Chapter 11

20.4K 453 9
                                    

Cameron

Si Papa na ang nakipag usap sa mga magulang ni Andrei na umaatras na ako sa kasal namin.

Gusto ko nga sana na ako na ang humarap pero ayaw ni Papa kasi baka ma offend daw ang mga ito.

Ito na raw ang bahala sa lahat ang importante raw ay makapag honeymoon na raw kami ni Anton para magkaroon na raw sya ng apo.

Kaya mahal ko ang papa ko eh di pa ako kumikibo ay alam na nya ang gagawin nya at sasabihin sa akin.

Spoiled talaga ako sa kanya pero di ako lumalampas sa limitasyon ko.

Alam ko naman ang dapat at di dapat na gawin at salita ko.

At nag insist pa ito na duon na kami tumira sa bahay nya kasi dadalawa lang kami tapos bubukod pa kami.

Nung una nahihiya pa si Anton pero pinaunawa ni Papa na di sya nito minamaliit at hinuhusgahan.

Kaya lang di pa sya handa na malayo sa akin kaya kung maaari ay dun na kami tumira sa huli napahinuod din si Anton.

Kaya dobleng saya ang nararamdaman ko dahil mayroon akong mapagmahal na ama tapos may maunawain pa akong asawa at ang kulang na lang ay mga angel na aalagaan ko.

Pangarap ko na magkaroon ng maraming anak kahit tatlo  okay na ako at gusto ko ako mismo ang personal na mag aalaga sa mga ito.

Ipapadama ko sa magiging mga anak ko ang pagmamahal na di ko naranasan sa Mama ko.

"Ahm Cameron pwede ba tayong mag usap?" Naputol ang pangangarap ko ng gising ng tinig ng asawa ko.

"Sure ano ba yon?" Naupo ito sa tabi ko at bumuntunghininga.

"Why?" Nag aalalang tanong ko.

"Kasi ang Nanay ko pwede ba natin syang dalawin kung okay lang sa'yo?"

alanganin nitong sagot.

Napanganga ako, na tila namisunderstood nito kaya natatarantang tumayo ito.

"Sorry,Sorry, kung ayaw mo okay lang"

Malungkot na wika nito.

Natawa ako na kinagulat nito.

"Ano ka ba syempre gusto ko kaya lang nagulat lang ako dahil nakasal na tayo't lahat ay di ko pa nakikita't nakikilala ang mga magulang mo" nakangiting wika ko.

"Ang Nanay na lang ang mayroon ako ang Tatay ko kasi di ko na nagisnan pa"

Wika nito.

"Oh....sorry Anton" umiling iling ito at lumapit sa akin pagkaraan ay niyakap ako nito.

Lihim na kinilig ang puso ko sa gesture nya.

Isa ito na nadiskubre ko na ugali nya, malambing ito at lagi nay nakayakap ito sa kanya.

"Gusto kitang ipakilala sa Nanay ko,
Gusto ko na malaman nya na kasal na ako sa pinakamagandang babae na nakilala ko, alam mo ba kung si Papa ang pinakadabest na tatay na nakilala ko" Papa na ang tawag nito kay Papa nun una medyo nahihiya pa ito pero nagpumilit si Papa.

"Ang Nanay naman ang pinakamapagmahal na Nanay sa mundo" napangiti ako sa narinig ko ngayon pa lang ay nasasabik na akong makilala ito.

"Ano pang hinihintay natin halika ka na"

Hinila ko na ito patayo.

////////////////////////////////////////
Anton

"Halika ka na Cameron?" Anyaya ko dito nandito na kami sa harap ng munti naming bahay nahihiya nga ako na ipakita dito ang tinitirahan namin kasi senyorita ang napangasawa ko tapos ako ito.....mahirap lamang

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon