Cancel#02

8.2K 132 8
                                    

HELLO SWEETIES I'M BACK AGAIN!!!

~•~

Halos dumugo na ang bibig ni Kimie kaka toothbrush, hindi na nya mabilang kung ilang ulit na syang nag toothbrush pero ramdam pa rin nya ang paglapat ng labi ng gagong yun sa mga labi nyan

"Aaaargh! Bwisit!" Inis nyang inihagis sa lababo ang toothbrush na ikatlo na sa bagong bukas nya na agad naputol.

"Tsk marupok 'tong toothbrush, na scam nanaman ako!" Inis na sigaw nya. Natigil sya sa pagwawala nang pumasok ang housemate nya na si Hailey at agad syang binatukan.

"Sus!, Sinong ikinakukulo ng dugo mo't toothbrush nanaman ang napag-iinitan mo!?" Napakamot sya sa batok at nagmumog bago sumagot.

"Wala" sagot nyang hindi maipinta ang mukha.

"Yung ghoster mo bang boyfriend?" Tanong nitong ikinangiwi nya. Yun pa nga, isa pa yung gago nyang boyfriend. Ugh! Bakit ba ang gago ng mga lalaki ngayon?.

"Hindi" sagot nya kay Hailey at tinuyo ang basa pang buhok.

"Oh eh sino?" Tanong naman nito.

"Basta Gago rin" pagsagot nyang dahilan para batuhin sya nito ng hawak nitong towel.

"Sus tapos paghating gabi na saka mo ako gigisingin para dramahan mo dyan" sabi nitong hindi nya pinansin.

Napangiwi si Kimie nang makitang mag-aala una na ng umaga pero di pa rin sya nakakatulog. Paulit-ulit nagrereplay sa isip nya yung paghalik sa kanya nung Gagong Montegamo. Their kisses only last for a minutes but it is already registered to her mind na para bang hindi na iyun mabubura.

  "AHHHHHHHHH!" Malakas nyang sigaw sunod nyang narinig ay ang pagbagsak ng kung anong bagay mula sa kama ni Hailey. Napapikit sya ng isang mata nang makitang si Hailey pala mismo ang nahulog. Mabilis itong tumayo at kinuha ang lamp at akala mo'y may kalabang hindi nakikita.

"May kalaban ba? Sino!? Boss mag-iingat ka ikaw ang target nila!" Napanganga sya sa inakto nito. Nananaginip ba ito? Boss? Sa kumpanya ito nagtatrabaho pero bakit kung makaasta ito ay tinalo pa ang isang sundalo.

Kinuha nya ang cellphone at inilawan si Hailey na nakatayo pa rin hawak ang lamp na handang makipaglaban anytime. Natawa sya nang makitang kumurap-kurap ito, inilibot ang tingin pagkatapos ay napatingin sa hawak na lamp.

"Kimie Dietrys Salazar!" Sigaw nito sa buong pangalan nyang ikinangiwi nya't mabilis na kinuha ang unan para ipangharang sa sarili.

"Aahh aray! Sorry na... Ouch Hailey" daing nya nang walang awa sya nitong paghahampasin sa pang-upo nya gamit ang mapanakit nitong palad. Buti nalang talaga at walang nakatira sa katabi nilang unit kundi nareklamo na ang mga yun sa ingay nila.

"Gaga ka talagang babae ka! Kung ayaw mong matulog magpatulog ka! Shit ka talaga!" Mas nilakasan nito ang paghampas sa kanya kaya naman ay napapahiyaw sya sa sakit.

"Sorry na nga" paghingi nya ng sorry rito nang pareho silang mapagod. Kusot ang mukha nito at masama ang tingin sa kanya.

"Sino ba kasing problema mo at nang makatulog na tayong dalawa!" Paninigaw nito sa kanya na ikinanguso nya.

"Pano mo nalamang sino?" Tanong nya rito. Umirap ito at hinawi ang mahaba nitong buhok. Tumayo muna ito at binuksan ang ilaw sa kwarto nila bago ito bumalik sa kama nya't ito na ang nagpatay ng flashlight sa phone nya.

"Kailan mo ba pinroblema ang mga bagay, tao lang naman ang pinoproblema mi diba?" Napapairap na sagot nitong tinango-tanguan nya. "So sino nga?" Tanong ulit nito.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon