"Thank you talaga ha, Charlie"
"Sus, ikaw talaga wala yun, okay na okay lang sa akin alagaan si Anne, don't worry almost two years din naman na ako ang nag alaga sa anak nyo kaya relax and enjoy nyo yang honeymoon nyo okay?" Natatawang sagot ni Charlie mula sa kabilang linya.
"Basta thank you talaga, and after this trip siguro namin ay kukunin na namin si Anne" masayang sabi ko dito.
Masuyo kong hinaplos ang mukha ni Anton na himbing na himbing sa pagtulog."Hay, mamimiss ko kayo ni Anne pag nagkataon"
"We will visit you na lang lalo na't isa ka sa dalawa lang na kaibigan ko tapos yun mga anak mo naman parang magkakapatid na ang turingan nilang tatlo"
"How sweet, asahan ko yan lalo pa't ikaw lang din ang bestfriend ko" di ko mapigilan na di matawa sa sinabi nito.
Natutuwa talaga ako sapagkat may kaibigan na talaga ako na masasabi kong bestfriend ko talaga.
Yes may mga naging kaibigan naman ako mga kakilala nang pamilya, kaklase sa school pero wala akong naging malapit talaga na kaibigan maliban kay Marky,Pagkaisip sa malapit na kaibigan ay biglang namiss ko siya,
Kamusta na kaya si Marky,
After nang honeymoon namin nga ni Anton makapunta nga sa shop namin,"Oh sige na nagtatrantrums na naman ang prinsipe ko, basta ienjoy nyo lang yan honeymoon nyo at kami na ang bahala kay Anne"
"Thanks and bye bye" sagot ko dito at pinatay na ang telepono.
"Who's that?" Gulat na napalingon ako kay Anton na gising na pala at nakatingin sa akin.
"It's Charlie, pinagbilin ko si Anne kasi walang mapag iiwanan natin" sagot ko dito at yumakap dito.
Ang macho talaga nitong Asawa ko at ang bango bango pa, kinikilig ako talaga,
"Who's Anne?" Tanong nito.
Agad na naexcite ako at pumaibabaw dito at saka dinampian ng halik ang labi nito."Anne is our d-----" naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ni Anton.
Agad na dinampot ito ni Anton at kumunot ang noo nito nang mabasa ang pangalan nang tumatawag."Sorry Cameron, sagutin ko lang ito, it's Greg, I forgot that di ko pala nasabi dito na maghohoneymoon tayo" sagot nito at wala akong nagawa kundi tumango na lang.
Humalik ito sa noo ko at saka bumaba sa kama at lumabas sa may terrace,
Oh well marami pa naman na time para masabi dito ang tungkol sa anak namin,
Agad na bumaba na sya sa kama at pumunta na sa shower room para maligo na.
----------------------------
"Tell them that I'm busy kaya baka next month pa ako makakapunta sa Company at pag may naghanap sa akin kahit sino tell them that I'm currently on my Vacation" utos ko kay Greg.
"Yes Sir, but what about the company you recently buy almost all the shares, will you Sir let them manage it for the meantime?" Nahilot ko ang sentido ko pagkaisip sa naiwan kong dapat gawin sa Maynila.
"No, Greg I want you to manage it, I want to secure my position in that Company so for now that is your job until I come back"
"But Sir, is that okay?"
"Of course, I have so much faith in you Greg, I know how dedicated you are sa trabaho so kampante ako na nandyan ka, maaasahan ba kita?"
"Yes Sir, I will do my best!" Sagot nito.
Ilang sandali pa ay nagpaalaam na ito.Pagkapatay ko sa Cellphone ko ay pumasok ako sa loob ulit,
Nakita ko na wala na si Cameron sa kwarto at may nadidinig ako na lagaslas ng tubig mula sa shower room.Malamang naliligo agad na naisip ko kaya kinuha ko ang laptop ko at umupo sa loveseat at ipinatong ang laptop sa mesa at pagkabukas ko dito ay agad na nagsimula na akong basahin ang mga ini email ni Greg na paperworks pati na ang report na inuutos ko sa kanya.
Napakunot ang noo ko pagkakita sa magkasamang sina Andrei at Cameron at magkayakap na naglalakad papalabas na nang Airport.
Agad na tinignan ko ang date kung kailan ito kinuha at nagtaka ako pagkat kahapon ito nangyari,
Papaanong nangyari ito eh two days na kaming magkasama ni Cameron at di naman ito nawawala sa paningin ko!
As if on cue lumabas na si Cameron na naka roba lang habang pinapunasan nang tuwalya ang mahabang buhok.
Di ko mapigilan na mapalunok nang bahagya kong masilayan ang malusog na dibdib nito dahil sa pagyukod nito.
Napatalikod ako at muling napatitig sa Cameron na nasa litrato.
Pero muli akong napalingon dito nang may mapansin ako na kakaiba at di ko gusto ang tinatakbo nang isip ko.Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang dibdib ko para mawala ang iniisip ko pagkat pag di ko ginawa ay baka lalong sumakit ang ulo ko.
Kasi pag inentertain ko ang ideya na yun, di ko alam ang pwedeng magawa ko,
They hired a woman who likes her and make me believe it was Cameron who I was with,
And then they gonna Spy on me!"Anton...." napapitlag pa ako sa pagtawag ni Cameron sa akin.
"Yes....?' Tanong ko dito na di lumilingon sa gawi nito.
No that's not right, the woman behind me is the real Cameron, no doubt about it,
She has the wedding ring,
The familiar voice,
The familiar scent,
The familiar body,But what about the scar on her tummy?
And who is the hell is Anne na lagi nyang binabanggit?Mga braso na yumakap mula sa likod ko ang pumutol sa lahat lahat nang iniisip ko.
"C--cameron?"
"Ang sabi ko mag breakfast na tayo umorder na ako nang almusal baka parating na yun kaya itigil mo muna yan trabaho mo at kumain muna tayo" malambing na sagot nito.
Agad na tinignan ko ang laptop ko at nakahinga ako nang maluwag nang makita na patay ang screen nito at di nakita ni Cameron ang mga nasa larawan.
"Y--yes gutom na nga ako, anung inorder mo?" Tanong ko dito at iginiya na ito papalayo sa laptop ko.
"Your favorite, Fried Rice, tinapa then tomatoes tapos Black Coffee oh wala pala silang tinapa kaya bangus belly na lang soups ano pa nga ba..." sagot nito at saka napaisip pa nang malalim.
"Hey mukhang mabubusog ako sa mga inorder nang Asawa ko ah" natatawang nayakap ko ito at muli ay napapikit nang masamyo ang pamilyar na amoy nito pag bagong paligo ito.
"Syempre naman, Asawa mo ako kaya dapat lang na pagsilbihan ko ang workholic na Asawa ko" anito at pinisil ang magkabilang pisngi ko.
Isa sa namiss ko na Gesture nito pag niyaya nya ako na kumain.Maya maya pa ay may nagdoorbell na kaya agad na binuksan namin ang pinto at pinasok na nang bellboy ang inorder na Pagkain nang Asawa ko at magana naming pinagsaluhan ito.
There's no way na ang Cameron na kasama ko ay peke kasi di ko ramdam na estranghera ito mas iyun pa nga ang pakiramdam ko dun sa nasa larawan,
Kailangan na malaman ko kung anung nangyayari!