Cancel#10

3.8K 80 3
                                    

                  Nagdoorbell si Thaddeus sa unit ni Kimie pero natagalan bago sya nito pagbuksan. Naikuyom nya ang kamao nang hindi ang dalaga ang nagbukas ng pinto kundi yung lalaking nagngangalang Bryle.

                 "What are doing here? Are you stalking my girlfriend?" Inis syang napakagat labi nang diinan nito ang salitang girlfriend.

                 "Then what are doing inside of my lady Whisky's house?" Tanong nyang ganun nalang kumunot ang noo nito.

                 "Excuse me" binunggo nya pa ito sa balikat nang pumasok sya.

                 "Damn who told you to go inside?" Bakas ang galit sa tono nito na hindi nya pinansin. Ngumiti sya nang makita si Kimie na nasa kusina at abala sa ginagawa nitong sandwich. Hindi nya pinansin ang nag-aalborotong si Bryle at malalaki ang hakbang nyang nilapitan ang dalaga.

                  Hindi sya nagsayang ng pagkakataon, pinulupot nya sa baywang nito ang kanan nyang braso at hinapit ito habang ang isa nyang kamay ay nasa batok nito para alalayan ito sa pag-iisa ng kanilang mga labi. Nakapikit man sya ay alam nyang nagulat ang dalaga sa ginawa nya, he sucked her lips then covered her lips of his mouth. He can feel her heavy breath and still can't move properly. Bago pa sya masapak ng dalaga sa harap ni Bryle ay binitawan na nya ang paghalik rito.

                 Ngumiti sya nang napakurap-kurap ito pagkatapos ay dinilaan nya ang mayonnaise na nasa daliri nito.

               "What are you doing?" Shocked na tanong ni Kimie sa kanyang malapad nyang nginitian.

               "Licking you" casual nyang sagot na ikinataas ng kilay ng dalaga. "I can do more" sa muling pagkakataon ay nagawa nya itong akitin na sana lang ay gumana.

                "Ang bastos mo!" Asik nito sa kanyang mahina nyang tinawanan bago malokong binalingan ng tingin si Bryle.

                  Tumaas ang kilay nya nang lumapit ito kay Kimie at hinawakan nito sa braso ang dalaga. Nakita nya kung paaano kabahan ang dalaga at takot na tumingin sa kanya. Totoo yata talaga ang sinabi sa kanya ni Hailey na si Bryle ang pipiliin ng dalaga.

                 "Bryle... did you—"

                 "Shhh just wash your dirty hands" inis syang napakamot sa tenga. Gusto nyang bugbugin ang lalaking nay hawak sa kamay ni Kimie pero baka lalo itong magalit sa kanya kaya nagtimpi sya.

                 "Stay away from SHITS" bumaling pa sa kanya ni Bryle nang bigkasin nito ang huling salita.

                 Hindi na alam ni Kimie kung ilang ulit syang napalunok kada magtatama ang tingin nila ni Thaddeus. Natatakot sya na baka nakita ni Bryle ang ginawang paghalik sa kanya ni Thaddeus, ang gaga naman kasi nya eh, bakit nawala sa isip nyang nasa loob pala si Bryle nung hinalikan sya ni Thaddeus.

                 "Ano bang ginagawa nya rito?" Bigla nalang tanong ni Bryle na lumukob sa kanya ng kaba.

                  "Amn ano, may pinagawa ako sa kanya kaya pag-uusapan namin sana yun" pagdadahilan nya.

                  "So, abala pala ako sa pag-u-usap nyo?" Bakas ang lungkot sa tono ni Bryle. Pakiramdam nya natuyo ang lalamunan nya't kumikirot ang puso nya. Pilit itong ngumiti sa kanya bago ito nagpaalam.

                   "Sige na, aalis na ako baka importante ang pag-u-usapan nyo. Take care" ngumiti pa ito pagkatapos ay hinalikan sya sa pisngi nya.

                   Mabigat ang dibdib nya itong hinatid sa pinto palabas. Hindi naman sa gusto na nya itong umalis kundi alam nyang mas masasaktan itong kasama nila habang si Thaddeus ay gumagawa ng paraan para saktan si Bryle. Alam nyang hindi nya mapapaalis ng basta-basta si Thaddeus, she know how Thaddeus think at hinding - hindi ito papatalo kahit pa sa kanya. Gagawin nito ang gusto nitong gawin..

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon