Cancel#11

3.4K 75 2
                                    


     Pagkagising ni Kimie ay ang cellphone agad ni Thaddeus ang hinanap nya pero hindi nya yun natagpuan. Nang mabasa ang text ni Hailey na ito nalang daw ang magdadala kay Thaddeus ay nagpapapadyak sya. Kailangan nyang pumasok sa trabaho kahit kumukulo ang dugo nya sa inis.

"Kimieeee!" Napatakip sya ng tenga nang bumungad sa kanya ang CEO na si Mayumi, wala itong mapagtripan dahil wala si Amy kaya sya ang napagdidiskitahan nito.

"Miss CEO, masakit po ang ulo ko" pagdadahilan nalang nya para makaiwas rito.

"Ah ganun ba? Okay SEVIEEEEEE!" Muli syang napatakip ng tenga at sinundan ng tingin si Mayumi na hinahabol ang katrabho nyang si Sevie na tumatakbo palayo. Kakaiba sa opisina nila parang tropa lang nila yung amo nila. Napailing nalang sya't naupo sa silya nya.

"Akala ko pinuntahan ka ni Bryle kahapon, anong nangyari?" Napakagat sya ng ibabang labi. Mabuti naman pala at walang sinabing kung ano si Bryle kay Harvin.

"Oo pumunta sya, wala lang kung ano-ano lang ginawa namin" sinabi nalang nyang tinanguan nito. Nakahinga sya ng maluwag nang makalayo na ito. Kailangan na nyang magtrabaho.

  "Yes!" Hindi nya napigilang sabihin nang sa wakas ay tumama sa alasingko ng hapon ang kamay ng orasan. Oras na para umuwi.

Pagkalabas nya palang sa building ay si Bryle na agad ang bumungad sa kanya. Ngumiti sya pabalik ng bigyan sya nito ng matamis na ngiti at sinalubong sya ng mainit nitong yakap. The Bryle beside him now is better version of the old Bryle. Masyado itong malambing at alam nyang mula sa puso lahat ng kilos nito.

Akala nya ay sasakay sila sa sasakyan nito pero nagkamali sya dahil naglakad lang sila hanggang sa makarating sila ng park. Napangiti sya't napayakap sa kasintahan nang makita ang tubig sa fountain at ang mga taong nagpipicnic. Inaya sya ni Bryle na kumain ng tusok-tusok na hindi nya tinanggihan. Naaalala nya yung first date nila ni Bryle, akala nya ay mahirap lang ito kaya sa kwek-kwekan nya ito dinala. Natawa nga sya sa itsura nito habang hindi maipinta ang mukhang kumakain ng kwek-kwek dahil first time pala nitong makatikim nun.

"Why are you smiling?" Umiling sya sa tanong nito at pinanggigilan ang ilong nito. Bakit pa nga ba sya naguguluhan sa pagitan nito at ni Thaddeus? Tama sya Thaddeus is not part of the choices.

"I love you" sambit nyang ikinabato nito. Malakas syang natawa nang hindi ito makapaniwalang napakurap. Dito rin sya nahulog kay Bryle sa mga gestures nitong parang ewan lang. Niyakap sya nito mula sa likod nya saka sya hinalikan sa gilid ng ulo nya.

"I'm sorry" kumunot ang noo nya sa sinambit nito.

"Hhmn? Sorry?" Tanong nya. Ngumiti ito at hinalikan sya sa pisngi nya.

"Sorry sa lahat. Sorry kasi late ko nang narealize na hindi ko pala kayang mawala ka. Sorry dahil ngayon lang ako nag mature" pumihit sya paharap rito at sinapo ang magkabila nitong pisngi.

"Ang importante ay mahalaga" malakas syang natawa nang kumusot ang mukha nito. "Joke lang, the important thing now is you learned your lesson, that you are now mature enough to our relationship" nakangiting aniya saka nya inabot ang mga labi nito para dampian iyun ng halik.

Nakita nya kung paano nanubig ang mga mata nito at subukang pigilin ang luhang gustong kumawala sa mga mata nito. Hinawakan sya nito sa magkabilang nyang pisngi at nagpapaalam na halikan sya. Ngumiti sya't tumango na hindi nito sinayang. Inangkin nito ang mga labi nyang buong puso nyang tinugon. She can feel her heartbeats became fast. She's right, she loves Bryle.

Nananakit na ang tyan ni Kimie sa kakatawa sa kung anong katarantaduhang kwento ni Bryle. Nakarating na sila sa condominium nya't nasa tapat na sila ng pinto ng unit nya. Hinalikan muna ni Bryle ang likod ng palad nya bago nito alisin ang pagkakasiklop ng mga kamay nila. Natawa sya nang ngumuso ito na parang ayaw pang umalis pero wala itong nagawa kundi ang humakbang palayo at umalis na. Huminga sya ng malalim bago buksan ang pinto pero halos humiwalay ang kaluluwa nya sa katawan nya nang sumalubong sa kanya ang nakapamewang na si Hailey at masama ang tingin sa kanya.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon