Cancel#37

2.6K 52 0
                                    

                 "Ganda ng singsing ah" malapad syang napangiti nang pagpasok palang nya sa opisina ay may nakapansin agad ng singsing na suot nya at si Sevie yun.

Sa tagal nya itong nakasama sa trabaho ay ngayon lang sya rito natuwa. Tumango sya't inunat ang kamay para mas lalo nitong makita ang singsing na nakasuot sa daliri nya.

                  "Ikakasal ka na?" Tanong ni Amy na kumakain ng strawberry habang hinihimas ang may kalakihan na nitong tyan.

                  "Yep, parang ganun na nga" sagot nyang malokong ikinangisi ni Amy.

                 "Ilang araw nalang rin ay kasal ko na. Congrats sayo at dapat kasama ka sa kasal ko ah" bilin nitong parang binabalaan sya sa paraan ng tingin nito na ikinatawa nya.

                   "You look happy, Congrats" ang seryoso pero bakas ang sayang sabi ni Harvin na nasa likod ni Amy habang nakatingin sa kanya.

                    "Thanks" tanging naging tugon nya dahil kahit alam nyang tanggap nitong hiwalay na sila ni Bryle ay naiilang pa rin sya.

                     "Congrats" ang nakasalamin at may straw sa bibig na bati sa kanya ni Josh habang hawak ang large size na milk tea.

Natatawa sya sa isiping halos gabi-gabi itong nati-text sa kanya ng mga sama ng loob nito tungkol sa pagiging torpe kay Amy kaya ito nahuli pero base sa ayos nito ay parang wala itong pino-problema.

Alam nya ang kwento ng dalawa, parehong nagkagusto sa isa't isa na napangunahan lang ng takot at pag-aalinlangan. Pero habang nakikita nya si Amy na masaya sa asawa nito at si Josh na masaya para kay Amy ay masasabi nyang may mga pagkakataon talagang kailangang may masayang para mas pahalagahan ang panibagong pagkakataon.

                   "Sana ol" rinig nyang sabi ng babaeng katrabaho nilang antisocial at ubod bitter. Pinihit nito ang swivel chair paharap sa kanila at cold ang tinging ibinigay sa kanila.

                   "No need na mag congrats pa ako, right?. Pero alam nyo bang darating daw yung sister ni Miss Mayumi?" Kumunot ang noo nya sa narinig.

Kung ganun, kaya pala madali lang para sa mga magulang ni Mayumi ang itakwil ito dahil may isa pa itong anak?. Hindi talaga kapani-paniwala ang ibang mayayamang magulang. Mas mahalaga pa sa kanila ang negosyo at image nila kesa sa pamilya nila.

Hindi pa sila nakakapagsalita ay nakarinig sila ng boses ng babaeng nagpupumilit tumakas sa kung saan. Sabay-sabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng boses at isang babaeng maamo ang mukha at naka messy bun ang buhok.

Hindi maayos ang pananamit nito na kung titignan ay parang nakapambahay lang ito.

                   "Damn it!. Sabi kong layuan nyo ako!" Sigaw ng babaeng medyo matinis rin ang boses.

                   "Si Mayumi ang CEO rito kaya bakit ako nandito?. Ayaw ko rito, may trabaho ako at hindi ko kailangan ng putanginang pera ng mga Arkanghel!" Halos mag eskandalo ito sa mga pinagsasasabi nito.

Looking how disappointed and disgusted this woman is, she can say that this daughter of Arkanghels is not as kind as Mayumi.

                   "Miss, you need to calm down!" Giit ng body guard nito na napipikon na.

                    "And why the hell I would?  Let me fucking leave!" Pilit ng babae.

                   "Ano nanamang ganap 'to?" Nalolokang ani Sevie na animo'y bakla.

                   "Mukhang may hindi tayo alam kay Mayumi ah, nasan na pala sya?" Tanong bigla ni Josh na panay ang sipsip sa straw ng milk tea nito.

                    "Mukhang walang butihing anak ang mga Arkanghel" pansin nyang kinalabit sya ni Amy para tumigil sya pero tumawa naman.

Lalong nagpumilit tumakas ang babae hanggang sa hawakan ito sa braso ng isang body guard at simulang sapilitang kaladkarin papunta sa opisina para siguro patahimikin ito pero isang lalaki ang sumigaw at umagaw ng atensyon ng lahat.

                    "Let her go, you fucker!" Ang malalim na boses ng lalaking matangkad, may malapad na balikat at napakadilim ng awra ng gwapo nitong mukha na nangingibabaw ang pilat nito sa kanang pisngi.

                     "Cadmus..." halos kasabay nya ang babaeng nasambit ang pangalan ng lalaki.

Ang kaibigang yun ni Thaddeus.

Hindi na nalaman pa ni Kimie ang sumunod na nangyari. Napakurap-kurap sya nang mapagtantong bulagta ang mga naglalakihang body guards ng kapatid ni Mayumi at wala na sa opisina ang babae at si Cadmus.

                   "Shit! Di ba, may rule tayong hindi pwedeng makalabas ang mga nangyayari dito sa opisina?" Wala sa sariling tanong ni Sevie na lahat ay tulalang tumango.

                   "Wala akong nakita" pagkakaila ni Harvin na wala sa sariling nasimulang lumakad pabalik sa silya nito.

Si Kimie ay pilit binalik sa ayos ang sarili nang biglang umikot  ang paningin nya.

                  "Kimie, ayos ka lang?" Tanong ni Josh na nakasalo sa kanya.

                  "O-Oo" sagot nyang pumikit ng mariin bago nagmulat at tumayo ng maayos nang umayos ang paningin.

Napasinghap sya nang biglang may humawak sa tyan nya't nalamang si Amy yun. Mapang-akusa itong tumingin sa kanya na para bang pati kaluluwa nya ay nabasa na nito.

Maloko itong ngumiti saka umiling-iling at sumubo ulit ng baon nitong strawberry.

                  "Tss. Mukhang may laman ah" sabi nito saka walang pasabi syang tinalikuran.

Napakurap-kural sya kasabay nun ang kabang lumukob sa dibdib nya. Naiisip na rin nya yun pero hindi pa rin nya maiwasang kabahan.

Halos hindi naramdaman ni Kimie ang oras na natapos na pala ang trabaho nya. Hindi na sya nag-abala pang mag-ayos dahil tinatamad sya.

Pakiramdamnya hindi naman sya napagod, hindi rin sya malungkot o ano man basta ay tinatamad lang sya.

Tinignan nya ang oras sa cellphone at nang makitang medyo maaga pa para umuwi ay dumaan sya sa malapit na Pharmacy at bumili ng sa tingin nya ay kailangan nya.

Bumuntong hininga sya nang mapatitig sa binili at saktong paglabas nya ay natanaw nya ang sasakyan ni Thaddeus.

Bigla nalang syang sumigla at patakbong lumapit sa hinintuan ng sasakyan nito. Pagkababa palang nito ay mas lalong lumuwag ang ngiti nya't excited makasama ito.

                     "Thad" tawag nya rito at patakbong binura ang espasyo sa pagitan nila nang lalaking naglalakad na rin papunta sa kanya.

Agad nya itong kinulong sa mainit nyang yakap pagkatapos ay parang mabibilis na sasakyang nagsunod-sunod na pumasok sa isip nya ang mga gusto nyang gawin.

She'll do everything she wants with this man in front of her. Luckily, he said yes.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon