"Bye Anton sunduin mo na lang ako mam'ya!" Bilin ko kay Anton saka humalik sa pisngi nito at binuksan na ang pinto ng kotse nya at saka ako bumaba
"Sorry Talaga ha, Cameron biglaan lang ang meeting na'to at kailangan talaga ang presence ko dito" hingi ng paumanhin ni Anton sa akin.
Kagabi tumawag ang assistant ni Anton at sinabi na kailangan na kailangan talaga ang pagdalo nya sa meeting kaya eto naputol ang honeymoon namin ni Anton.
Pinisil ko ang Baba nito.
"Sus, ikaw talaga okay lang yun, that works there's nothing I can do about that and I understand saka obligation mo yan eh" natatawang sagot ko dito.
"Thank you Asawa ko" hinalikan nito ang kamay ko.
Pagkaraan ay inutusan na nito ang driver na paandarin ang sasakyan.
Kinawayan ko ang sasakyan at nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang unti unting lumiit ito at tuluyang mawala sa paningin ko.Pagkatapos ay nag doorbell na ako sa gate nang bahay nina Charlie.
Agad naman na pinagbuksan ako nang kasambahay nila at pinapasok na sa bahay."Ang Mam Charlie nyo po?" Tanong ko agad dito.
"Nandun po sila sa may salas" tugon nito at agad na nagpunta ako sa kinaroroonan ni Charlie.
"Charlie!" Tawag ko agad nang mapansin na nakaupo ito at tulalang nakatingin kina Dawn at Anne.
"I--ikaw pala yan Cameron" anito nang mapalingon sa akin at bumeso ito sa akin.
"Akala ko next week pa kayo uuwi?""Anu kasi si Anton may biglaan na meeting na kailan nyang daluhan kaya eto umuwi na kami" sagot ko dito at agad na kinarga ang anak ko. "Hello Baby Miss mo na ba si Mommy?" Tanong ko kay Anne na tumawa agad at pinalo ako nang laruan na bibe.
"Mukhang miss na miss ka na ni Anne ah" matamlay na wika ni Charlie.
"Oo nga eh" marahan na binaba ko si Anne na agad na gumapang papunta kay Dawn.
"May Problema ka ba Charlie mukhang matamlay ka kasi" puna ko dito.
Bumuntung hininga ito at saka malungkot na tumitig sa akin.
"Balak ko kasi na pumunta sa Davao at naisip ko na iwan muna si Dawn kina Mama" anito at saka ginagap ang kamay ko. "Kaya lang nahihiya ako sa yo kasi di ba medyo nasa stage pa kayo nang asawa mo na magkaayos tapos iiwan kita, kayo ni Anne" napangiti ako sa sinabi nito.
"Naku ikaw talaga Charlie, wag ka nang mag alala kaya ko na naman alagaan si Anne kaya don't worry"
"Thank you talaga ha, Cameron ang bait mo talaga"
"Teka ba't nga pala pupunta ka sa Davao?" Tanong ko dito.
"Kasi si Lucas sumama dun sa magaling na tatay nya para magbakasyon" naiinis na sagot nito.
"Si Lucas?" Napaupo ako sa tabi nito.
"Letse kasi yun hayop na yun eh nanahimik yun anak ko tapos bobola bolahin nya tapos yun Anak ko nagpabola naman sumama di man lang nagpaalam sa akin"
"Baka gusto lang nila na mag bonding na mag ama"
"No! Alam ko, ramdam ko na kinukuha nun lalake na yun ang pansin nang anak ko para sa kanila nang babae nya na yun sumama porke't baog yun letseng girlfriend nya" naiirita at naiinis na halos lamutakin na nito ang panyong hawak.
Nayakap na lang nya ang kaibigan kasi di nya alam kung papanu aaluhin ito,
Ramdam nya ang sakit kasi dumaan din siya sa unrequited love na yan at buti nakawala na siya dun at hayun nga natagpuan nya ang gwapong Asawa nya na mahal na mahal nya at Ama nang anak nya.