Chapter 20

15.5K 275 1
                                    

"Mabuti naman Anton anak nakapunta ka agad" salubong ni Nanay agad sa akin pagkadating na pagkadating ko dito sa hospital.

"Nay...." agad na niyakap ko ito.

"Bakit ka nandito sa hospital na ito?" Takang tanong ko dito.

Nasa opisina ako nang makatanggap ako nang tawag dito kanina at kinabahan ako nang sinabi nito na nasa hospital ito ay agad akong napasugod dito.

"Anton anak makinig kang mabuti ha" napahigpit ang kapit nito sa braso ko at hinila ako sa malapit na upuan para maupo.

"Nay kinakabahan naman ako sa'yo" nagpakawala ako ng tawa at napakamot pa ng ulo pero nanatiling seryoso ang mukha ni Nanay kaya pumormal na rin ako.

"Ang Tatay mo nandito sa ospital na ito" agad na napatayo ako pero pinigilan ako ni Nanay.

"Anton makinig ka muna pakiusap"

"Nanay alam nyo naman ang ginawang pagtataboy sa akin ng tao na yun at hanggang ngayon nandito pa rin nakatatak sa utak ko" tinuro ko ang sentido ko pagkaraan ay sa puso naman.
"At sariwa pa ang sakit dito.

"A--anton nagkakamali ka nang akala di naman si Arman yun nakita mo at nagtaboy sa yo yun kakambal nya na si Arnulfo yun" tila lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Nanay.

"Nanay anung?...."

"Anak makinig ka akala ko rin nun una si Arman na naging kasintahan ko at si Arnulfo ay iisang tao lang pero nagkamali ako kasi nagpunta si Arman sa bahay natin ang pakay lang nya ay kamustahin ako kung anu nang nangyari sa akin pagkatapos nun akala nga ay pinagtaksilan namin sya ni Arnulfo" paliwanag ni Lora sa anak.
Napahawak na sa leeg nya si Anton dahil sa di nya maintindihan na paliwanag ng Nanay nya.

"Nay pwede sa umpisa muna kasi nahihirapan akong maintindihan po kayo" ani Anton.
Huminga muna nang malalim si Lora bago muling nagsalita.

"Nakwento ko na sa yo na magkasintahan kami ng Tatay mo di ba?" Napatango ako sa tanong nito.

"Yun nga kami nang Tatay mo ang magkarelasyon dayo lang sa lugar natin si Arman at ako naman ay malungkot dahil sa kamamatay lang ng mga lolo lo-"

"Nay skip na tayo dyan nakwento nyo na sa akin yan nang makailang beses eh" angal ko dito.

"Naku ikaw Anton manang manang ka talaga sa Tatay mo, yun na nga kami ni Arman na tapos nagpaalam sya na pupunta sa Maynila at may aayusin lang sya yun pala inaasikaso na nya yun kasal namin tapos ang sabi nya ay yun kapatid nya muna ang papalit sa kanya yun nga si Arnulfo eh di ko alam na kambal sila kaya nun araw na sinabi nya na babalik sya ay pumunta ako dun sa bahay nila at nun nakita ko si Arnulfo eh agad na hinalikan ko sa pag aakalang si Arman sya eh yun Tatay mo nakita yun eksena na yun inakala na nagtataksil ako sa kanya nagalit agad di man lang ako kinompronta lumayas agad iniwan ako" nakangusong paliwanag ni Nanay.

"So Basically nagkaroon kayo nang misunderstanding ni Tatay at nagkahiwalay kayo?" Tumango si Nanay sa akin.

"May nangyari ba sa inyo ni Arnulfo Nanay?" Alanganin na tanong ko dito.

"Wala nuh! Nung hinalikan ko yung lalaki na yun ay naku tinulak ako at pinalayas at sinabi na di nya ako kilala, dapat pala naniwala ako sa kanya eh di sana buo tayong pamilya" malungkot ang mukha na sagot nito.
Muli ay nayakap ko ito.

"Tapos yun Tatay mo umalis papuntang States at kakauwi lang nitong linggo na ito at nagulat pa sya na may ibang pinakilala yun Tiyo na Babae na asawa at di ako kaya agad agad pumunta sya sa bahay at kinamusta ako at nagkausap kami ng masinsinan at nagkaunawaan uli kami" namumulang sabi pa ni Nanay pero maya maya ay nabahiran ng lungkot ang magandang mukha nito.

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon