"What?!" umiiyak na tumango si Bianca kay Andrei.
After nang nangyari kanina sa may reception kung saan sa pagkabigla ko pagkakita ko kay Cameron na may bitbit na bata pati na ang pagsita nito sa akin ay nataranta ako at naitulak ito.
At ang nakakatakot pa ay dinugo ito dahil sa pagtama nang beywang nito sa gilid ng bench doon,
Pakiramdam ko alam ko na ang nangyari kay Cameron,Pero ang mas nakakatakot pa ay ang nagbabantang tingin na pinukol sa akin ni Antonio,pati na ang madilim na mukha nito at pag iigtingan ng mga panga nito kasabay ng pagkuyom ng kamao nito na tila bagang nagpipigil ito na saktan ako bago ito sumama sa ambulansiya.
Oo walang salita na binitiwan ito patungkol sa akin pero sa klase nang tingin nito ay tila nagbabanta na kung may masamang mangyari sa letseng Asawa niya ay mananagot ako,
At aaminin ko natatakot ako para sa sarili ko, para kay Andrei, at higit sa lahat para sa anak namin na di pa naisisilang,
Pagkaalis ni Antonio kasama ni Cameron sa Ambulansiya ay tila ako natakot sa klase ng tingin na pinupukol ng mga empleyado sa akin,
Tila nagtataka kung bakit kamukha ko ang babaeng tinulak ko kanina at agad na dinaluhan ni Antonio,
At ayaw ko man ay agad na nagpanic ako at pumunta nga sa opisina ni Andrei at sinabi ko agad dito ang nangyari kanina,
"I told you many times Bianca na mag ingat ka at wag kang gumawa ng mga bagay na makapagpapahamak sa atin" anito at paikot ikot ito sa harap ko.
"I know pero kasi di ako nakatiis sa nalaman ko na balak ka nyang patanggal dito sa office,pati ako din" naiiyak at naiinis na sagot ko dito.
"I told you Bianca na ako na ang bahala na umayos nang lahat nang ito ilang araw na lang at makakaalis na tayo dito sa Pilipinas, makakalayo na tayo dito, just trust me" anito at pinisil ang kamay ko at hinaplos ang maumbok na tiyan ko.
"I can't help it paano kung alam na pala nila na tayo ang may pakana sa pagbangga sa kotse ni Cameron, na pinabago natin ang mukha ko para maging kagaya ng babae na iyun, na kinamkam natin ang ari arian nila na sinira natin yun pagsasama nilang mag asawa, Andrei natatakot ako" nagpapanic na sagot ko dito.
"Wag muna tayong magpadalos dalos, kailangan na mag ingat tayo malay mo plano lang ni Anthony yun na dalhin dito yun doppelganger lang ni Cameron na babaeng yun at binubwiset lang tayo nito tandaan mo ikaw si Cameron Gutierez, my life patner,the mother of my Baby,and soon magiging malaya na tayo pag nakalayo tayo dito ay maibabalik na natin sa dati ang mukha mo na minahal ko, you understand" masuyong sabi nito at niyakap ako.
Naiiyak na napatango ako kay Andrei,
Alam ko na di nya ako pababayaan, kami nang anak nya."Then wipe your tears at umuwi na tayo, makakasama sa iyo at sa baby ang sobrang stress" anito at niyakag na ako nito papalabas nang opisina nito.
Halos kahalating oras pagkaalis nang dalawa ay may isang tao uli na pumasok sa opisina nito,
Walang iba kundi ang sekretarya nito at pumunta ito sa may mesa ni Andrei at kinuha ang recorder pen na nilagay niya sa gilid nang box ng tissue paper kahanay ang mga folders,
At saka muling lumabas sa opisina nito at pumunta sa lalaking naghihintay sa kanya,
"Eto na oh" kinikilig na sabi nito sabay abot nito ng pen dito.
"Thanks Faye" nakangiting wika nito at pinisil ang baba nito.
"Sus para sa iyo, maliit na bagay lang itong ginawa ko, basta ha yun napag usapan natin ha, sa sunday na yun" ani Faye dito.
"Yes dadating ako" sagot nito at nagpaalam na agad na aalis na.
-------------------------
"Anton anak" napalingon ako kay Nanay nang pabulong na tinawag nya ako,
Pinahatid ko muna kay Greg si baby Anne sa mga magulang ko para masamahan ko si Cameron dito sa hospital."Nanay kayo pala" wika ko at agad na nagmano dito pati na kay Tatay na kasunod nitong pumasok.
"Si Baby Anne po?" Tanong ko sa mga ito."Iniwan muna namin sa pinsan mo at ayun kalaro ni Alice" sagot ni Tatay.
"Natakot at Nataranta kami Anak nang dumating si Greg dala ang Apo namin at nasa ospital nga daw kayong dalawa kaya agad na tinanong namin si Greg kung saan dinala si Cameron at agad nga kaming pumunta dito, anu bang nangyari anak?" Tanong ni Nanay sa akin.
Napakuyom ako ng kamao ko pagkaalala ko at agad na kinuwento ko nga ang nabungaran ko kanina paglabas ko sa boardroom.
"Diyos ko po, napakasama talaga nang impostora na yun,
Sinira nya kayong dalawa na mag asawa,at kinuha nya ang dapat na kay Cameron,at ang pagtaksilan ka nang peke na yun na taglay ang mukha nang Asawa mo,
Ang dapat sa kanya ipakulong at mabulok sya sa bilangguan, papano na lang kung di mo nalaman na peke yung babae na yun at nangyari na naunang nagtagpo silang dalawa at tama nga ako dahil eto nga at nagkatotoo na ang kutob ko na gagawan niya nang masama si Cameron" nanggagalaiting sabi ni Nanay.
Pinakalma naman ito ni Tatay."Don't worry Nanay, Tatay, I'm already working on it at sinisiguro ko na magbabayad siya pati na ang kung sinumang kasabwat niya" sagot ko sa mga ito.
"Kamusta na anak si Cameron?" Tanong ni Tatay,
Napabuntung hininga ako at malungkot na sumagot dito.
"Nakunan po si Cameron, Tatay" napasinghap si Nanay sa sinabi ko.
"Kawawa naman ang Asawa mo anak" naaawang hinaplos ni Nanay ang buhok nang natutulog na si Cameron.
"Oo nga po Nanay eh" malungkot na sagot ko dito. "Ang sabi ng doktor po kanina mahina daw po ang kapit ng bata at bukod dun mahina din pa po ang katawan ni Cameron dala nga po nang na comatose ito nang matagal at di pa ganap na nakakarecover ang katawan po nya tapos po parang na shock po ang katawan nya at ayan nga po ang resulta" malungkot na paliwanag ko sa mga ito.
"Eh si Cameron,alam na ba niya ang nangyari sa kanya at sa baby, Ano Anton ayos lang ba o napano din sya?" Nag aalalang tanong ni Nanay sa akin.
"Di pa po Nanay pero okay na po sya ang payo lang po nang doktor ay magpahinga po sya at wag masyadong paka stress" ani ko dito.
"Alam ko anak na malungkot ka pero dapat pakatatag ka para sa asawa mo" wika ni Tatay at tinapik ako sa balikat ko.
"Alam ko po Tatay kaya lang po kasi" tuluyan nang tumulo ang luhang pinipigilan ko kanina pa.
"Ang sabi nang doktor baka matagalan bago magbuntis ulit si Cameron o baka di na po uli, masakit lang po kasi alam ko na pangarap ni Cameron na magkaroon nang maraming anak kase nga lumaki po syang mag isa at baka po pag nalaman nya ang nangyari sa baby po sana namin ulit, baka sisihin po nya ang sarili nya sa nangyari" naiiyak na sabi ko sa mga ito."Anak nandito ka pa pati na ang apo namin at saka kung isa lang ang itinakdang ibigay ng diyos sa inyo dapat na tanggapin natin at ipagpasalamat di ba, kasi marami nga dyan di nga mabigyan miski isa kaya masuwerte kayo di ba, dahil kahit na may masamang nangyari noon kay Cameron may mabuting tao na tumulong dito at nakaligtas ito pati na ang Apo namin sa tiyak na kapahamakan at kasama natin sila ngayon?" Wika ni Nanay kaya napapangiting pinunasan ko ang mukha ko at niyakap ang mga magulang ko.
"Tama po kayo Nanay, Tatay" wika ko sa mga ito.
"Kaya dapat pag nagising ang Asawa mo alagaan mo siya, iparamdam mo sa kanya na kahit sya lang at si Anne ay masaya at kuntento ka na iparamdam mo kay Cameron na mahal na mahal mo sya na aalagaan mo sila habam buhay" payo ni Tatay sa akin.
Nakangiting tumango ako dito bilang tugon.