Amuse na nakatitig lamang ako sa paggapang ni Anne sa mat,
Kasalukuyan kaming nasa nursery room nito at pinapaayos ko lamang sa katulong yun mga gamit na dadalhin namin pag alis namin na dalawa.
Nakakatuwa na pagmasdan na yun anak mo sa pagpipilit nitong makalapit sa iyo at saka kukuyapit sa binti mo na tila ba nagpapakarga ito.
Nang makalapit na ito sa akin ay niyapos agad nito ang binti ko at gamit ang mga chubby nyang munting binti ay nagpilit ito na tumayo at nang magtagumpay ay bungisngis na tumingala ito sa akin at kitang kita ko ang napakaamong mukha nito na nagpapa cute talaga dito at sa nakakahawang ngiti nito ay kitang kita ko ang dalawang ngipin nito sa unahan,
Natutuwang kinarga ko na ito at pinugpog ng halik at isinuot muli ang hood na bunny sa ulo nito.
Napakacute talaga nito sa suot nito na pink na bunny costume,"Naiinip ka na ba baby ko, gusto mo na din bang makita si Daddy mo?" Tanong ko dito.
Tila nakakaintindi na humuni ito na tila sinagot na nito ang tanong ko.
"Dadada....dada" ani nito at pinagsalikop ang mga chubby na kamay nito at saka inuumang ang mga kamay na tila gustong haplusin ako kaya nilapit ko ang mukha ko dito at hinaplos nito ang pisngi ko saka pinisil.
Maya maya pa ay may kumatok na sa may pinto at pumasok ang katulong na inutusan nya kanina.
"Mam handa na po yun mga gamit ni Baby Anne" wika nito.
"Thank you Manang, Ah pakitanong nga po pala sa driver natin kung handa na po yun kotse na sasakyan po namin" utos ko uli dito,
Tumango ito at saka lumabas na uli ito.Muli binalingan ko ang anak ko na pinaglalaruan na ang necklace na suot suot ko.
"Pupunta na tayo kay Daddy" wika ko dito at pinaghahalikan ko na ito na kinahagikhik nito.
-------------------------------
Isinuot ko na ang black shades ko at saka inayos ang sumbrero ko pati na ang damit ni Anne at saka kinarga na ito.
Binuksan na nang driver ang pinto at saka marahan na bumaba ako bitbit si Anne,
Masayang ginala ko ang mga mata ko sa building na pagmamay ari namin,It's been two years since the last time I came here,
But I feel it was just yesterday,
And now I'm here again but not just myself but with our Baby to visit my husband,
To Surprised him,Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko papunta sa main door nang building,
"Sino po ang pupuntahan nyo Mam?" Tanong nang Gwardiya na nasa may pinto.
"Ahm...yun Asawa ko"
"Pangalan po Misis pakilagay na lang po dito" Anito at kinuha na ang log book at saka inalapag sa harap ko at inabutan na ako nito nang ballpen.
Agad na isinulat ko ang pangalan ko dito at ibinalik ulit sa Gwardiya.
Nakita ko na kumunot ang noo nang Guard sa nabasa nito pero di na ito kumibo pa saka sumenyas na pwede na akong pumasok.Pinagtitinginan na ako ng mga empleyado na nakakasalubong ko na tila nagtataka at naiilang pagkakita sa akin.
Natanawan ko na ang Reception Desk kaya mabilis na pumunta ako dito.
"Hello" bati ko agad sa mga ito.
Natigilan ang mga ito at tinigil ang pagmamake up at hinarap ako."Welcome po Mam, Sino po ang hanap nila?" Nakangiting tanong ng receptionist sa akin.