Chapter 32

17.7K 384 3
                                    

"Are you sure okay lang kayo ni Baby dito?" Di mapakaling tanong ko kay Cameron.

Nakangiting tumango ito.

"Of course naman Asawa ko" anito at pinisil pa ang kamay ko na nakahawak dito.

"I'm afraid to left you here kasi" nag aalalang sabi ko dito.

Nandito kami sa dating bahay namin nina Cameron dati na naibenta nang pekeng Cameron at ni Andrei.
Inuuwi ko na silang mag ina ko dito para mas malapit sa trabaho at saka mahabang oras para makasama ang mag ina ko.

Binili ko agad ito nun nalaman ko yun,
Kahit na nasa America pa ako ay tila may bumubulong sa akin na bilhin agad ito kahit na pinalayas ako dun ay mahalaga pa din sa akin yun bahay na naging saksi sa pagmamahalan namin ni Cameron bago ito magbago,

Now I know why kasi peke ito,
Kaya gagawin ko ang lahat para magbayad sila ni Andrei,
Kahit na sabi ni Cameron na masamang magbintang nang walang sapat na ebidensya kaya kailangan na kumilos ako nang malinis at tahimik para mapagbayaran nila ito at di na sila makatakas pa sa batas.

"Ay ang Asawa ko" niyakap ako nito.
"Masyado naman akong binebeybi" natatawang inayos nito ang kurbata ko.

"I can't help it, I almost lose you once and it brings me to hell and I don't want my eyes to lose the sight of you even in seconds or a blink of my eyes" wika ko dito at hinalikan ko ito nang marubdob puno nang pag ibig puno nang pagmamahal na pinagmasdan ko ito.

"And I break apart when you again gone in my life" napangiti ito at hinaplos ang mukha ko.

"Di ako mawawala sa iyo, maaaring magkahiwalay tayo saglit pero babalik at babalik pa rin ako sa'yo kasi ikaw ang pinakamamahal na Asawa ko at ang tanga tanga ko pag pinakawalan pa kita" malambing na sagot nito sa akin.

"Ako din Camiko, ako din" nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa namumuong luha sa mga ito.
"Mahal na Mahal din kita at katulad mo ang tanga tanga ko din pag pinakawalan pa kita kaya pakiusap wag ka sanang magsawa na mahalin din ako" pakiusap ko dito na nagpangiti dito nang maluwang.

"Sus ikaw talaga" pinisil nito ang pisngi ko. "Mahal na Mahal kita Asawa ko kaya po wag ka nang mag alala pa at pwede na ka nang umalis para pumasok sa trabaho mo okay lang kami nang Anak mo dito"

"Are you sure?" Naninigurong tanong ko dito.

"Sure na Sure" sagot nito.
Hinalikan ko ulit ito sa mapupulang labi nito at saka niyakap nang mahigpit.

Pagkaraan ay kinayag ako nito papalabas nang bahay at saka inihatid sa naghihintay na sasakyan ko.

"Bye Asawa ko uwi ka nang maaga ha" bilin nito.

"Kahit di mo sabihin pa yan gagawin ko talaga kasi miss na miss ko na ang luto mo at saka ang makalaro nang mas matagal si Baby Anne" sagot ko dito at muli hinalikan ko ito sa mga labi nito at sumakay na sa sasakyan ko.

--------------------------

Natigilan ako nang pagpasok ko sa opisina nang makita ko na prenteng nakaupo si Cameron.

Agad na pinigil ko ang sarili ko na sugurin ito at paaminin kung sino talaga ito,
Bakit ito nagpanggap bilang asawa ko?
Bakit nito sinira kaming mag asawa?
Pero di pa pwede sa ngayon lalo pa't wala pa akong ebidensya,

"Kanina pa kita hinihintay" anito pagkakita sa akin.

"So? I'm here now what do you need?" Tanong ko dito at umupo na ako sa upuan ko.

Malakas na nilapag nito ang bungkos nang manipis na papel.

"What's that?"

"I need you to sign this!" Kinuha ko ang mga papel at isa isang binasa.
Di ko mapigilan na di mapangisi at mapataas ang kilay sa nabasa ko.

"What makes you think na pipirmahan ko ang annulment papers na ito?"

"I'm not begging you! Inuutusan kita!" pormal ang mukha na wika nito.

"Well..." napangisi ako at saka hinawakan pataas ang mga papel at saka binitiwan at sakto napunta sila sa trashbin.
"Ooopppss nahulog" tila nakakalokong wika ko dito.

"How dare you!" Nanggigigil na sabi nito at napapikit ito tapos nasalo ang maumbok na tiyan.

"Oh are you alright?" Tanong ko dito at awtomatikong napatayo ako at akma sanang aalalayan ito pero pumiksi ito.

"Don't touch me, nandidiri ako sa'yo" angil nito.

"Eh di sorry" taas ang mga kamay na sagot ko dito at saka natatawang lumayo dito.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok pa yun isang bwisit.

"B--Cameron are you alright?" mabilis na dinaluhan nito ang pekeng Cameron bakas sa mukha nito ang pag aalala.
Madilim ang mukha na tinignan ako ni Andrei.

"Mr. Ledesma what did you say to my patner? " nagtatagis ang mga bagang na tanong nito sa akin kaya nagkibit balikat ako bilang tugon at saka naupo muli sa upuan ko at pinatong ang mga paa ko sa mesa.

"Well I tried to help her pero nandidiri daw sya eh naligo naman ako kanina o di kaya pinaglilihan ako nya?" Maarteng nagtakip ako nang bibig at saka nakakalokong tinignan sila.
"Kawawa naman na bata yan mukhang yun mortal enemy pa nya ang makakamukha nya so mabuti pa umalis na kayo dito kasi di kayo magandang tanawin sa magandang opisina ko kaya tsu, tsu" pagtataboy ko sa mga ito na parang nagpapaalis lang nang aso.

"Damn you!" Akma sanang susugurin ako ni Cameron pero nayakap ito ni Andrei upang pigilin ito.

"Mr. Ledesma kung may gusto kang sabihin sa akin na lang, maselan ang kalagayan ni Cameron sa Anak namin so please spare her" madilim ang mukha na sabi ni Andrei.

"Oh congrats, pero that's not mean na papayag ako sa gusto nya na makipaghiwalay so para magtigil na ako magtigil na sya sa pangungulit nya dahil wala syang karapatan para magdemand sa akin" madiin ang boses na wika ko dito.

"No di ko gagawin yan gusto mo!" Sigaw ni Cameron.

"Stop it Cameron please baka makasama sa anak natin halika na" wika ni Andrei at hinila na palabas ang babae sa opisina ko.

Natatawang kinawayan ko ang mga ito,
Pero nang tuluyan nang mawala ang mga ito sa paningin ko ay nawala na ang ngiti sa labi ko,
Kinuha ko ang Cellphone ko at agad na dinayal ang number ni Greg.

"Yes Sir?" Anang kabilang linya.

"Greg may progress na ba yun inuutos ko?" Tanong ko dito.

"Yes Sir sabi nang imbestigador almost 70% na daw iniimbestigan nya at malapit na daw po nyang malaman pa yun ibang detalye kaya baka in two days daw po kumpleto na daw po yun report nya" napangiti ako sa sagot nito.

"Good and thank you Greg" wika ko dito at pinatay ko na ang cellphone ko.

Soon....malapit nang magbayad ang mga may sala kaya magpakasaya kayo kasi malapit nang matapos ang lahat nang  pagpapanggap nila.

Unfaithful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon