Cancel#13

3.6K 84 5
                                    

           "AHAHAHAHAHAHA BIGO?" pang-aasar sa kanya ni Tyrone na tinawanan ng mga kaibigan nyang naroon. Wala sya sa mood para pansinin ang mga ito, hindi mawala sa isip nya ang paghalik ni Bryle kay Kimie.

           "Fuck it! Damn it! Bullshits!" Sunod-sunod na mura nyang napapasabunot sa sariling buhok. Paano kung hindi lang paghalik ang nagawa ni Bryle kay Kimie? Paano kong? Paano kong higit pa!?. Isinubsob nya ang mukha sa mesa at duon pilit kinakalimutan ang gumugulo sa isip nya.

            Natigil ang pagtatawanan ng pito nyang kaibigan na maya - maya pa ay naramdaman nyang tinatapik sya sa likod, ang iba'y hinihilot sya sa balikat at sa ulo nya. Ang dapat na pagmumura ay nauwi sa tawang unti-unting nagiging pag-iyak. Para syang nababaliw na hindi maintindihan.

          Dapat pala talaga una pa lang lumayo na sya kay Kimie, ngayon hindi na nya yata talaga magagawang layuan pa ito. Thinking about his situation, an image of his Dad crying while taking his last breath still calling the name of his love pumped up into his mind. Ito na yata talaga ang pinakainiiwasan nyang maranasan sa buhay nya.

          "Hey, Bessy. Don't cry damn it! I thought it's too early. I mean you just met her for about.... not that too long" nag-aalalang ani Feather.

          "Shit, is it really love?" Tanong naman ni Storm.

         "Damn, I hate being in love. God don't make me fall huh" kabadong ani Weather.

        "Really? Love? In just a months?" Sunod-sunod na tanong ni Arxon.

        "Wewwwwss I'm speechless" react naman nina Teron at Trevor.

Pumikit nalang sya't hindi na pinakinggan ang mga sinasabi ng mga kaibigan nyang wala namang naitutulong.

        "Hey SWEETSOUCE!" mas lalo syang pumikit ng marinig ang German nyang kaibigan na si Remus. Sa isiping magtatanong rin ito ay nagpanggap nalang syang tulog. Mas mabuti na yun kesa naman sumagot sya ng sumagot sa mga tanong ng mga ito.

 
       "GOOD MORNING BESSY!" ang inaantok na mga mata ni Thaddeus ay nanlaki nang bumungad sa kanya ang pitong animo'y power rangers nanaman.

        "We cooked for you" natatakot na napatitig si Thaddeus sa mga pagkaing dala-dala ng pito nyang kaibigan habang may mga suot itong apron na power rangers ang kulay.

         "You need strength for your love battle so we cooked your  breakfast" tataas-taas ang kilay na sabi ni Teron na naunang lumapit sa kanya.

        "Tanggapin mo na, ika sampung subok nya yan. Sayang naman effort" napatingin sya kay Remus na nakaupo sa kama nya't nagbabasa ng libro.

        "But for me, let her have a break. Give her a peace of mind first before you make a move" payo ni Remus na hindi tumitingin sa kanya.

         Malalim ang iniisip nyang hindi na namalayang kumakain na sya ng pagkaing niluto ng pito. Malapad ang mga ngiti ng mga itong pinatikim isa-isa ang kanya-kanya nitong mga luto.

        "Who cooked the best?" Tanong ni Storm na ikinakunot na kanyang noo na kalaunan ay sumagot rin sya.

        "Kay Teron" sagot nya. Nalaman nya kung sino si Teron sa tatlong kambal dahil may numbers ang apron ng mga ito. Number 1 si Teron, 2 si Trevor at 3 si Tyrone na pattern ng pagkakasunod-sunod ng pagkapanganak ng mga ito.

         "Ayt, talo nanaman?" Nakangusong ani Tyrone.

        "Give me 50 pesos! Ey walang madungas ah!" Sabi pa ni Teron na ikinangiwi nya.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon