Kung nakamamatay lang ang tingin ay paniguradong wala nang buhay ang anim na lalaking kaharap ni Kimie.
"Tell me, what happened to Thaddeus?" Ulit nya sa tanong sa mga ito pero ni isa rito ay wala pa ring nakasagot.
Hindi naman sa hindi sya naniniwala sa mga ito pero frustrated lang talaga sya sa kung anong dahilan kung bakit nasasaktan ng ganuon si Thaddeus.
Napahawak sya sa tyan ng manakit iyun at bahagyang makaramdam ng hilo. Nagmadali ang anim na alalayan sya't ang iba ay nanginginig pa sa takot at kaba.
"Sorry Miss Curly but we're telling the truth, we don't know anything" pagpupumilit ng tatlong kambal na nagsabay-sabay pa.
Pinilit nyang tumawa pero napangiwi sya sa sakit. Napahawak sya sa tyan nya't pilit pinakalma ang sarili sa takot na may mangyaring hindi maganda sa anak nila ni Thaddeus.
Hindi nya pa nga nasasabi kay Thaddeus ang tungkol sa baby nila ay may mangyayari agad ritong hindi maganda?. Hindi nya mapapatawad ang sarili kapag nagkagayun.
Bago pa makapagsalita ng kung ano si Kimie ay namalayan nya nalang ang sariling nasa ospital na habang pibalilibutan ng anim na naggagwapuhang lalaki.
"Fuck!!! Where's Kaiser? We need him!" sigaw ni Feather na sinisigundahan ni Storm na napapatalon pa sa pagkataranta.
"Ayos lang ako" sabi nyang walang naging epekto sa lima kaya tinakpan nya nalang ang mukha dahil sa sobrang hiya.
Kung ano man ang iisipin ng mga taong makakakita sa kanya ay hindi na nya alam basta nahihiya na agad sya. Kung ba't ba kasi sobrang tinatakot ni Thaddeus ang mga ito, napaka OA tuloy.
"What happened?" Isang boses ng babae ang narinig nya.
Wala pa sana syang balak buksan ang kamay na nakatakip sa mga mata pero nang marinig ang pagtataboy ng anim na lalaki sa babae ay agad syang nagsalita.
"Ano ba kayo, ayos lang ako!" pangaral nya sa anim at inagaw ang atensyon ng babae.
Ang seryosong mga mata ng babae ay naging maasim nang makita sya. Kung hindi nya pa nakilala ang mukha nito ay hindi nya maiisip kung bakit.
Ang kaninang hiya ay napalitan ng tuwa nang makita ang di maipintang mukha nito.
A beautiful lady with straight black hair.
"Nurse Ashana I told you to— Oh, what the fuck are you doing here?" Hindi pa sya nakikita ni Kaiser kaya inis ang makikita sa mukha nito nang mapansin ang anim na kaibigan nito.
"Miss Curly is sick" sabi ng isa sa mga kambal na kung hindi sya nagkakamali ay si Tyrone.
"Miss? Miss Salazar?" Gulat na tanong nito at nang matauhan ay mabilis itong lumapit sa kanya.
"Nurse, did you check her—"
"Pake ko sa kanya?" Masungit na sabi ng babaeng agad tumalikod.
Kumunot ang noo ni Kaiser na walang kaide-ideya kung bakit nagalit bigla yung babae na kalaunan ay umiling.
Mabilis pa sa kidlat ay nawala na sa paningin nya yung babaeng nurse pala at naiwan sa kanya si Kaiser at ang anim na lalaking hindi mapakali.

BINABASA MO ANG
Billionnaire Series#04: CANCEL 100
Любовные романы(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kaya bakit mo ako pinagtutulakan sa kanya? Damn it Dietrys, I love you, only you!" - "Fine then, for n...