Cancel#38

2.6K 65 4
                                    

Nakadekwatro ng upo si Thaddeus na sumimsim ng wine habang nasa anim na kaibigang nakalinya nakatuon ang kanyang tingin. Pare-parehong nakayuko ang mga itong tahimik.

                  "We did it" tumaas ang kilay nya nang ang isa sa triplets ang nagsalita.

                   "Yeah, utos ni miss curly" segunda ni Feather.

                   "Wala naman kaming ibang ginawa eh, tinulungan lang naming makarating at magkaroon ng pera yung kaibigan nya sa ibang bansa" paliwanag ni Storm.

Hindi sya nagsalita at nakinig lang. So, that Mayumi is Kimie's friend?. Tumango-tango sya't inubos ang wine.

                    "Okay. Give her my mansion in Toronto then" sabi nyang pinagkatinginan ng mga kaibigan nya.

                    "Yep, hindi na tuloy ang 100 goal ko kaya ayos lang na magbawas" sagot na nya sa alam nyang itatanong ng mga ito.

Malapad ang ngiting lumapit sa kanya si Weather at base palang sa mga mata nitong aakalain mong aso ay alam na nya ang ibig nitong sabihin.

                      "Nope. Hindi ako namimigay ng sasakyan" inunahan na nya ito.

Bumagsak ang balikat nito at mabigat ang hakbang na bumalik sa dati nitong pwesto.

                    "How about your yachts? Can I have one?" Tanong naman ni Feather.

                    "Nah" mabilis nyang sagot.

                     "Helicopter?" Nakataas ang kamay na tanong ni Storm.

Ngumiti sya ng matamis na ikinangiti rin ni Storm.

                     "Hindi rin" sagot nyang bumura sa malapad na ngiti ni Storm.

                     "We want the Arena of Espanya!" Sabay-sabay na sabi ng tatlong triplets kaya hinagis nya sa tatlo ang hawak na bote.

                      "Dream on!" Huli nyang tugon bago tumayo at iniwan ang anim na puro bagsak ang balikat.

                       "What?" Bungad nya sa taong nasa kabilang linya ng telepono.

                        "The assassin finally spoke, he's one of the men of  our boss enymies" sagot ni Magnux.

Bumuntong hininga lang sya't nagpaalam nang puputulin ang linya. Hindi pa man yun nagsasalita ay alam na nya't alam rin nya kung bakit sya ang naging pangunahing target. Paniguradong nakita ng mga ito na kasama nya ang pinakatarget nito at nagkataong sya ang nakitang mag-isa kaya sya ang inuna.

Hindi na sya nangamba sa kaligtasan nya dahil paniguradong gagawa na ng hakbang ang boss nila Weyn ukol sa bagay na yun.

                    "Thad!" Malawak syang napangiti nang salubungin sya ni Kimie ng mainit na yakap.

Magkahawak ang mga kamay nilang nilakad ang daan patungo sa kinaroroonan ng sasakyan nya. Pinagtitinginan sila na kahit isa sa kanilang dalawa ay walang pakialam. He love this woman so much and her is the only one he cared for.

Dumiretso sila sa isang kilalang food chain pagkatapos ay naglibot sa mall. Wala syang nagawa nang hilain sya ni Kimie sa kung saan-saan. Halos nalibot na nila ang buong mall nang makarating sila sa bilihan ng mga damit.

                     "Kukuha ako ah" paalam ng dalagang tinanguan lang nya bilang tugon at naupo sa isang couch na naruon.

Pipikit sana sya nang matanggap ang mensahe mula kay informer. Sinasabi sa mensahe na may ibibigay ito sa kanyang mga papeles tungkol sa ina ni Kimie.

Billionnaire Series#04: CANCEL 100Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon