Chapter 19

13.4K 267 1
                                    

"Where have you been Cameron?" Bungad ko agad sa medyo lasing na kapapasok pa lamang na si Cameron.
Natigilan ito nang makita ako na nakaupo sa sofa na nakaharap sa pintong pinasukan nya.

Pag uwi ko kanina ay nasabi na nang mga katulong na may sumundo kay Cameron at nang pina describe ko yun sumundo ay nalaman ko na di ito ang bestfriend nya na si Marky,

Kundi si Andrei Torrente,

"Hey gising ka pa pala" anito at lumapit sa akin at tinangkang halikan ako sa pisngi pero umiwas ako.

"You're drunk" puna ko dito.

"A little" sagot nito at umupo sa katapat ng sofa na kinauupuan ko.

"Di mo pa ako sinasagot Cameron"

"Nagkayayaan kami ni Marky kanina you know naman that gay..."

"Kailan pa naging si Marky si Andrei Torrente?" pormal ang mukha na tanong ko dito.

Muli ay natigilan ito pagkaraan ay padarag na tumayo at humarap sa akin.

"What's wrong with you Anton! Tinatanong mo ako kung saan ako nanggaling at sinagot kita nang matino tapos ano? pinagbibintangan mo ako?!" Naiinis na bulyaw agad nito sa akin.

Napahinga ako nang malalim at saka nagsimulang  bumilang sa isip ko para mapakalma ang sarili ko para di ko mapatulan ang pagsigaw nito.

"Cameron, galing ako sa shop mo para sana sunduin ka pero ayon kay Marky ay almost one month ka nang di nagpupunta sa shop since hinatid mo si Papa one month ago pa tapos umuwi agad ako dito kasi akala ko nandito ka at sinabi ng mga kasama natin dito sa bahay na may sumundo sa'yo now tell me" matiim na tinitigan ko ito.
"Wala ba akong karapatan na tanungin kung saan nagpupunta ang asawa ko ha Cameron?"

"Wala akong ginagawa na masama!" Sagot nito at umakma na namang magwalk out sa akin pero agad na tumayo ako at hinawakan ang braso nito at marahas na pinaharap ko sya sa akin.

"Then prove it! Prove it Cameron because the more na ganyan ang kinikilos at inaasal mo sa akin the more na lalo mo akong binibigyan nang dahilan para magduda sa iyo" galit na sabi ko dito at gigil na binitiwan ko ito at dahil sa pagkabigla ay napaupo na lang ito sa carpet.

Ewan ko ba pero nakadama ako ng satisfaction ng makita na nagulat sya sa ginawa ko,
Parang lahat ng kalamigan at kasungitan nya na pinapakita sa akin ay parang gripo na nabuksan at di na napigilan na lumabas.

Agad na iniwan ko si Cameron at di ko na tinignan pa kung nakatayo na ito o ayos lang ito.
Mas mahalaga na makalayo ako sa kanya para di na kami mag away pa na halos araw araw ay normal nang tanawin sa aming dalawa na maamoy pa lamang namin ang isa't isa parang naiinis na ako,

At nakakapagod na,
Napapagod na ako sa Cameron na kasama ko ngayon pakiramdam ko ibang tao sya at yun Asawa ko na iniwan ko that day na umalis ang Papa ay parang nawala at nastuck lang dun sa araw na iyon
Yun Cameron na kilala ko,
na minahal ko ng lubos,

----------------------------

"Your proposal sucks do it again!" Wika ko at inilapag ko sa harap ng mesa ko ang folder na dala dala ni Andrei.

"Sir as you can see your wife approved it at for approval na lang kaya ipinakita ko sa inyo Sir" ani Andrei.

"As far as I know my father in law left me in his behalf in this position and not my wife therefore I'm the one who has authority to decide in this company and not my wife so I review and read it before I signed and I see many errors kaya pinapaulit ko sa yo" tiim bagang na sagot ko dito.

"I'm sorry Sir but I can't do it"

"Then sorry also but I will never ever sign it" sagot ko at nakipagtagisan ng titig dito.

Di nagtagal at eto din ang unang nagbaba ng tingin.

"Anton I have this feeling that pinag iinitan mo ako these past few days" anito at ngumiti ng nakakaloko.
"Dahil ba....... masyado kaming malapit ni Cameron kaya mo ako pirming pinupuna"

"Really.... Mr. Torrente" napangisi ako at saka tumayo at lumapit dito saka nakipagtitigan.
"To think I respect you so much for your dedication on your job and yet ganyan pala ang iniisip mo sa akin,
You hurt my feelings Mr. Torrente"

"I will talk to Cameron about this if you excuse me" sabi ni Andrei at kinuha na yun folder saka lumabas na nang opisina.

Pagkalabas nito ay agad na nagdilim ang paningin ko at gigil na kinalat ang lahat nang papeles nasa lamesa ko.
At sinuntok ko nang malakas ang mesa dahilan para bumagsak ulit ang larawan na nasa mesa.

Agad na dinapot ko ang picture frame at hinawa ang mga bubog at matamang pinagmasdan ang nasa larawan.

"C---cameron" garalgal ang boses na hinawakan ko na larawan nito.
Bigla naramdaman ko ang pag init ng mga mata ko tanda na maiiyak na ako.

Cameron bakit ka ganito na ngayon?
Bakit ka nagbago at parang balewala na lang ako sa iyo ngayon?
Nakakatawa nga kasi pag kaharap kita parang wala lang ako sa'yo at ganun ka din sa akin di ako nagseselos pag nakikita ko na magkausap kayong dalawa ni Letseng unggoy na yun
Pero pag tinitignan ko etong larawan mo di ko mapigilan na di maiyak peste talaga oh!
Siraulo na yata ako,

Napapitlag ako nang may pumasok sa opisina at pagtingin ko nakita ko ang namumula sa galit na si Cameron.

"Anton are you busy?" Malamig na tanong nito sa akin.

Natigilan ako at tumingin dito pero pagkainis ang naramdaman ko dito,

"What do you want?" Napatayo na ako at pinamulsa ang larawan nito.

"Why did you reject the proposal of Andrei? you know naman na inapproban ko na yun tapos anung ginawa mo?"

"I reject it because it was a lousy proposal for me" sagot ko dito at saka nakakalokong ngumisi dito.

"How dare you! You have no right in this company it's mine!" Bulyaw nito.

"Your Father not yours" sagot ko saka nakakalokong nilinis ko ng kamay ko ang kanang tenga ko at saka hinipan ko yun daliring pinanglinis ko.

"Exactly Asawa lang kita ako ang anak!"

"But sa akin pinagkatiwala itong kumpanya ni Papa at habang wala pa sya ay ako at tanging ako lang ang may karapatan na magdesisyon dito!"

"You!" Galit na dinuro ako ni Cameron sa mukha ko. "Don't ever forget this dahil I will make sure that pagsisisihan mo ito!" Pagkasabi nito ay agad na pinagbagsakan ako nito nang pinto.

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon