Chapter 22

14.7K 306 2
                                    

"C--Charlie ano na na contact mo na ba si Anton?" Agad na tanong ko nang makita ko si Charlene na kapapasok pa lamang.

"Sorry Cameron ha pero ang sabi nun nakausap ko dun sa caretaker ng bahay nyo matagal nyo na raw naibenta yun at saka ang Papa mo daw nasa Amerika na daw tapos yun Asawa mo ewan daw kung nasaan" sagot nito at agad na napaupo sa sofa.

"Ganun ba? kaya pala walang sumasagot sa tawag ko siguro pati yun line wala na din" di ko na napigilan na mapaiyak.
Saan ko hahanapin Asawa ko kung wala sila sa bahay tapos si Papa umalis pa wala naman akong alam na tatawagan dun kahit alam ko pa kung saan pwedeng pumunta si Papa,

Malamang na kina Auntie Josephine ang nakakabatang kapatid ni Papa at alam ko na malayo sa city yun lugar tapos ayaw pa ni Auntie Josephine sa telepono kaya pag nagvivisit kami dun ay pumupunta pa kami sa downtown para tumawag sa telephone booth na pinakamalapit....

"Hush Cam don't cry di ka pa masyadong magaling wag kang mag alala hahanapin natin yan Asawa mo na yan hanggang makita natin yan" anito at pinunasan ang mga luha ko.

"Thank you Charlie sa lahat ha"

"Hey wala kang dapat ipagpasalamat ako ang dahilan kung bakit ka nabangga at na comatose nang almost two years kasi that night kasi gusto ko nang mamatay kaya mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan kaya di kita napansin at para makabayad sa kasalanan ko at kaibigan na din kita kaya tutulungan kita hanggang sa makita mo na yang asawa mo okay?" Napatango ako dito at saka napangiti na napayakap na lang dito.

"Teka nasan na ang mga kids natin?"

"Nakatulog na sina Dawn at Anne" informa ko dito.

"Eh di ka ba nahirapan sa anak ko napakaiyakin nun di katulad ni Anne napaka tahimik"

"Di naman saka ngayon ko pa lang naaalagan si Anne kaya masaya ako at mabait naman si Dawn kaya don't worry"

"Okay" napahikab ito.

"Matulog ka na rin Charlie ako kaya ko nang mag isa dito"

"You Sure?" Tumango ako bilang tugon.

"Okay goodnight Cam" anito at umakyat na sa hagdan papunta sa kwarto nito.

Naiwan akong muli sa maluwang na sala.
Lumabas ako sa garden at tumingin sa madilim na kalangitan at muli naalala ko ang mga nangyari pagkagising ko mula sa pagkacomatose ko.

Biglang nagmulat ako nang mga mata at nasilaw ako sa liwanag ng silid tinangka kong itakip ang kamay ko pero di ko magawa na igalaw miski daliri ko parang nasemento at wala akong maramdaman.

"Ay Doc! Gising na po yun pasyente" sigaw ng nurse pagkakita sa akin at agad na tinawag nga ang doctor.

Maya maya pa ay may edad na lalaking naka coat ng puti na palagay ko syang tinawag ng nurse agad na lumapit ito sa akin at kinuha ang kamay ko at pinulsuhan.

"Are you okay hija?"

"N--nahihirapan po akong gumalaw
d--dok" paos ang boses ko na sagot dito.

"That's normal hija almost two years ka rin na coma kaya di nagpafunction pa ang mga nerves mo pero pag na therapy ka magiging okay ka din" anito at pinagpatuloy pa ang pagsusuri sa akin.
Two years?!

"Nasan po Doc y--yun Asawa ko po?"
Nagkatinginan yun Nurse at Doktor at saka muling tumingin sa akin.

"Sorry hija dinala ka lang nang pamangkin ko dito na syang nakabangga sa yo at wala naman kaming pagkakakinlalan sa iyo kaya kami na lang ang nagdesisyon para sa iyo, I hope you don't mind"

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon