Cancel#29

3.7K 79 7
                                    

Pagkagising ni Kimie ay ang binatang nagpapasaya sa kanya simula nitong mga nakaraang araw ang hinanap nya. Hindi nya maiwasang mapangiti nang makita ang mahimbing nitong pagtulog habang nasa baywang nya ang kamay nito.

Lumapit pa sya rito at pinagdikit ang tungki ng kanilang mga ilong saka mahinang natawa. Being close to him like this is home for her at ayaw na nyang umalis pa.

Kinagat nya ang ibabang labi nang tumama ang tingin nya sa mga labi ng binata. Nakakaakit iyung halikan. Umangat ang kamay nya't gamit ang daliri ay hinaplos nya ang mga labi nito.

Lagi itong humahalik sa kanya pero hindi sya nagsasawa kundi mas lalo nya pa yung hinahanap-hanap. Bago pa sya tuluyang mabaliw sa mga nararamdaman nya ay hinalikan nya itong hindi rin nagtagal dahil bumangon na sya't lumabas ng kwarto habang tulog pa ang binata.

Napanguso sya nang makitang nakasuot lang sya ng malaking T-shirt na halos bestida na at panty sa pambaba. Ayos lang naman sigurong yun ang isuot nya, baka pag bumalik pa sya ay magising nya pa agad ang binata.

Sinuot nya ang apron at naghanda nang magluto. Hindi sya ganun kahilig magluto at hindi rin ganuon kagaling. Nakakahiya dahil mukhang mas magaling pang magluto si Thaddeus kesa sa kanya pero gusto nyang ipaghanda ng masarap na agahan ang kasintahan kaya magluluto sya ng agahan.

Parang candy nyang kinagat-kagat ang labi habang nakatitig sa may karamihang laman ng ref. Andaming iluluto pero wala syang alam iluto.

                      "Ano bang alam kong iluto?" Tanong nya sa sarili. Dapat pala noon pa sya nagpaturo kay Hailey. Argh! Bakit kase antamad nyang mag-aral sa pagluluto?.

Pumikit sya ng mariin bago pinakalma ang sarili. Huminga sya ng malalim at nag-isip. Kaya nya ito, kakayanin. Pagmulat nya ay ngumiti na sya't kinuha ang mga sangkap na kakailanganin nya.

Kumuha sya ng slice bread at ang mga ipapalaman nya sa sandwich na imbento nyang hanggang ngayon ay wala pa ring pangalan. Mas masarap iyun kung may bacon kaya nagluto muna sya ng bacon, saka itlog. Ngumiti sya, lahat yata ng klase ng sandwhich ay matitikman sa ginagawa nyang sandwich.

Nilagyan nya ng cheese, mix ng ketchup at mayonnaise. Naghiwa rin sya ng kamatis, pipino at iba pang raw vegetables na ilalagay nya. Naghanda nalang sya ng maraming klase ng sandwich dahil ito lang kaya nyang gawin.

Huling sandwich nalang ang ginagawa nya nang may maramdaman syang yumakap sa kanya mula sa likod nya't humalik sa pisngi nya sunod sa leeg nya. The way this man kissed her, she knows him, he's Thaddeus.

                    "Mukhang masarap yan ah" napangiti sya nang bumulong ito sa kanya pagkatapos ay mahina nitong kinagat ang likod ng tenga nya. Thaddeus and his being Manyak again.

                     "Horny mode ka?" Tanong nya rito habang pinagpapatuloy ang paggawa ng sandwich. Narinig nya ang mahinang pagtawa nito.

Sa isang linggo nyang kasama ang binata ay na-divide nya ang personality nito sa iba't-ibang mode. There is Cold mode na nangyayari lang kapag nag-lalagay ito ng space sa pagitan nila dahil hindi pa sya magaling at mukhang nahihirapan itong magpigil.

Sweet Mode, ito yung Thaddeus na laging nakayakap, masyadong maalala at halos walang oras na hindi ito nagsasabi ng I Love You sa kanya.

Baby Mode, yung Thaddeus na akala mo ay anak nya at hindi boyfriend dahil para talagang bata kung umasta.

Beast Mode, nangyayari lang kapag dumadalaw sa mansion ang mga kaibigan nitong malalakas mang-asar na kinakagat agad ni Thaddeus dahil sa pagiging seloso nito. At ang ultra mega number one na halos araw - araw mangyari ay ang horny mode na nagiging dahilan kung bakit ito minsan nagiging cold, ang Mayak mode.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon