Chapter 21

13.9K 300 4
                                    

Two years after......

Mataman na nakatingin ako sa salamin na bintana ng opisina ko na nasa pinakamataas na palapag ng pinakamataas na building sa lugar na ito kung saan nakikita ko ang mga ilaw sa mga matataas na gusali na tabi nang building ko na unti unting dumadami habang dumidilim sa kalangitan.

Napangiti ako nang mapait at saka nagsalin ng whiskey sa baso ko at saka nag toss sa hangin,
Pagkaraan ay lumapit ako sa salamin at hinawakan ito,
At nilagok ko na ang alak sa baso ko.
Nang maya maya ay may kumatok sa pintuan at niluwa ang assistant ko na si Greg...

"Mr. Ledesma eto na po yun reports na iniutos nyo" anito.

"Sige pakilagay na lang dyan at makakaalis ka na" sagot ko dito,
Yumukod ito sa akin at saka muling lumabas ng pinto at tahimik na sinara ito.

Pagkaalis ni Greg ay muling humarap ako sa salamin at muli ay napangisi.

I'm back at sa pagbabalik ko na ito di ako papayag na di ko mabawi ang sa akin....

Pagkaraan na maubos ko ang whiskey sa baso ko ay naupo na ako sa upuan ko at kinuha ang report na inuutos ko kay Greg at habang binabasa ko ito ay di mapalis ang ngisi sa mga labi ko at muling nagsalin ako ng whiskey sa baso ko.

Well, well, well, looks like the brainy little monkey cannot keep up in his position so nagkakaroon ng complict at pagtatalo sa mga shareholders lalo't patuloy ang pagbagsak ng kita ng kumpanya kaya ang mismong mga may ari nito ay dissapointed sa president ng kumpanya at kung di lang sa anak ng isa sa tatlong may ari nito malamang wala na ito sa posisyon nya,
What a lousy man, natatawang hinagis ko sa basurahan ang reports at naghanda na para makauwi sa bahay namin.

Habang nagdadrive ay sumagi sa isip nya ang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan....

"Bawiin mo ang sinabi mo Cameron!" Galit na hinawakan ko ang mga balikat nito at gigil na inalog alog.

"No! Nag file na ako nang annulment at kinuha ko na ang serbisyo ng abogado nang pamilya namin para mag asikaso sa kaso natin at nga pala iempake mo na ang mga gamit mo sa opisina dahil magmula bukas you are fired!" Sigaw nito na tila nakapanghina sa akin.

"At nga pala mahal kong Asawa pinaempake ko na ang mga gamit mo sa mga katulong para pag dumating ka ay maipalagay na sa bulok na kotse mo!" Maang na napatingin ako dito.

"Pinapalayas mo ako sa bahay natin Cameron?" Di makapaniwalang turo ko sa sarili ko. "Ako na asawa mo"

"Ex husband to be exact now lumayas ka na sa bahay ko" anito at biglang bumukas ang pintuan nang kwarto at pumasok ang mga gwardiya at binitbit ako,
Di na ako nakapalag pa dahil biglang nawalan ako ng lakas pa na lumaban.

Paglabas ko nakita ko ang mga kasama namin sa bahay na naaawa na lang na napatingin sa akin,
Nang makita ko ang mga maleta ko na nilalagay na sa kotse di ko na napigilan ang mapaluha lalo na nang tinawag na bulok ito ni Cameron samantalang ito mismo ang nagregalo sa kanya ng sasakyan na ito at pinagbilin pa na pakaingatan nito ang kotse na ito pagkat kung di daw ito nasira ay di kaming dalawa magkakakilalang dalawa,

Kaya may sentimental value ito sa amin na dalawa tapos basta na lang itong tinapon kasama ko pati na ang pagmamahalan namin na dalawa,

Masakit ..... letse talaga bakit ba kasi minahal ko pa si Cameron higit kay Bianca inilagay ko ito sa pedestal at sinamba tapos peste talaga sa ganito lang matatapos ang lahat.......

Nanlalabo ang mga mata na pinasadahan ko nang tingin sa huling pagkakataon ang bahay na saksi sa letseng pagmamahal ko kay Cameron at ipinangako ko sa sarili ko na babalik ako at sa pagbabalik ko kukunin ko ulit lahat ng kinuha nang kapatid ni KingKong sa akin......

Napatawa ako nang pagak pagkaalala nun at dumaloy ulit sa isip ko ang nangyari sa akin sa loob ng dalawang taon,

Bumalik ako sa hopital at nadatnan ko na gising na si Tatay at nakilala ko na din ang kakambal nito na si Tito Arnulfo at ang pamilya nito,
Nagkausap kami nang huli at humingi ito nang pasensiya sa akin kasi nabigla at natakot daw ito na makita ako nang asawa niya at pagmulan pa ito nang gulo kaya pinatawad ko na din ito.....

Nang makita agad ako ni Tatay ay agad na napaluha ito at niyakap ako nang mahigpit na ginantihan ko din kasi sabik na sabik na din ako na makasama ito magmula nang musmos pa lamang ako....

Nagkwentuhan kaming tatlo sa buong magdamag at nakalimutan kahit sandali lang ang problema namin ni Cameron,
Kinabukasan na naalala ni Nanay na itanong sa akin si Cameron,

Sa kauna unahang pagkakataon ay nakapagsinungaling ako sa Nanay ko sinabi ko na nagkausap kami ni Cameron at napagdesisyonan namin na magfocus muna ako sa mga magulang ko at ang huli na muna ang bahala sa mga iiwan ko....

Agad na naniwala naman ang mga ito sa hinabi kong kwento at nagpasalamat pa ito sa pagkamaunawain ng Asawa ko napangiti na lang ako sa mga ito at di na kumibo pa....

Nang malaman na namin ang kundisyon ni Tatay na nagkaroon daw ito nang bara sa ugat na malapit sa puso at kailangan nang agaran na operasyon ay agad agad na nagpasya kami na pumunta sa Amerika para dun magpaopera,
At naging matagumpay naman ito,

Sa mga lumipas na buwan ay nagpagaling si Tatay at nagpakasal na sila ni Nanay at inayos na ni Tatay ang pagiging legal na Ledesma ko at pinaubaya na nito ang pamamahala sa kumpanya na tinayo nya sa akin na buong pusong tinanggap ko at sa isang taon at kalahati buhat nang pamahalaan ko ito ay napalago ko ito nang doble pa kaya tuwang tuwa si Tatay sa akin.

Sa kabila nang kaabalahan ko sa kumpanya namin ay lagi pa rin akong naghahire ng mga tao para malaman ang mga galaw nina Andrei at Cameron at nakakadama ako nang saya pag sinasabi ng mga tao na inutusan ko na bantayan ang mga ito pag nalalaman ko na desperado na ang mga ito na mahanap ako para maasikaso na ang pagwawalang bisa sa kasal namin dahil nga biglang nawala ako na parang bula....

At ngayon na nagbalik na ako gagawin ko ang lahat para di sila sumayang dalawa....
Babawiin ko ang Asawa ko sa lalaki nya at ipaparamdam ko kay Cameron lahat lahat ng ginawa nya sa akin.

"It's pay back time Cameron" wika ko at napangisi habang patuloy pa din sa mabilis na pagmamaneho......

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon