"What's this meeting all about, Mr. Ledesma?" Naiinip na tanong ni Andrei sa akin.
Pumalumbaba ako at nilaro laro ang ballpen na hawak ko sa isang kamay ko.
Nandito ito pati na ang ibang board members sa conference room dahil sa pagtawag ko nang biglaan na meeting na ito."Mr. Ledesma!" Muling tawag nito.
"Nadinig kita" walang gana na sagot ko dito.
Lumarawan sa mukha nito ang tinitimping inis sa sinagot ko.
"Don't worry pag dumating na yun isa pa nating ka meeting mag uumpisa na ako, so ladies and gentlemen please bear a little more minutes please?" Nakangiting pakiusap ko sa mga ito.
Sumang ayon naman agad ang mga ito maliban kay Andrei na pumormal na ang mukha at bumaling sa pinto ang paningin.
Hmmm....mukhang may lakad yata itong unggoy na ito mukhang nagmamadaling makaalis eh.....
Natatawang naisip ko base sa reaksiyon nito.Maya maya pa ay bumukas na ang pinto at bumungad si Cameron na nagulat pa yata sa nakita na mga tao.
"A--andrei what's the meaning of this?" Takang tanong nito kay Andrei pagkalapit na pagkalapit agad nito dito.
"Ako?" Takang turo ni Andrei sa sarili.
"No, ako ang nagpatawag sa iyo mahal na Asawa ko di siya" tawag ko sa pansin nito.
Naningkit ang mga mata nito sa narinig at saka asar na binalingan ako.
"How dare you para gamitin ang pangalan ni Andrei para mapapunta ako dito, ganyan ka na ba kadesperado just the other day nagpapunta ka dito ng kamukhang kamukha ko para ano?
Para pamukha sa akin na------""Oh well nandito na si Cameron kaya mag umpisa na tayo" pinutol ko na ang paglilitanya nito at saka tumayo na at pumunta sa harapan nilang lahat,
Pagkaraan ay kinuha ang USB sa bulsa ko at sinaksak sa computer,Maya maya pa ay namatay na ang mga ilaw at saka binuksan na ni Greg ang projector.
"Naghanda ako nang presentation para sa inyo sana panoorin nyong mabuti" ngumiti ako sa mga ito at saka sinenyasan si Greg na I play na ang nasa projector.
Mula doon makikita ang loob nang opisina ni Andrei at mula sa pinto ay makikitang humahangos na pumasok si Cameron at agad na pumunta dito kay Andrei,
"What happen bakit ka humahangos ha?" agad na tanong ni Andrei dito.
Mula sa sulok ng mata ko ay kitang kita ko na agad na namutla ang dalawa at tila di mapakali sa kinauupuan.
"May nakita ako na kamukha ni Cameron at nagpanic ako at naitulak ito at pagkatapos dinugo sya and the worse nakita ko na agad na dinaluhan ito Antonio then he glared to me, galit na galit sya Andrei di man nya sabihin alam ko"
Tinignan ko muli sila at kitang kita na sa mukha ni Bianca ang takot,
Well what do I expect?
"I told you many times Bianca na mag ingat ka at wag kang gumawa ng mga bagay na makapagpapahamak sa atin"
"I know pero kasi di ako nakatiis sa nalaman ko na balak ka nyang patanggal dito sa opisina pati na ko"
"I told you Bianca na ako na ang bahala na umayos nang lahat nang ito ilang araw na lang at makakaalis na tayo dito sa Pilipinas, makakalayo na tayo dito, just trust me"
"I can't help it paano kung alam na pala nila na tayo ang may pakana sa pagbangga sa kotse ni Cameron, na pinabago natin ang mukha ko para maging kagaya ng babae na iyun, na kinamkam natin ang ari arian nila na sinira natin yun pagsasama nilang mag asawa, Andrei natatakot ako"
"Stop that video damn it!" Galit na sigaw ni Bianca kay Greg.
Tinaasan ko lang nang kilay ito at tumingin kay Greg at tumango dito.
"Wag muna tayong magpadalos dalos, kailangan na mag ingat tayo malay mo plano lang ni Anthony yun na dalhin dito yun doppelganger lang ni Cameron na babaeng yun at binubwiset lang tayo nito tandaan mo ikaw si Cameron Gutierez, my life patner,the mother of my Baby,and soon magiging malaya na tayo pag nakalayo tayo dito ay maibabalik na natin sa dati ang mukha mo na minahal ko, you understand"
"I said stop it, Stop that dammit Video, please stop it" umiiyak na pakiusap ni Bianca at nayakap na lang ito ni Andrei saka nagbabagang ang mata sa galit na tinignan ako.
Habang mababakas sa mga mukha ng mga ibang board members ang pagkadismaya, pagkabigla, pagkagulat sa nakita at nadinig nila.
Nginisihan ko lamang ang mga ito at saka sinenyasan si Greg.
Agad na lumakad ito papunta sa pintuan at saka dalawang kamay na binuksan ang pintuan at mula doon ay pumasok na ang mga pulis na tinawagan ko kanina bago magsimula itong plano ko."That video is fake! Ako talaga si Cameron Gutierez, believe me please" protesta ni Bianca.
"Damn you!" Galit naman na wika ni Andrei sa akin.
Ngumiti ako nang matamis dito.
"Yes Damn me, I'm a moron believing the charade that you and her plan, yes you hate me and my Wife but it does not gave the two of you the right to destroy our life, and take all what belongs to my wife, and the worse that you do is make my wife hurt that resulted on losing our second baby" galit na galit na sabi ko sa mga ito.
Napasinghap si Bianca sa nadinig.
"Yes our second baby,how dare the two of you do these evil thing to us, wala kaming kasalanan sa inyo para gawin nyo sa amin ito"
"Wala?" napapailing na ngumisi si Andrei. "Ikaw ang may kasalanan, kung di ka sumingit sa amin ni Cameron dapat kami ang kinasal dapat sa akin ang lahat nang meron ka, kinuha mo ang dapat na sa akin"
"Sa inyo na di mo pinahalagahan, at trinato mo" turo ko sa kanya pagkaraan ay kay Bianca. "Nyo na parang basura, hiniya sa lahat, pinalabas na masama, samantalang ang kasalanan lamang niya ay minahal ka nya dati" madiin na sagot ko dito.
Nagtagis ulit ang bagang nito sa sinabi ko.
"And when I say dati it means that she already fall out of love in you, and instead love me and your plan fail so you resort in violence and the two of you planned to kill my wife and then the second time around you fail, isn't it funny? That you know that you succeed but it is not?""Antonio please" pakiusap ni Bianca sa akin. "Stop this, maawa ka"
"You shut up! I'm not talking to you bitch!" Naiinis na sabi ko dito pagkaraan ay binalingan ang mga pulis.
"Officers, please arrest them" utos ko sa mga ito.Agad na tumalima ang mga ito at pinosasan sina Andrei at Bianca.
Pagkaraan ay lumabas na ang mga ito at naiwan kami ni Greg pati na ang mga board members na nakasaksi.Ayaw ko sanang gawin ito,
Na magpahiya ng tao sa harap ng maraming tao,
Dahil di ako pinalaki nang Nanay ko na bastos at mapagtanim nang galit....Pero kung di ko gagawin ito baka makahalata si Andrei at umalis agad,
Pag nakatakas na ito wala nang way para mahuli ko ang dalawa,
Lalo pa't napag alaman ko na binenta na nila ang lahat ng ari arian nila at mamaya nang gabi ang flight nila paalis nang bansa ayon sa Imbestigador na inatasan ko na magbantay sa mga ito.Kaya kailangan agad agad na mahuli sila na magkasama at eto nga ang nangyari.