"Kung saan - saan ako nagpaikot ikot sa pagmamaneho sa bahay ko rin pala bagsak mo" may pagtatampong sabi ni Zy.
Pagkarating nila sa bahay ni Zy ay sa mahabang sofa agad ang bagsak nya. Pagod na pagod na sya pero hindi pa rin matahimik ang isip nya.
"Sorry" tanging nasabi nya.
Umalis sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa si Zy at nagtungo ito sa kusina, pagbalik nito ay may dala itong tubig at cookies.
"Water?" Alok nitong inilapag sa harap nya ang isang basong tubig.
Naupo sya't inubos ang laman ng baso na nakatulong para kumalma sya. Medyo magaan na ang pakiramdam nya kumpara nitong nagdaang ilang oras.
Huminga sya ng malalim at idinuyan ang paa habang naglalakbay ang isip sa kawalan.
"Ang kapal mo talaga eh noh?" Umangat ang tingin nya kay Zy nang magsalita ito.
Ngumuso sya nang strikto ang mga mata nitong nakatutuk sa kanya.
"Ni hindi ko nga nalamang break na kayo ni Bryle ay mukhang nakipaghiwalay ka nanaman sa kung kanino" kinagat nya ang ibabang labi sa paninermon nito.
"Sor—"
"Stop saying sorry to me" naiiritang anito na nagpatigil sa kanya.
"Edi patawad" pag-iiba nya ng sasabihin.
"Pota!" Mura nitong nakita nya ang pagngiti nito. "Siraulo ka talaga" puna nitong ikinanguso nya.
"So, ilang araw kayo ni Thaddeus para umiyak ka ng ganun?" Tanong nitong dahilan para gulat nya itong titigan sa mata.
"Pano mo nalamang sya?" Gulat na tanong nya pero inungusan lang sya nito at lumakad dala-dala ang cookies at agad isinalpak sa nakabuka nyang bibig.
"Galing ka sa mansion nya, remember? Idiota!" Napangiwi sya nang marinig ang sagot nito. Harsh pa rin talaga.
"Luckily I'm allowed to enter that village kaya nakapasok ako. Pero... how come na mukhang nabilog ng babaerong Thaddeus Montegamo ang wais na pinsan kong si Kimie Dietrys Salazar?" Tanong nitong mababakas ang pang-aasar.
Umirap sya't isinandal ang likod sa sandalan ng sofa saka napapagod itong tinignan.
"Hindi nya ako binilog" pagtatama nyang ang malakas na pagtawa ng lalaki ang naging tugon.
"Sinong maniniwala sayo?" Tumatawang tanong nitong alam nyang pang-aasar lang nito.
This guy is Zhyon Ace Aguirre, her cousin na itinakwil ang sariling pamilya. Yeah, ito mismo ang nagtakwil sa pamilya nitong ayon rito ay mga taong makakapal ang mukha at anak ni Satanas. He's currently working as an prosecutor kahit pa marami itong pag-aaring negosyo.
Hindi ito kurakot o ano man sa totoo lang ay ito lang ang tao sa pamilya nitong mga asal hayop sa kasakiman sa pera at yun din ang dahilan nito kaya isinuko nito ang pagiging fulltime bigtime entrepreneur ng pinagsikapan nitong palaguing negosyo nung mga panahong nasa poder pa ito ng pamilya nito. Kung hindi lang siguro para sa mga empleyado sa kumpanya nito na umaasa sa kikitain ng kumpanya ay matagal na nitong itinigil ang pagmamanage ng mga negosyo nito.
BINABASA MO ANG
Billionnaire Series#04: CANCEL 100
Любовные романы(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kaya bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya? Damn it Dietrys, I love you, only you!" - "Fine then, for n...