"Antonio" usal ni Bianca.
Namutla ito pero maya maya lang ay tumigas ang mukha nito.
"Sino yun lalake na yun at bakit magkahalikan pa kayo at nasa kalsada pa kayo samantalang ni pisngi mo nga ayaw mo ni hawakan ko lang" sita ko dito.
May ilang sandali na natigilan ito.
Tila nililimi ang tinanong ko pagkaraan ay ngumiti ito ng mapakla.
"Di pa ba obvious na boyfriend ko yun kaya kami naghahalikan dalawa" sagot nito.
Nagulat ako at nasaktan dahil di man lang nag atubili ito na ikaila ang nakita ko.
"P-pero ako ang boyf----" naputol ang sasabihin ko ng tumawa ito malakas.
"What's makes you think na kaya kita sinagot dahil gusto kita" nang uuyam na wika nito.
"B-bakit, di ba?"
"Fool! Oh sorry for the wrong words, let's make it clear sinagot lang kita dahil kailangan kita nun and naaawa kasi ako sa'yo" lumapit ito sa kin.
"Thank you sa lahat ng tinulong mo pero hanggang dito na lang tayo, ayokong magka asawa ng janitor lang, di ganun buhay ang nararapat sa akin" dagdag pa nito.
"A-anong ibig mong sabihin? Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin?" Nasisimula nang magtubig ang mga mata ko.
"Tama at pwede ba wag kang magpaawa dyan na akala mo kinawawa kita di bagay sa yo" sita pa nito sakin.
"Ganun na lang ba yun ha Bianca pag ayaw mo na o kaya di mo kailangan basta mo na lang binibitiwan!" Tumaas na ang boses ko.
"Wag kang makasumbat sumbat dyan na parang di ka nakinabang sa akin di ba dapat magpasalamat ka pa sa akin dahil sinagot kita nun kahit nandidiri ako sayo kaya amanos lang tayo at kung di nakakahiya sayo pwede bang lumayas ka na dahil ayokong may makakita sa atin dalawa baka sabihin pa na inaapi kita" litanya nito pagkaraan ay tumalikod ito.
Hinabol ko ito at hinawakan sa braso nito pero agad nitong winaksi ang kamay ko at tila nandidiri na lumayo sa akin.
"Don't touch me!" Tili nito.
Napatingin ang ilang miron na dumadaan sa harapan namin.
Tila naramadaman naman ito ni Bianca kaya...
Lumingap ito at tila nagpapaawang tumingin si Bianca sa mga ito.
"Mga kuya help me! Itong lalake na to hinaharass ako" sabay turo sa akin.
"Hindi yan totoo nag uusap lang kami di ba Bianca?" baling ko kay Bianca.
Pero Umiling ito at lumapit pa lalo sa mga miron.
"Mga kuya nagsisinungaling sya nandito lang po ako sa harap ng bahay ko dahil inihatid ko po ang boyfriend ko nang bigla po syang lumapit at tinawag po nya ako sa pangalan ko tapos po....." di na tinuloy nito ang sinasabi at umiyak na ito.
Naalarma ang mga ito at pinatahan si Bianca.
Pagkuway binalingan ako, dagli akong kinabahan ng nagsimula na silang lumapit sa akin.
Gusto kong tumakbo,
Gusto kong makaalis na sa lugar na yon.
Pero tila napako ang mga paa ko.
"Mabuti pa bata sumama ka sa amin sa baranggay ka magpaliwanag" wika ng isa sa mga ito.
Di na ako nagprotesta pa at sumama na lang ako sa kanila.
Isa pa tila nanghina akong bigla dahil sa mga sinabi at ginawa ni Bianca.
Parang ayaw magsink in pa sa utak ko ang mga sinabi nya.
Sa baranggay ay pinablotter ako ni Bianca at pinagbawalan na lumapit dito.
Napakasakit sa pakiramdam na ang babaeng sinamba mo at minahal mo ng labis labis ay magagawa pala sa yo to.
Ang Ipagtabuyan at ikaila idagdag pa na ipakulong pa ako para wag lang ako makalapit sa kanya.
Wala din pala syang pinagkaiba sa Ama ko na pinagtabuyan ako na parang aso nang bumisita ako sa kanila.
Natatandaan ko pa na halos dalawang araw ko din nilibot ang lugar na ayon sa Ina ko ay siguradong tinitirhan ng Ama ko.
Di ko na sya halos nakilala pa, halos sa mga larawan ko lang sya napagmamasdan at nakakausap.
Ang alam ko ay bago pa lang ako isilang ay naghiwalay na ang mga magulang ko dahil tutol daw ang mga magulang ng ama ko kay Nanay.
Masakit man tinanggap na rin ng Nanay ko ang lahat dahil may iniwan naman daw na alaala ito sa kanya.
Ako.
Pero dahil likas na makulit ako nun ay nag ipon pa talaga ako ng pamasahe para makapunta sa Maynila dahil nasasabik akong Makilala ito.
Pero nang Makaharap ko na ito ay ikinaila at pinalayas ako nito at nang di ako agad umalis ay pinahabol pa ako sa mga aso nito.
Buti na lang nakatakbo agad ako.
Nang makauwi ako sa amin ay tinanong ko ang Nanay ko kung ano ba talaga ang totoo.
Nung una ayaw nya pang magsalita pero nang sinabi ko na ikinaila at pinalayas ako ng Ama ko ay di na ito nakatanggi pa.
At naiiyak na pinagtapat nito na tinakbuhan pala siya pagkaraan malaman na buntis na ang Nanay ko sa akin.
Bigla namulat ang mga mata ko sa katotohanan na di pala alam ng tatay ko na nag eexist ako.
Na pinagpatuloy ni Nanay ang pagbubuntis nya sa akin kahit kinukutya sya ng mga kababaryo niya tanging si Tiya Lourdes lang daw ang tanging dumamay sa kanya dahil ulila na raw sya sa mga magulang.
Simula nun di ko na muling inungkat pa ang tungkol sa tatay ko.
At sa nangyari sa akin ngayon, naalala ko na naman tuloy ang nangyari sampung taon na ang nakakaraan.
At sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman ko naman ang pagiging mahirap ko nang ipagtabuyan ako ni Bianca.
Wala rin pala syang pinagkaiba sa Ama ko.