"Antonio eto oh atsara,baka kalimutan mo pa, naku alam mo naman na paborito ito ni Bianca" magiliw na wika ng Nanay Lora ko.
"Salamat Nanay pano, tuloy na po ako"
Paalam ko dito.
Papunta na ako ng Maynila para dalawin ang kasintahan ko.
Si Bianca.
"Ingat ka Anak pakisabi kay Bianca kinakamusta ko siya" niyakap na ako nito ng mahigpit.
"Opo nay" kumalas na ako sa pagkakayakap nito nang marinig ko ang kundoktor na sumigaw na paalis na ang bus.
Bibisitahin ko si Bianca kasi malapit na ang anniversary naming dalawa.
Limang taon na kaming magkasintahan sa isang araw.
At kasabay ng anniversary namin ay ang plano ko na pagpropoposed ko ng kasal.
Kasi naisip ko na panahon na para bumuo kami ng pamilyang dalawa.
Alam ko na medyo di boto ang nanay ni Bianca sa akin kaya baka magdalawang isip ito sa akin.
Nuon kasing nangliligaw pa lang ako kay Bianca ay halos ayaw akong patungtungin sa bahay nila.
Pero di pa rin ako sumuko at masugid kong niligawan si Bianca.
Natatandaan ko pa na dati ayaw sa akin ni Bianca dahil mahirap din ako na katulad niya.
Mataas kasi ang pangarap nito.
Halos hiyain nga ako nito sa harap ng maraming tao pero di pa rin ako sumuko.
Tatlong taon ko itong niligawan at sa wakas napasagot ko rin ito.
Kahit na sabi ni Tiya Lourdes na parang sinagot lang ako nito dahil kailangan ako nito nun mga panahon na yun.
Si Tiya Lourdes ay kaibigan ng Nanay ko.
At para ko na rin pangalawang ina.
Tinawanan ko na lang ito at pinagtanggol ko si Bianca.
Sinabi ko na baka naramdaman na rin ni Bianca na may nararamdaman na sya sa akin kaya sinagot ako nito.
Masayang masaya talaga ako nun mga panahon na yun.
Natatandaan ko pa nga na bigla naging magiliw ang nanay nito sa akin.
Nagtaka nga ako pero isinantabi ko na lang yun.
At saka kung sakali naman na di ito pumayag na magpakasal sa akin ay di pa rin ako mawawalang ng pag asa na mapapasagot ko ito.
At naisip ko na magtrabaho muna sa Maynila habang hinihintay ko na pumayag ito.
Kakagraduate ko lang two months ago ng Business Management lingid sa kaalaman ni Bianca ay pinagpatuloy ko ang pag aaral ko.
Huminto kasi ako nung second year ko na dahil pinag aral ko muna si Bianca.
Kasi muntik na itong huminto sa pag aaral dahil di na kaya ng mga magulang nito na pag aralin ito.
Ang alam nina Bianca nagtatrabaho na ako nun bilang janitor sa university na pinapasukan nito.
Kaya ako na ang nagpa aral dito.
Working Student kasi ako nun idagdag pa na scholar ako ng unibersidad na pinasukan ko pero si Nanay at Tiya Lourdes lang ang nakakaalam nun mahiyain kasi ako.
Nagtampo nga nun si Nanay dahil inuna ko muna na pag aralin si Bianca kaysa sarili ko.
Pero pinaliwanag ko ang sitwasyon nina Bianca at dahil likas na mabait ang nanay ko kaya kinalaunan ay naunawaan rin nito.
《》《》《》《》《》《》《》《》《》《》
Malapit na ako sa townhouse na tinitirhan ni Bianca.
Kinakabahan ako at nae excite na di ko mawari.
Ito ang unang beses na pupunta ako dito.
Bale pangalawang beses na pala nun una ayoko nang alalahanin pa.
Papatawid na sana ako nang makita kong may sasakyan na pumarada sa harap ng townhouse at umibis si Bianca.
Tatawagin ko na sana ito pero nabitin ito sa hangin ng may kasunod nyang bumaba.
Isang lalake.
Pagkaraan ay magkayakap na pumasok sa townhouse ang mga ito.
Di ko na mabilang kung ilang oras na akong nakaupo sa gilid ng kalsada.
Ang alam ko lang parang tumigil ang mundo ko sa paggalaw.
Baka naman dinadaya lang ako ng paningin ko.
O kaya kaibigan nya ito na pinagkape lang.
Pero kanina pa sila nanduon dalawa.
Di kaya dun din ito nakatira?
Di ko na alam ang iisipin ko, naguguluhan na ko.
Gusto ko ngang sugurin sila para magkaalaman na.
Pero pano kung mali ako.
Magagalit pa sa akin si Bianca.
Sa buong durasyon ng relasyon namin di pa kami nag away man lang kahit minsan.
Tuwina ay ako na ang nagbibigay at umuunawa dito.
Maliwanag na nang makita kong bumukas ang gate ng townhouse at lumabas na si Bianca at ang lalaking kasama nito.
Naghalikan muna ito na lalong nagpasakit sa loob ko.
Ni minsan di ko pa nahalikan si Bianca hanggang hawak lang sa kamay ang gusto nito tapos yun hinayupak na lalakeng yun halos sakupin na ng letseng bibig nito ang labi ni Bianca
Pagdaka ay sumakay na ang lalake.
Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse nun.
Buti na lang din di pa agad pumasok si Bianca kaya napagmasdan ko itong mabuti at lalo itong gumanda at mas pumuti pa lalo ito.
Nagsimula na akong lumapit dito.
"Bianca" tinawag ko na ito.
Kasi putsa nakatanghod pa rin ito sa kalsada eh usok na lang ang masasagap nya samantalang ako di man lang nya masamahang magsimba, tapos yun unggoy na yun ka lambutsingan nya.
Napalingon ito sa paligid hanggang magawi ang paningin nito sa gawi ko.
Pagkaraan ay namutla ito pagkakita nito sa akin.
"Antonio" usal nito.