Chapter 8

20.8K 427 5
                                    

CAMERON

Paglisan ko sa townhouse ni Andrei ay napag isipan ko na magpunta na muna sa baywalk siguro pagnakita ko na ang paglubog ng araw ay bakasakaling maglumbag ang loob ko.

Pagdating ko dun ay naupo ako sa isang tabi at pinagmasdan ko ang paglubog ng araw.

"Miss Cameron?" Napalingon ako sa tumawag sa akin pagkaraan ay napangiti ako nang mapagsino ko ito.

"Anton ikaw pala!" lumapit sa akin si Anton.

Si Anton ay nakilala ko noong naflatan ako.

Siya ang nagpalit ng gulong nang  kotse ko.

Nalaman ko na naghahanap ito ng trabaho kaya sinabi ko na may hiring sa kumpanya kahit wala naman,

Halos magmakaawa ako kay Daddy para lang maihire ito naawa naman siya kaya pumayag na rin ito pero sa cleaning department lang.

Buti na lang at nag apply pa rin ito kahit na janitor ang available job.

"Ano pong ginagawa nyo dito?" Nakatawang wika nito.

"Nag iisip lang" matamlay kong tugon dito.

"Nang?"

"Ramdom thoughts, tulad ng paano kaya kung wag na akong magpakasal kay Andrei, o ituloy ko, " naramdaman ko na tumabi ito sa akin.

"Eh Miss Cameron wag mo sanang masamain ha, pero wag mo na kayang ituloy kasi. .  ....." di ni maituloy tuloy ang  wika nito.

"Yeah naisip ko na rin yan pero alam mo ba na ang kumpanya na pinapasukan mo pagmamay ari namin?" Napailing ito.

"Di ko po alam Miss Cameron, Wow naman di ako makapaniwala na makakakilala ako ng anak ng may ari ng isang kumpanya eh hanggang anak lang na may ari ng bakery sa probinsya namin ang kaibigan ko--- ay Miss Cameron sorry po" natatarantang lumayo ito sa akin.

"Bakit ka lumayo?" Takang tanong ko dito.

Namumulang nagyuko ito ng tingin.

"Eh kasi Miss Cameron nahiya kasi akong bigla eh kasi ang nasabi ko kaibigan po eh di kakilala kaya sorry po talaga" di ako makapaniwala sa narinig ko pakiramdam ko parang hinaplos ang malamig ang puso ko sa sinabi nya.

"Miss Cameron b-bakit po kayo umiiyak pasensya na po talaga" natatarantang pinahid nito ng panyo ang mukha ko.

"Kasi masaya ako dahil tinuturing mong kaibigan ako I'm so happy Anton really,really happy" niyakap ko ito at umiyak sa balikat nito.

Marahang tinapik tapik ako nito na parang pinapakalma ako na pakiramdam ko ay effective dahil gumaan ang pakiramdam ko.

Pagkaraan ng ilang minuto ay humiwalay na ako dito.

"Thank you Anton dahil sa sinabi mong itinuturing mo ako na isa sa mga kaibigan mo coz the feeling is mutual ako rin Anton"

"Talaga po Miss Cameron" nakangiting bigkas nito.

Tumango ako.

"Yeah kaya dapat Cameron na lang ang itawag mo sa akin"

"C-cameron" nabubulol na wika nito.

"Yes?"

"Ahm wala pinapractice ko lang tawagin ka sa pangalan mo ang ganda kasi ng pangalan mo eh" namumulang wika nito.

Ewan ko pero biglang sumikdo ang dibdib ko ng marinig ko ang sinabi nya.

Napangiti na lang ako dito.

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon