Cancel #14

3.7K 97 0
                                    

Hello there, Sweeties. Musta kayo? Ito na update. Enjoy reading.

~●~

             "Morning"

             "Morning too" bati nya sa lalaking bumati sa kanya habang kinukusot ang mga mata. Wait, ano? Lalaki?.

Natigil sya sa pagkusot nang mata at dahan-dahang pumihit paharap sa lalaking bumati sa kanya.

               "Aaahhhhh—"

               "Aylabyou tooo" dugtong nito sa pagsigaw nya.

                "Ikaw! Gago ka talaga!" Mura nya rito at binato ito ng unan na tinawanan lang nito.

Tinignan nya ang sarili para masigurong kung ano sya nung dinala nito ay ganun pa rin sya sa paggising nya. Nanlaki ang mga mata nya ng iba na yung damit nya dahil panlalaki na yung suot nya. Matalim ang tingin na binigay nya rito pero tumaas-taas lang kilay nito.

                 "What? I saw that already so, I changed your clothes without a second thought" inosenteng sagot nito na gigil nyang inungusan.

Wala namang masakit sa kanya lalo na sa pagkababae nya kaya hundred percent sure ay virgin pa sya. Hay, salamat naman kundi papasok sya sa trabahong nakabuka ang paa.

Napangiwi sya nang mai-magine ang sariling hindi maisara ang mga paa. Shemay ang sagwa! Pero teka, ba't yung itsura nya ang pino-problema nya? dapat ang pi-no-problema nya ay hindi nya ito boyfriend para makipag sex rito. Ang gaga nya talaga!.

             "Ikaw!" Dinuro nya ito. "Bakit hindi mo ako inuwi kagabi?" Tanong nya rito.

             "Hmmn? Nakatulog ka na kaya hindi na kita ginising, you know mahaba ang byahe from baguio to Manila" nalaglag ang panga nya sa huling sinabi nito.

             "Baguio?" Tanong nyang tinanguan nito. Lumapit ito sa kanya at naupo ito sa tabi nya.

             "Yep, I washed your clothes last night maybe later it'll be dried" sabi nitong hindi pa rin nagsi-sinc-in sa isip nya ang unang sinabi nito. This man brought her to Baguio at wala syang kaalam - alam?.

            "AAHHHHHH" sigaw ulit nya.

            "Lab—"

             "Aahhhmpanget mo!" Pinutol nya ang akmang pagdudugtong nanaman nito.

Napatitig ito sa kanya at napakurap-kurap.

              "Did you just called me ugly?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

               "I did! Now leave!" Matapang na aniya at pilit itong sinisipa pababa ng kama.

               "We both knew I'm not" dipensa nito. Dumila sya't parang bata itong inasar.

               "No, You're ugly and nothing but an ugly, Gago" giit nya. Tumikom ang bibig nito at nanatiling nakatitig sa kanya. Ang Cute nito pero hindi! Dapat galit sya dahil dinala sya nito sa Baguio ng wala syang kamalay-malay, kaya pala anlamig nung gabi.

                 "Alis na! Ampangit mo panira ng umaga!" Pagtataboy nya rito at pinilit itong itulak paalis sa kama gamit ang paa.

                "Pangit talaga ako sa paningin mo?" Tanong pa nitong hindi pa rin makapaniwala.

Tinaasan nya ito ng kilay at mas nilakasan ang pagsipa rito pero nahuli nito ang paa nya. Ginamit nya ang isa nya pang paa para sipain ito pero nahuli lang ulit nito iyun.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon