"Sissyyyyyy! Manganganak ka na?" Kakapasok pa lang ni Ashana sa pinto ay ang pagsigaw agad nito ang narinig nya.
"Asha! Don't shout!" Saway ni Thaddeus sa kapatid pero umirap lang ito.
"May dala akong foods. Sobrang dami! Anong gusto mo, sweets, salty, or bitter?" Tanong nitong inisa-isang ilabas ang mga dala nitong pagkain.
"Lahat gusto ko!" Excited na sagot nyang ikinatuwa rin ng kapatid.
"Kim! May binili na akong stretcher para pag manganganak ka na mabilis lang" malapad ang ngiti ani Zy na hila-hila ang isa ngang stretcher.
"Hoy, Gaga. Wheelchair lang pwede na!" Hinampas ni Ashana si Zy na tinawanan nya.
Kabuwanan na nya pero kung may excited man ay ang mga taong nakapaligid sa kanya ang pinaka. Excited din sya kaya lang kinakabahan sya, baka kasi hindi maging maayos ang paglabas nya sa mga anak nya kaya natatakot sya.
"Gagang buntis! Nasaan na yung bata? Lalabas na ba?" Napahilot nalang sa noo si Kimie nang marinig ang boses ni Hailey na minsan nalang nyang makita pero sakit pa rin sa ulo nya.
Malawak ang ngiti nitong naupo sa tabi nya't kumain rin ng mga dala ni Ashana.
"Hey, ate that's for Kimie!" Pigil ni Ashana rito pero dumila lang si Hailey at kumain nang hindi pinapansin ang nagmamaktol na si Ashana.
"Sabi ko sayo wag mo akong tatawaging ate. Mas matanda ka pa nga sakin eh" sabi nitong napangiwi si Ashana.
"But mommy said—"
"Pake ko sa mommy mo? Pakihanap nga ng pake ko! Di ko mahanap eh, asan ba?" Sya ang hindi nakatiis kaya sinapok na nya si Hailey.
"Aray! Hoy masak—"
"Oh tapos?" Tinaasan nya ito ng kilay kaya napanguso ito.
"Pasalamat ka talagang babae ka't buntis ka!" Sabi nitong tinawanan lang nya.
"Kung magaaway kayo wag sa harap ni Whisky ah. Maistress yung mga baby" paalala ni Thaddeus na ikinangiti nya.
Naupo ito sa tabi nya't ibinigay sa kanya ang pinagawa nya ritong melon juice. Inakbayan sya nito at itinuon ang tingin sa pinapanood.
"Si ate kasi" pagsusumbong ni Ashana kay Thaddeus.
"Sabing mas bata ako sayo!" Sabi nitong natawa nalang si Kimie.
Kapag nagkikita ang dalawang babaeng ito ay lagi nalang talagang may sagutan kaya nasanay na sya.
"Zy, kelan mo ba balak gumawa ng sarili mong baby?" Pag-iiba ni Kimie sa usapan.
Nakaupo si Zy sa handle ng sofa habang kumakain ng jelly at nanonood ng TV.
"Mmn? Kailangan pa ba?" Tanong nito.
"Oo kaylangan dahil wala nang mapupunta sayo, sakin yung isa, kay Ate Hailey yung isa at isa kila Thaddeus" si Ashana ang sumagot na pinarte-parte na ang mga anak nila.
BINABASA MO ANG
Billionnaire Series#04: CANCEL 100
Storie d'amore(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kaya bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya? Damn it Dietrys, I love you, only you!" - "Fine then, for n...