ka" yun lang at tinalikuran na ako nito.

Naiwan na akong natitigilan sa kawalan.

Grabe ha!

Grabe na to! Lamang naman ako ng sampung paligo dun sa Andrei na yun ha

SAMPUNG PALIGO!

Ayan inulit ko pa.

Mayaman lang yan Andrei na yan.

Gwapo ako.

Period.

《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》

Sa loob ng dalawang linggo na pagtatrabaho ko dito ay masaya naman ako kasi ang mga kasamahan ko sa cleaning department ay kasundo ko lahat.

Medyo ilag lang ako sa mga nasa management kasi masyado silang makautos at pag nagkamali ka ay may memo ka na pag uwi mo.

At loob ng panahon na yun ay naobserbahan ko na malapit sila kay Bianca.

They treat her like a queen.

Kung alam lang nila ang totoong ugali ni Bianca.

Daig pa ang may ari ng kumpanya.

Kasi si Bianca kung di ko lang nakita at naranasan ang makasama ito ay aakalain mo talaga na kaybait bait.

Kahit ang mga kasamahan ko nga hangang hanga dito eh.

Dahil daw scholar at working student daw ito kaya nakatapos.

At kahit na mataas na raw ang natapos nito pati na ang posisyon nito sa kumpanya ay nananatiling mababa ang loob nito.

Talaga lang ha?

Anyway wala na akong pakialam sa kanya.

Naka move on na ako kay Bianca.

Pakiramdam ko nga di ganun kalalim ang pagmamahal na nararamdam ko sa kanya.

Inakala ko lang na love at first sight kasi malaki ang paghanga ko dito.

Maganda kasi ito at mahinhin pa.

Pero di pala totoo ang pinapakita nya sa akin kailangan lang nya ako kaya pinaikot nya ako nung mga panahon na yun.

Kaya inaaral ko na ang bagong kurso ko ngayon.

DEADMATOLOGY

Dahil baka maospital pa ako sa sama ng panahon, panahon ha di sama ng loob,

Masyado na kasing bumabagyo ng kasinungalingan at kaplastikan sa kumpanya.

Mahal pa naman magkasakit ngayon at di pa ako sumusweldo.

"Anthony right?" Napatigil ako sa paglalampaso ko nang marinig ko ang malamyos na tinig na yun.

Napangiti ako nang mapagsino ko ang tumawag sa akin.

"Miss Cameron kayo po pala" bati ko dito.

"Natutuwa po akong makita kayo muli at salamat po sa pagturo nyo po sa kumpanya na ito dahil natanggap po ako at heto po nagtatrabaho na po ako" wika ko.

"Naku wala yun dapat nga ako ang magpasalamat sa iyo dahil tinulungan mo ko nun time na yon kasi wala naman nag offer na tumulong sa akin ikaw lang" kiming wika nito.
"At isa pa ang mga katulad mo dapat ang tinulungan kasi nakahanda ka rin tumulong nang kusa at di na kailangan pakiusapan pa" dugtong pa nito.

"Salamat pa rin po nang marami"

"Ikaw talaga wala yun oh sya maiwan na kita pupuntahan ko kasi ang fiance ko sa office nya" paalam nito.

"Fiance po mam" ewan ko pero bigla akong nalungkot sa sinabi nya.

"Yeah si Andrei Torrente" wika nito.

"A-andrei T-torrente po mam?" Nabubulol na wika ko.

Ewan ko ha pero parang alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Miss Cameron.

Tumango ito at nagpaalam na, pagkaraan ay tumungo na sa elevator.

Di ko gusto ang nararamdaman ko pakiwari ko hinahatak ako pasunod kay Miss Cameron.

《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》

Nang makarating ako sa fourth floor agad ko nang nakita si Miss Cameron na papunta sa office nga ng vice president.

Walang iba kundi ang unggoy na boyfriend ni Bianca.

Pero di ba boyfriend ni Bianca yun paanong sa kabilang banda ay fiance din ito ni Miss Cameron?

Teka di kaya niloloko nya si Bianca at nagpapakasarap ito sa kandungan ni Bianca tapos makikipaghiwalay na ito pag nagsawa na at papakasalan nito si Miss Cameron?

Pero pano naman kung papakasalan nya si Miss Cameron tapos magiging mistress nya si Bianca? Tanong na naglalaro sa utak ko.

Eh gago pala yun naku wag lang syang magkakamali who you na bukas ang mukha nya sa akin ayos lang na magsama sila ni Bianca palagay ko kasi pareho sila ng ugaling dalawa.

USER

Pero wag syang magkakamali na saktan ang damdamin ni Miss Cameron kundi gagamitin ko lahat ng paraang alam ko para makuha si Miss Cameron sa kanya.

Itaga pa nya sa mukhang unggoy nyang pagmumukha.

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon