"Wag ka na pumunta!" Ayaw bitawan ni Hailey ang kamay ni Kimie na palabas na ng pinto ng unit nila. Napailing si Kimie at hinarap ang kaibigan.
"Ang OA mo, hindi ako papatayin ng pamilya ko pag pumunta ako duon, okay?" Katawiran nya rito pero umiling ito at lalo pang kumapit sa kanya.
"No, mga demonyo yung mga yun kaya NO!" Giit nito. Napakamot sya sa pisngi at umisip ng paraan.
"Wait, may gwapo oh!" Turo nya sa gawing elivator na agad nitong tinignan dahilan para makatakas sya sa pagkakahawak nito.
"KD!" sigaw nito sa pangalan nya nang makalayo sya rito na malakas nyang tinawanan. Pagkarating sa elevator ay agad nya yung sinara.
Binasa nya ulit ang mensahe ni Kairhine, pinapapunta sya nito sa mansyon dahil kakausapin daw sya nito maging ng Dad nya. Bumuntong hininga sya saka kagat labi syang lumabas ng elevator at pumara ng taxi.
"Lady KD" bungad sa kanya ng mga tauhan na agad nyang niyakap.
"Ay Dios ko, mabuti nalang at ayos ka na" sabi pa nitong malapad nyang ikinangiti. Napakabait talaga ng tauhan nila sa mansyon.
"Hinihintay ka na ho sa loob" imporma sa kanya ng isang tauhan na tinanguan nya. Ito na, wala ng atrasan 'to.
Pagpasok nya pa lang ay ang malakas na sampal agad ng Dad nya ang sumalubong sa kanya. Sa lakas ay nawalan sya ng balanse at napaupo sa sahig. Parang humiwalay ang balat nya sa pisngi sa sakit, nangingilid ang luha nyang nag-angat ng tingin sa Dad nyang matalim ang tingin sa kanya.
"Dad..." nanghihinang tawag nya sa ama pero pagak itong tumawa.
"How could you call me Dad after what you'd done, Dietrys!?" Galit na sigaw nito sa kanyang nagpapikit sa kanya.
"Dad..." tawag uli nya rito pero galit sya nitong hinila sa braso at pilit syang pinatayo.
"Don't ever call me again your Dad, Dietrys. How dare you stole your sister's boyfriend!? Ganyan ka na ba kalandi!? Ganyan ka na ba ka kulang sa pansin!?" Hindi sya makapaniwalang natawa. Paano nito nasasabi sa kanya ang ganun!?.
"Anak nyo ba talaga ako!?" Hindi nya napigilang naitanong. Natigil ang ama nya't tinitigan sya nito bago ito nagsalita.
"The time your mom died my daughter also died" malakas syang naiyak sa tinuran nito. Sya pa rin talaga ang sinisisi nito sa pagkamatay ng ina nya but she can't even remember that event, buhay pa sya pero tinuturing sya nitong patay na!? Ang sakit na talaga, ang sakit-sakit na.
"Edi sana pala pinatay nyo nalang talaga ako!" Humahagulgol na sabi nya pero wala nga yata talagang pakialam sa kanya ang ama nya dahil lumapit ito kay Kairhine na nagsimulang umiyak. Niyakap nito si Kairhine na ni minsan ay hindi nito nagawa sa kanya, bakit? Bakit hindi sya?.
Sya ang sinaktan nito, sya ang kadugo nito pero ba't ganun? Hindi sya nagagalit dahil sa mahal nito si Kairhine pero bakit sya, bakit kasi sa kanya ay hindi nito kayang magpaka-ama. Ang unfair, ang unfair talaga.
"What is happening here?" Pinunasan nya ang luha sa mga mata nya nang marinig ang boses ng lalaking yun. Bago pa sya makaharap kay Thaddeus na kararating lang ay naunahan na sya ni Kairhine na umiiyak at tumakbo papunta kay Thaddeus.
BINABASA MO ANG
Billionnaire Series#04: CANCEL 100
Romance(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kaya bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya? Damn it Dietrys, I love you, only you!" - "Fine then, for n...