Cancel#47

3.4K 67 4
                                    

Sinubukan ni Kimie na matulog habang nasa mga bisig sya ni Thaddeus pero hindi nya nagawa. Pati sya ay natatakot na paggising nya ay mawala na rin ito sa tabi nya.

Hindi na nya alam kung bakit nya ba yun ginagawa, kung bakit hinayaan nya ang sariling magpatangay nanaman sa kabaliwan nya subalit sa mga pagkakataong iyun ay walang tama at maling naglalaro sa isip nya.

Ang tanging mahalaga lang sa kanya ay kung paano nya pupunan ang espasyo sa puso nyang matagal rin nawalan ng laman dahil sa pagkakalayo sa lalaking yakap-yakap sya.

Gusto nyang mapawi ang pangungulila rito at gusto nyang sulitin ang bawat sandaling nahahawakan at nakakasama nya ito. Isang butil ng luha ang kumawala muli sa kanyang mga mata ngunit sa pagkakataong iyun ay hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya sa kaaalamang kayakap nya ang binata.

                       "Kuya!" Para iyung drum na hinampas ng pagkalakas - lakas na pumuno sa pandinig ni Kimie.

Gusto nyang tignan kung sino ang babaeng yun pero nahirapan syang gumalaw dahil sa tyan nya.

                     "Asha" rinig nyang tawag ni Thaddeus sa kung sino man kaya lalo syang nagmadaling pumihit paharap sa babaeng maagap syang inalalayan ni Thaddeus.

Nang matamaan ng tingin ang babaeng kanina nya pa gustong makita ay parang huminto ang mundo nya. This woman, ito yung nurse. Natuon ang tingin nya sa mga mata nito, mga mata nitong umagaw rin ng atensyon nya kanina nang makita nya ito.

Her eyes is like a billion dollar worth of accessories, a very rare eye color. An orange eyes like Thaddeus eyes.

                    "Kuya, are you all right?. Ano bang nangyari sayo? Pinag-alala mo ako!" Umiiyak at may hinanakit na turan nitong tinawanan ni Thaddeus.

                    "Oh, my princess. Let me hug you, okay?" Ani Thaddeus na ibinuka ang palad para salubungin ng yakap ang kapatid na umiiyak na lumapit rito.

                    "Nakakaasar ka, kuya!. Lagi mo nalang akong pinag-aalala" sabi pa nitong mahinang sinusuntok sa balikat si Thaddeus na tumatawa lang.

Naiwang walang masabi si Kimie habang pinapanood ang dalawa. May bagay na naglalaro sa isip nyang hindi nya maiproseso ng maayos.

                   "Sshhh okay na si kuya, Hmn?. Okay na okay na. Tahan na" kinalas ni Thaddeus ang yakap nito at ito mismo ang nagtuyo ng luha ng babae.

Tumango-tango ang babae at naupo sa gilid ng kama sa bandang paanan nya. Una ay nakatuon lang ang pansin nito kay Thaddeus kaya nang matamaan sya ng paningin nito ay saka lang sya nito napansin.

                   "Oh? Ikaw?" Turo nito sa kanya. "Ikaw yung juntis na malaki tyan kanina 'di ba?" Tanong nitong ikinakagat nya sa ibabang labi.

                   "Why are you here?" Tanong nito saka bumaling kay Thaddeus.

                   "Kuya! Anong ginagawa ng buntis sa kama mo?" May tono ng pang-aakusa sa tono nitong tanong kay Thaddeus.

                  "She's your sister " Sabay na napakunot ang noo ng dalawang babae sa naging tugon ni Thaddeus.

Ngumiti lang ito at dumukwang para bigyan sya ng masuyong halik sa labi. Hinaplos nito ang pisngi nya bago ito humarap sa babaeng tumatawag rito ng kuya.

                   "Sya yun, sya yung babaeng mahal na mahal ko't kapatid mo sa ina" napalunok si Kimie nang makumpirma ni Thaddeus ang bagay na naglalaro sa isip nya.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon