Cancel#16

3.5K 89 11
                                    

Mabigat ang talukap ng matang pilit nagmulat si Thaddeus nang marinig ang boses ng dalagang ilang oras na nyang hinihintay. Paulit-ulit na sya nitong hindi pinili pero hindi na sya susuko.

Ang kinatatakutan nyang mangyari sa kanya ay heto na't nararanasan na nya. Hindi nya alam kung paano at kailan basta alam nalang nyang kung hindi nya hahabulin ang dalaga ay magwawakas syang kagaya ng ama nya.

                  "Whisky" pagtawag nya rito pero ang mataray nitong pag-irap ang sumalubong sa kanya. Ngumiti sya, how can this woman be so pretty while being a snob?.

                  "Bakit ka ba sunod ng sunod sakin huh?" Tanong nitong sinagot nya ng pagngiti. Nanghihina sya para magsalita pa. Namulsa sya't pinigil ang pag-ubo na hindi rin umipekto. Shit! Magkakalagnat nga yata talaga sya.

                 "Because I want you to choose me" he honestly said.

                 "Choose mo mukha mo! Anong sinabi mo kila Kairhine huh? Pati si Hailey dinadamay mo sa kalokohan mo!" Paninermon nitong pilit nyang nginitian. It hurts thinking that Kimie hates him but he have to endure it.

Muli syang umubo at napapikit nang manakit ang ulo nya. Dapat pala sinunod nya yung kambal nang sabihin nitong uminom sya ng gamot.

                "Hoy sumagot ka nga!" Pilit syang nagmulat at nagpilit ulit ngumiti. Damn!, ang sakit na talaga ng ulo nya.

                 "S-sorry,..." tanging salitang nasabi nya't naikuyom ang palad sa loob ng bulsa nya.

                "I'll leave now" paalam nya. Balak nya dapat 'tong ihatid pero wala syang tiwala sa sarili nya lalo't masakit ang ulo nya. Baka maaksidente sila at mapahamak pa ang dalaga.

                  "Hindi mo ako ihahatid?" Bakas ang pagtataka sa boses ng dalaga kaya muli nya itong hinarap.

                 "Bukas nalang kita ihahatid" pagdadahilan nya dahil gustong-gusto nya itong ihatid pauwi kaya lang hindi pwede.

                "Ngayon ko gusto, bukas ayaw ko na" sagot nito na ikinakunot ng noo nya. Bakit ba ngayon pa?.

               "Ano, hindi mo ko ihahatid?" Tanong ulit nito. Pumikit sya pagkatapos ay bumuntong hininga.

               "Hindi kita maihahatid ngayon" pinal na sagot nya, pati paghalik dito ay hindi na nya ginawa dahil baka mahawaan nya ito.

Papasok na sya sa loob ng sasakyan nya nang maramdaman nyang may humawak sa braso nya. Binalingan nya ng tingin ang dalaga at bago pa sya makapagreact ay nahawakan na nito ang noo nya.

               "Ang init mo ah" pilit syang ngumiti at inalis ang kamay nitong pinakikiramdaman ang noo nya.

               "Ayos lang ako" aniyang umaasang kakalma ang dalaga pero muli nitong nilapat ang palad sa pisngi nya sunod sa leeg nya.

              "Grabe, ilang oras kang nandito sa labas? Kailan pa masakit ulo mo? Magda-drive ka pa nyan?" Sunod-sunod na nitong tanong. Hindi nya alam kung anong uunahing sagutin dahil halos hindi nya iyun naintindihan.

               "Ako na magda-drive saan ba bahay mo?" Napangiwi sya nang mauna pa itong sumakay sa kanya pagkatapos ay inalalayan nito ang ulo nyang wag mauntog sa pagpasok nya.

              "Ang kulit kase! Bakit ka nagkasakit?" Tanong ulit nito. Hinanap nya yung seatbelt para maikabit yun pero naunahan sya ng dalaga. Ito ang nagkabit sa seatbelt nya pagkatapos ay tinitigan sya nito. Huminga ito ng malalim saka bumaling ang tingin sa daan.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon