"Sir, ito na ho ang baby nyo" hindi nya alam kung paano hahawakan ang inaabot nitong anak nya.
Nanginginig ang kamay nya sa kaba, mabuti nalang at naruon si Ashana para alalayan sya. Wala pa ang mga kaibigang nagsabing pupunta at si Hailey naman ay nasa labas para bumili ng Kape. Si Zhyon ay sinundo ang asawa nito.
"Dapat kalma ka lang kasi nararamdaman nila kung hindi komportable ang may buhat sa kanila" bilin ni Ashana na sinusundot ang kyut na ilong ng anak nilang babae.
"Akin itong isa" malawak ang ngiting sabi ni Ashana na kinuha ang isa pang bata sa kamay ng nurse.
Looking at his 3 little angels made him feel different kind of happiness. Ibang-iba ang kaligayahang nararamdaman nya habang hawak ang anak kumpara sa mga kaligayahang naramdaman nya noon.
This is different, a happiness in peace and contentment. This 3 little angels and his Whisky will be his life from now on.
"Thad" mula sa maliit na mukha ng anak ay nabaling ang tingin nya kay Kimie na nagising na.
Masyado itong napagod kaya pagkalabas nito ng delivery room ay nawalan ito ng malay. Mas matapang daw si Kimie kumpara sa ibang nanganganak na triplets ang anak and he's so proud of her.
"Nandito na sila, our 3 little angels" malawak ang ngiting sabi nya't inilapag sa dibdib nito ang anak na babae.
Their baby girl is so calm hindi gaya ng dalawang lalaki na kapag gising ay panay ang iyak.
"I love you..." he whispered to her that made her smile.
Hinalikan nya ito sa noo at hinaplos ng daliri ang maliit na mukha ng baby girl nila.
"Kunin ko lang si number 2" paalam nya kay Kimie na mahinang tumawa sa sinabi nya.
Kinuha nya sa isang nurse ang isa pang anak at binuhat yun papunta kay Kimie.
"Look, they look like us" malawak ang ngiting aniya.
Hinaplos ni Kimie ang pisngi nya sunod ang sa anak na hawak nya. Tumabi rin sa kanila si Ashana kaya kitang-kita nilang dalawa ang tatlong anak.
"They have a mix face, Thad" ani Kimie na tinanungan nya.
"WAHHHH! Mga baby ko!" Ang maingay na si Hailey ang bigla nalang simigaw dahilan para magising at umiyak ang mga sanggol.
"Gaga, nagulat yung mga bata!" Sermon ni Kimie sa kaibigan nito na napanguso at nakihawak sa buhat ni Ashana.
Their family will be big because of this family they made.
"Anong nangyari? Ba't umiiyak mga baby ko?" Singit naman ni Zhyon na kararating lang kasama ang asawa nito.
"Wow, bro pahiram lang ako—" hindi nito naituloy ang sasabihin nang samaan nya ito ng tingin.
"Sabi ko nga hindi na" nakangusong sabi nito na nagpapakampi sa asawa nitong napailing lang.
"Hayaan nyo na muna yang dalawa sa mga anak nila, tss. Mag anak na rin kasi kayo" saway ng asawa ni Zhyon sa mga pasaway na nag-aayos na ng schedule kung kailan mapupunta sa kanila ang mga bata.
BINABASA MO ANG
Billionnaire Series#04: CANCEL 100
Romance(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kaya bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya? Damn it Dietrys, I love you, only you!" - "Fine then, for n...