"Wait me here, Whisky" paalam sa kanya ni Thaddeus na agad nyang tinanguan. Hinalikan muna sya nito bago ito lumayo at sinagot ang tumatawag sa cellphone nito.
Ngumuso nalang sya't itinuon ang pansin sa pinanonood habang kumakain ng popcorn. Ilang minuto lang ang lumipas ay ang malakas na sigaw ni Hailey ang narinig nya. Wait, Hailey?.
Mabilis syang pumihit paharap sa pinto ng mansion at dun nya nakita si Hailey na tumatakbo papalapit sa kanya. Sumusunod rito ang boss nitong tinatawag nitong Mr. Kamahalan na syang may dala ng parang isang maleta. Para saan naman yung maleta?.
"Kimie!. GAGA KA!. Anong feeling ng punit ah?" Napangiwi sya sa bungad ni Hailey sa kanyang yumakap pa sa kanya.
"Hoy! Nakakahiya ka!" Pangaral nya rito pero umirap lang ito at tumingin sa pagitan ng mga hita nya.
"A-anong tinitignan mo?" Kabadong aniya na tinakpan ng kamay ang direksyon na tinitignan nito. Maloko itong ngumisi at lumapit ang bibig sa tenga nya.
"Langit ba?" Bulong nito sa kanya kaya mabilis syang napalayo rito.
"Ang baboy mo talaga!" Asik nya rito pero tatawa-tawa itong umirap.
"Tsk, don't scare her, Hailey" saway ni Mr. Kamahalan kay Hailey na ipinagpapasalamat nya.
"Aysus!. Ikaw sir, langit ba?" Napatingin sya sa amo ni Hailey na biglang naubo.
"Waahhhh!. Kinikilig ako Sir, comeback na ba kayo ni Miss nurse?" Nanlaki ang mga mata nya sa tanong ni Hailey sa amo nito.
"Miss Nurse?" Tanong nya kay Hailey.
"Don't mind her" pinangunahan ni Mr. Kamahalan si Hailey pero curious sya.
Kung ganun totoo palang wala talagang namamagitan kay Hailey at sa amo nito dahil may ibang babae sa buhay ni Mr. Kamahalan?.
"Maganda, sexy, matalino at mabait" nakangiting ani Hailey.
Nakita nya ang paglunok ng amo ni Hailey at hindi ito mapakaling naupo sa isang sofa. Pigil nya ang matawa. Nakaka-curious din kung sino bang babae ang nakabihag sa puso ng mala-Greek God na binatang ito.
"Whisky" tumaas ang tingin nya sa binatang nakatayo na pala sa tabi nya. Naningkit ang mga mata nya nang makita ang nakangusong binata at parang bata nanamang nagtatampo sa kanya.
"Teka, inaano kita?" Tanong nya rito pero naupo lang ito sa tabi nyang nag-iwan ng isang dangkal na layo ng pagitan nila. Ano nanamang problema ng lalaking ito?.
Umangat ang isang kilay nya nang tumalim ang tingin nito nang balingan nito ang amo ni Hailey na inosente lang nakaupo habang inaasar ni Hailey.
"Ayt... lumapit ka dito" may tonong pagbabantang utos nya rito pero hindi sya nito pinansin.
"Thaddeus " tawag nya ulit rito pero ilang segundo lang sya nitong tinignan saka nag-iwas nanaman ng tingin. Ang lalaking ito talaga.
"Thaddeus Montegamo!" Madiing tawag nya sa buong pangalan nito na maging sila Hailey ay napatingin sa kanya pero ang makulit na binata ay hindi pa rin tumitingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Billionnaire Series#04: CANCEL 100
Romance(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kaya bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya? Damn it Dietrys, I love you, only you!" - "Fine then, for n...