Cancel#30

3.4K 71 2
                                    

Kinusot ni Kimie ang mga mata nang magising sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Hinanap ng kanyang kamay si Thaddeus pero wala ito sa kama, nag-inat muna sya't nagsimulang bumangon.

Hindi na nya pinansin kung anong damit ang isinuot sa kanya ni Thaddeus at lumabas na agad sya ng kwarto para hanapin ang binata. Hindi sya nahirapan sa paghahanap rito dahil gaya ng nakasanayan ay nasa kusina na ito at naghahanda ng pagkain.

Malapad syang napangiti nang marinig ang napakalambot na boses nito habang sinasabayan ang kantang naka-play sa cellphone nito. Napakalamig at sakto ang pagiging husky ng boses nitong nagdadagdag ng style sa pagkanta nito.

Kusang humakbang ang kanyang mga paa papalapit sa binatang abala sa pagluluto habang kumakanta at nang tuluyang makalapit rito ay ipinulupot nya ang dalawang braso sa tyan nito mula sa likod. Naramdaman nya ang sandaling pagkabato nito sa kinatatayuan bago nito hawakan ang kamay nyang nakayakap rito at haplusin iyun.

                        "Whisky.." tawag nito sa kanya habang gamit ang isang kamay ay hinahalo ang fried rice.

                       "Hhmn?" Tanong nya't isinubsob ang mukha sa malapad nitong likod.

                      "How's your sleep?" Tanong nitong hinahaplos ang kamay nya.

                     "Good, kanta ka pa ulit" aniyang mas hinigpitan ang pagkakayakap rito. "You have a beautiful voice" dagdag nya pa.

Naramdaman nya ang pag-angat at baba nang balikat nito kasabay nang pagpapakawala nito nang mahinang tawa.

                       "You heard me singing?" Tanong nito.

Bahagya nyang inilayo ang mukha sa likod nito at sinilip ang mukha nito mula sa likod saka ngumiti.

                      "Yup, and I love it. Sing a song for me please...." pangungumbinsi nya rito.

                     "Okay..." sagot nito at sinimulang hanguin ang fried rice sunod ay nagluto ito ng scramble egg sa kawali.

  
                    "I'll start" excited syang tumango at isinobsob ulit ang mukha sa likod nito.

                    "Can I call you baby?

                     Can you be my friend?

                     Can you be my lover up until the very end?"

Napangiti sya, ito yung kantang paborito nya.

                    "Let me show you love, Oh, I don't pretend"

Bawat salita sa kanta ay humahaplos sa puso nya. His voice keeps rubbing her thumbing heart.

                    "Stick by my side even when the world is givin' in, yeah

                     Ohh... oh, oh, don't, don't you worry...

                    I'll be there whenever you want me"

Inilayo nya ang saril kay Thaddeus nang kalasin nito ang pagkakapulupot ng kamay nya rito at pumihit ito paharap sa kanya.

Ngumiti ito at pinakatitigan sya sa mga mata saka nagpatuloy sa pagkanta.

                     "I need somebody who can love me at my worst

                      Know I'm not perfect, but I hope you see my worth"

Umangat ang mga kamay nito sa magkabila nyang pisngi at humaplos yun ruon.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon