Chapter 34

17.1K 376 1
                                    

"Nanay, Tatay, why did you do this?" Gulat na gulat na tanong ko sa mga magulang ko,

Nag excuse muna kami kay Lizette at hinila ko muna ang mga ito sa may garden para makapag usap nang sarilinan.

"Di mo kami masisisi anak if we do this drastic move, ginagawa lang namin ang sa tingin namin ay tama" sagot ni Tatay sa akin.

Napakamot ako sa batok ko sa sinagot nito.

"But Tay, tinanong nyo ba ako if gusto kong makipaghiwalay kay Cameron?" sumasakit ang ulo na tanong ko dito.

"P--pero anak kami ba naisip mo na mananahimik lang kami sa isang tabi at di kikilos?" Sabat ni Nanay.

"Pero Nanay"

"Anak di na katulad nang dati ang estado natin may reputasyon na tayong dapat pangalagaan at nakakaapekto na ito sa pamilya natin, sa amin" ani Nanay.

"Tama ang Nanay mo anak okay lang sa amin na malaman na di kayo ayos nang asawa mo di kami makikialam kasi problema nyo yan pero ang makarag ang pamilya natin sa eskandalo at makita mismo namin ang kataksilan nya di namin makakaya yun, kaya di mo kami masisisi na gawin namin ito" ani Tatay.

Napailing na lang ako at bahagyang lumayo sa kanila.

"Pero di nyo naiintindihan"

"Anak" hinawakan ni Nanay ang kamay ko.

"Son we need your cooperation"

"No Tay ayoko"

"Son please listen to us" pakiusap ni Tatay sa akin.
Pati na si Nanay bakas din ang pakikiusap sa maamong mukha nito.
I sighed and look to them,
Looks like I have no choice but to tell them,

"Nay, Tatay, please listen to me......" pakiusap ko at ipinagtapat ko na sa mga ito ang natuklasan these past month pati na ang dapat na plano ko sana,

Kapwa di makapaniwala ang mga ito pagkatapos kong ipagtapat ang lahat lahat sa mga ito.

Kapwa nagkatinginan ang mga ito.

"So Nanay, Tatay masisisi nyo ba ako if ayaw kong iwanan ang asawa ko lalo't may anak na kami na all these two years wala akong kaide ideya na nag eexist pala" wika ko sa mga ito.

"Arman may apo na tayo" naiiyak na sabi ni Tatay na nayakap na lang ito.

"Are you sure Son? Baka naman pinapaikot ka lamang nila, what if planado pala yan para mawala sa isip mo na paghigantihan sila" tanong ni Tatay.

Umiling ako dito.

"No Tatay alam ko, ramdam ko na yun kasama ko yun kayakap ko ay si Cameron ang tunay na Asawa ko at pag nakita nyo yun anak namin tiyak mabibihag din kayo sa kacutetan nya at di nyo na nanaisin na mawala sya sa paningin nyo" nangingiting sagot ko dito.
"Kaya I'm one hundred and one percent sure na di sya fraud Tatay"

"Eh nasaan na sila Anak, ba't di mo sinama?" Takang tanong ni Nanay sa akin.

Muli napakamot ako sa batok ko at napangiti nang alanganin.

"Yun nga po Nanay, kasi ayaw nyo na isama ko sila eh dapat isasama ko nga dapat silang dalawa dito kaya lang nakiusap kayo na ayaw nyo siyang makita eh"

"Di ko naman alam eh" ani Nanay na namumula na ang pisngi.

Kapwa kami nagkatawanan ni Tatay dito.

Pagkatapos pumasok na kami at pumunta sa naghihintay na si Lizette,
Nang makita kami nito ay agad na tumayo ito,

Pagkaraan ay kinausap ito ni Tatay nang masinsinan nang sila lang dalawa sa may library,
Nang lumabas ang dalawa ay agad na nagpaalam na si Lizette sa amin na aalis na ito.

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon